Hindi makapaniwala si Isabela sa nakikita niya ngayon. Hindi niya mapigilan ang mapahanga sa ganda ng resort ng kaniyang boss. Kahit na napupuno ng tension ang pamilya Marasigan ay bahagyang napawi ang kaniyang kabang nararamdaman dahil sa sariwang hanging kaniyang nalalanghap ngayon. “Isabela, ang staff na namin ang bahala muna sa ‘yo,” bulong sa kaniya ni Uno kaya agad naman siyang napatango. Nagsimula nang maglakad ang buong pamilya Marasigan habang siya ay naiwan sa may receptionist ng resort. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Wala naman ibang pag-uusapan ang mga Marasigan kundi siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil hindi niya maririnig ang usapan, o kakabahan dahil ramdam na ramdam niyang hindi siya welcome sa pamilyang ito. Hindi naman siya dapat kabahan da

