Chapter 2. Unexpected visitor

2079 Words
Sandali akong natauhan nang muli siyang magsalita. "Kanina ko pa kasi tinatawagan si Mae, hindi ko naman siya ma-contact," tugon nito. Mae? Tama ba ang narinig ko. Samantalang mukha pa siyang bata kay Tita. "Ako po si, Kyle Villaflor, at kung si Tita Mae po ang hanap niyo ay umalis po siya kanina lang," tugon ko. Nang biglang lumabas si Nanay Fel at hinahanap ako. "Anak kausapin mo ang Tita mo may sasabihin daw siya sayo," saka niya inabot ang telepono sa akin. "Hello po, tita, bakit po?" tugon ko. "Nalimutan ko pala sabihin sa 'yo at nawala din sa isip ko na darating pala si Shaira. Bagong kaibigan ko siya at diyan muna raw siya sa atin makikitira hanggat hindi pa raw natatapos ang kontrata niya sa isa niyang project," tugon nito. Siya nga ang timutukoy ni Tita, ang babaeng ito. "Tita may gusto kumausap sa inyo." inabot ko ang telepono sa babaeng naghahanap sa kanya. "Hello po, Mae," sambit niya habang nakatingin siya sa akin at kay Nanay. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila pero halatang nagkukumustahan sila at magkaibigan nga talaga. Nang bigla niyang inabot sakin ang telepono. "Gusto kang makausap ng Tita mo." Agad kong kinuha ang telepono. "Hello po Tita, si Kyle na po ito," sambit ko. "Asikasuhin mo muna si Shaira at sabihin mo kay Nanay Fel pakihanda ang guest room dahil diyan muna siya sa atin tutuloy. Sige na kayo na muna bahala ni Nanay sa kanya, medyo marami pa kasi akong ginagawa rito sa office." "Sige po tita kami na po bahala mag iingat po kayo." "Ay sandali, Kyle. Iyong mga papeles ba naabot na sa 'yo ni Nanay? Pirmahan mo agad iyon at baka bukas ng maaga ko iyan kailangan. Huwag mo kalimutan ah?" huling salitang sinabi niya't kaagad akong sumang-ayon. Hanggang sa tuluyan na niyang pinatay ang telepono. "Nay, pakihanda raw ng guest room at dito na muna siya sa atin makikituloy sabi ni Tita." iniabot sa kanya ang telepono. "So, ikaw pala si Shaira?" paniniguro ko. Agad naman siyang tumango kasabay ng matamis na ngiti. Akmang papasok na 'ko sa loob nang makitang naglakad si Sam palayo sa 'min at pabalik sa bahay nila. Sa halip tawagin ay nagpaalam na rin ako kay Jake. "Tara tuloy ka. Dito mo na lang sa loob i-park 'yong kotse mo,pagbubuksan kita ng gate." agad ako nag tungo sa gate para buksan ito. Pag pasok niya ay agad ko namang isinara ulit ang gate. "Tara sunod ka." naglakad kami papasok ng bahay. "Ang laki pala ng bahay niyo," sambit niya habang sumusunod sa akin. "Ah gano'n na nga. 'Wag ka mag-alala ipalilibot kita kay Nanay Fel para kahit papaano ay may idea ka na sa pasikot-sikot dito," tugon ko. "Salamat." Pagkarating namin sa sala ay pinaupo ko muna siya habang inihahanda pa ni Nanay ang kwarto niya. "Dito ka na muna habang inaayos pa ni Nanay ang kwarto mo" "H'wag ka mag-alala, mamaya makakausap mo rin si Tita. Late lang talaga umuuwi 'yon," sambit ko ng tuloy-tuloy. Nang dumating na si nanay at sinabing na ayos na raw niya ang kwarto. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit biglaan ang pagdating niya? 'Di ko tuloy namamalayang nakatitig na pala ako sa kanya. "Siya nga pala si Nanay Fel," pagpapakilala ko kay Shaira. "Kapag may kailangan ka tawagin mo lang siya mabait 'yan. Sige na, Nay, ihatid mo na muna siya sa kwarto niya nang makapagpahinga na siya." Hanggang sa magpasya akong umakyat at pumasok sa 'king kwarto. [Shaira POV] Hindi ko maiwasang mamangha sa laki ng bahay nila. Nakakahiya tuloy ang aga-aga ko pa naman tapos wala pa si Mae. Busy siguro sa trabaho niya kaya hindi nasasagot ang tawag ko kanina. "Ay, Nay, anong oras po ba umuuwi si Mae?," tanong ko habang nakasunod kay Nanay. "Mamaya pang gabi ang uwi non. Kumain kana ba ?" Sambit niya. "Hindi pa po,"tugon ko. "Sige paglulutuan kita mamaya, punta muna tayo sa kwarto mo," sagot niya habang nakasunod ako sa kanya. Nang makarating na kami sa guest room ay sinabi niyang 'pag kailangan ko raw siya ay 'wag akong mahiya na tawagin siya. Hanggang sa umalis na rin ito para makapagpahinga na ako at makaluto na raw siya ng makakain ko. Out of knowhere, naalala ko bigla 'yong mukha no'ng lalaking gwapo na pamangkin ni Mae. Siya pala 'yong Kyle na sinasabi ni Tita mukhang mabait tapos ang tangkad maganda rin ang pangangatawan. Nakakauhaw naman teka na saan ba yung kusina nila rito. Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang dumating ang katulong nila dito na si Nanay Fel at sakto may dala siyang pagkain at inumin. "Ito, iha, mag almusal ka muna para mabawi ang lakas mo," sabay inilapag niya ang pagkain sa maliit na mesa. "Ay salamat po sakto rin po nauuhaw na rin ako," pasasalamat ko. "Sige na, iha, maiwan na kita para makakain ka ng maayos." lumabas na ng kwarto si Nanay. [Kyle POV] Kasalukuyan akong nakahiga sa aking kama at iniisip kung gaano nga ba katagal ang babae na iyon dito sa bahay. Grabe makatitig sakin kanina kala niya hindi ko siya napapansin. Siguro ka-edad ko lang din 'yon. Hindi bale, hayaan ko lang siya. Matapos ang ilang minuto ay naisipan ko na bumaba at sa sala tumambay para manood ng movies ang kaso malapit lang ang guest room sa sala pero parang hindi naman iyon lalabas. Paniguradong mahihiya 'yon. Agad ako na bumangon at bumaba sa sala para manood. Nakagawian ko na kasi iyon at paminsan-minsan nakikinood din si Nanay Fel kasama ko. Pagbaba ko ng sala tumingin ako sa pinto ng guest room, nakasarado ito. Siguro ay nagpapahinga na siya. Umupo na ako sa sofa at inopen ang tv gamit ang remote. Madalas action movies ang hinahanap ko, depende sa kung ano lang mapagtripan hindi naman ako mapili 'wag lamang romance dahil hindi ko 'yong hilig. Nang mapansin ko si Nanay na naglalakad ay tinawag ko ito. "Nay, halika." sumenyas ako na pinalalapit ko siya. Paglapit ni Nanay Fel ay binulungan ko ito. "Musta 'yong bisita?" "Okay naman, mukhang mabait nga buti pa siya mabait ikaw kasi pasaway," pagbibiro niya. "Grabe naman kayo sa akin niyan Nay, ano favoritism?" pagbibiro ko ina ikinatuwa niya. Nagbiruan lang kami ni Nanay buong oras. Madalas kaming ganito dahil nga kami lang ang tao sa bahay na ito kaya kami lang din ang nag-uusap. Mas okay sana kung lalaki na lang itong bisita para sana kahit paano hindi nakaka ilang kakulitan. Nag-usap lang kami ni Nanay hanggang sa nai-topic namin 'yung bista. "Siguro napagod sa byahe 'yung babae," sambit nito. "Siguro nga, Nay, kanina pa riyan sa kwarto ni hindi man lang nag lalabas," sagot ko. "Tingin ko, Nay, ilibot-libot mo dito sa bahay para kahit paano ay alam na niya," pahabol ko. "Tama ka riyan, Anak." agad na tumayo si Nanay pero bago magtungo si Nanay sa kwarto ni Shaira ay sinabihan ko siya na ipakilala niya ako at agad naman itong pumayag. Pag katok ni nanay ay pinagbuksan siya ito agad ng pinto at tinanong muna ito ni Nanay Fel kung mayro'n ba itong ginagawa ang sagot naman nito ay wala naman. Abot dito sa upuan ang sinasabi nila kaya patuloy lang ako sa papakinig. "Gusto mo ba maglibot dito sa bahay para naman may idea ka wag ka mag alala sasamahan naman kita," sambit ni nanay. "Ay sige po wala rin naman po akong ginagawa," sagot nito. "Maganda 'yan. Onga pala, ang lalaking 'yon ay si Kyle na pamangkin ng Mae. Kapag ka may kailangan ka ipabuhat o ipagawa na mabibigat na bagay wag ka mahihiya tawagin siya dahil siya lang ang lalaki rito sa bahay. 'Pag nag reklamo isumbong mo sa akin." natawa na lang tuloy si Shaira. Grabe naman to si Nanay, sabi ko ipakilala lang ako pero ginawa pa akong katatawanan. Agad naman akong kumaway. "Hello, I'm Kyle, nice to meet you." "I'm Shaira, nice to meet you too," tugon nito. Kulit pa ni Nanay, aba kinindatan pa 'ko buti na lang ay hindi ito nakita ni Shaira. "Mag iingat ka riyan kay Nanay dating aswang 'yan," pagbibiro ko. "Ay nako, puro ka talaga kalokohan," kontra nito. "Sige na, iha, sumunod ka sakin nang mailibot na kita sa pamamahay na ito." tuluyan na silang nag lakad para mag libot. [Shaira POV] Kasalukuyan akong inililibot ni Nanay, kanina ko pa sila naririnig nagtatawanan ni Kyle. Mukhang close na close talaga sila nito ni Nanay. Habang na ka sunod ako kay Nanay ay pinagmamasdan ko ang paligid ang laki ng bahay nila pero iilan lang sila rito ang nakatira. "Dito muna tayo magsimula sa swimming pool, 'pag ka naiinitan ka or gusto mo lumangoy-langoy talon ka lang diyan at saka pala bantay-bantayan mo rin kasi minsan meron din diyan palaka nakikitampisaw tawagin mo lang si Kyle matatawa ka sa ginagawa niya sa palaka," paliwanag niya habang nag lalakad kami. Mukhang interesado ang pagkatao ni Kyle. "At dito, kung napapansin mo madaming halaman. Ito ang garden ng Mae, mahilig kasi talaga siya sa halaman at kung napapansin mo 'yung kubo-kubo na yon diyan lagi nag papahangin si Ma'am Mae. Halika rito sa loob, ito ang kusina at ayon ang refrigerator, 'pag gusto mo ng matamis or snacks marami diyan." Hanggang sa nailibot na niya ako sa buong sulok ng bahay at napaupo kami dito sa sofa, bigla ko naalala si Kyle kasi sa kinauupuan ko ay dito siya nakaupo kanina kaya di ko napigilan mag tanong. "Pwede po ba mag tanong, Nay?" tanong ko. "Sige lang, iha" "Wala po bang balak mag-anak si Mae?" tanong ko. Hindi pa gano'n katagal ang pagkakaibigan namin ni Mae kaya naman napakaraming bagay pa ang 'di ko nalalaman tungkol sa kanya. "Gano'n ba, iha. Ang masasabi ko lang ay simula nang iwan siya ng kasintahan niya dati ay nasaktan siya ng todo kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya nag aasawa at walang balak mag-anak." may kung anong lungkot akong naramdaman nang marinig iyon. Hindi ko man lang alam ang bagay na 'yon. "Ay ganon po ba. Si Kyle po 'di ba sabi niyo kanina pamangkin lang siya, na saan po ba ang totoo niyang mga magulang?" pagtataka ko. "Ang Tatay ni Kyle ay matagal na silang iniwan at ang Nanay niya naman ay namatay sa pagbubuntis sa kanya kaya simula pagkabata ni Kyle ay si Tita mae na niya ang nagpalaki sa kanya siya na ang tumayong Ama at Ina para sa kanya. "Ay ganon po ba, parang kayo rin po halatang malapit sa isa't isa." iyon kasi ang napansin ko mula kanina. "Oo, ako rin ang nag-alaga sa bata na 'yan mula noong maliit pa lang siya. Tingnan mo ngayon ang laki-laki na. Bakit mo pala natanong?" "Wala lang po curious lang po ako. Sige po, Nay, salamat po sa paglibot niyo sa akin magpapahinga na po ako sa loob," paalam ko. "Sige na, iha, mag pahinga ka na muna" Tuluyan na 'kong nakapasok sa kwarto. Nakaramdam na kasi ako ng antok dahil kulang pa 'ko sa tulog dala na rin ng kahabaan ng byahe ko kaya iiglip muna ako saglit. [Kyle POV] Ano kayang balita sa paglilibot nila ? Baka mamaya siniraan lang ako ni Nanay kulit talaga. Siyempre biro lang dahil alam kong pala-biro lang si Nanay. Umakyat na ako ng kwarto no'ng sinimulan na nila mag libot bigla ko naalala magtitiklop pala 'ko ng mga damit ko. Nang maisip si Shaira ay saka ko naaalala na parang wala siyang dalang gamit. Siguro bibili na lang siya, bahala siya sa buhay niya. Makababa na nga nang makakain na ng tanghalian. Pagbaba ko ay nakita ko si Nanay na naghahain ng pagkain at nang makita niya ko ay sinabihan niya na rin ako na tawagin ko na raw si Shayra. Sh*t nakakahiya kaya kumatok doon dahil hindi pa naman kami gano'n ka close. Agad akong lumapit kay Nanay at hinawakan siya sa magkabilaang balikat. "Nay, ikaw na lang 'di ko kasi alam sasabihin ko." "Ito naman sasabihin mo lang na kakain na," sambit niya. "Nay, ikaw na 'wag na matigas ulo. Ako na lang mag-aayos diyan," tugon ko habang kinukuha ang plato sa kanya. "Oh sige na, ako na ang tatawag maghain ka na riyan." tuluyan na siyang tumungo sa kwarto ni Shaira. At maya-maya lang ay natawag na ni Nanay si Shaira at naka buntot na ito sa likod niya. "Oh iha, kumain kana," ang sabi ni Nanay kay Shaira. "Ikaw din, Kyle, kumain kana" "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD