Ilang oras na rin ang nakalipas simula nang ianunsyo ni Uno sa lahat ang tungkol kay Azel, at kay Atasha. Nag-walk out si Azel sapagkat sobrang kahihiyan ang naramdaman niya. Nagpatuloy naman ang party at katunayan ay kasama na si Isabela doon. Gayunpaman, hindi umalis sa tabi ni Isabela si Uno. Lagi itong nakatabi sa kaniya na tila binabantayan siya. "Naalala niyo ba noong first year highschool pa lamang tayo? Napagalitan agad tayo ng adviser natin kasi ang ingay ingay natin," masayang sambit ni Luis na halatang may epekto na ang alak sa katawan. Nagtawanan naman ang lahat dahil naalala nila ang mga kalokohan nila noon. Hindi nga lang maka-relate si Isabela sapagkat hindi naman niya naging kaklase ang mga ito. Nakikitawa na lamang siya sa mga ito. "Let's go to your room?" bulong sa kan

