16 "Anong? Bakit? Teka," halos hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya napatayo na ako. Inulit kong binasa ang nakalagay sa papel na iyon, pero isang salita lang anh rumehistro sa isip ko. Negative. Tinignan ko si Yrony sa harap ko na nananatili ang seryosong expression. "Si papa, pinuntahan mo? Anong ginawa mo? At saka ano 'to? Bakit may DNA test? Sino ka ba talaga at anong kailangan mo sa'kin?" Tuloy-tuloy ang bawat pagtanong ko dahil talagang hindi ko na alam ang sagot kung bakit. Napatitig ako sa papel na hawak ko. Negative. Hindi ko tunay na ama si Papa, pero bakit? Nag-init ang mata ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Pero paanong hindi ko siya tunay na ama? At sino siya para gawin 'to, Para akong tangang natawa dahil hindi ko na alam kung ano ba ang iisipin ko. Subr

