15 Pakiramdam ko wala akong karapatang magsalita nang malaman kong mama at papa pala iyon nila Yrony. Si Yrony at Denver ay kamukha ng papa nila, habang si Janica naman ay kuhang-kuha ang mama niya. Hindi na ako magtataka ngayon kung gaano sila kagaganda at kagugwapong nilalang. Subrang ganda ni Janica, iyon pala ay subrang ganda ng mama niya, para lang silang magkapatid. Nagpakilala sila sa'kin habang nakangiti. Hindi ba nila alam na isa ako sa mga kidnapper ng anak nila at ngayon ay nakangiti sila? Tahimik ako hanggang sa makapasok kami dahil hindi ko naman alam kung anong pwede kong gawin o sabihin. Hanggang sa lahat sila ay nakaupo na sa sofa. "We should do some renovations here, Janica," sambit ng mama niya habang nililibot ang buong paningin, hanggang sa matigil sa'kin ang pa

