Isang malakas na tunog ng telepono ang nakapagpagising kay Isabela. Agad niyang kinapa ang handle ng telepono upang sagutin ang kung sino mang tumatawag sa kaniya ng ganoong oras. “Hello,” inaantok niyang sambit. “Atasha.” Kumunot ang noo niya at tuluyan na niyang iminulat ang mga mata niya. Nag-iisa lamang siya sa kwarto at nagkalat pa sa sahig ang mga damit niya. Agad niyang tinakluban ng kumot ang buong katawan nang ma-realize niyang wala siyang ni isang saplot. “It’s Tres, Atasha. Pinapasabi ni Uno na ihanda mo na ang mga gamit mo sapagkat babalik na tayo sa Manila,” dugtong na sabi ng nasa kabilang linya. “Nasaan si Uno?” kinakabahan niyang tanong. “Nandoon na siya sa Manila. Nagkaroon kasi ng emergency kaya kinailangan niyang lumuwas agad. But don’t worry, kasama mo kami ni Dos

