"Zaavedra ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Isabela sa lalaking nagpakilalang kaniyang ama. "May problema ba anak?" tanong naman sa kaniya ng lalaki. Huminga ng malalim si Isabela. "Kaano-ano mo ang may-ari ng Blueprint Publishing?" deretsong tanong niya dito. Hindi man lang nag-react ang lalaki. Imbes ay marahan itong tumango. "Sinabi na sa akin ni Isay na sa ABC Publishing House ka nagtatrabaho. Well, anak, ako ang may-ari ng Blueprint Publishing." Halos yumanig ang buong mundo ni Isabela. Nakailang lunok siya habang patuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "Anak, hindi mo na kailangang magtrabaho doon. Kung gusto mo, bibigyan kita ng posisyon sa publishing house ko. Bigyan mo lang sana ako ng pagkakataon na magpakaama sa 'yo," nakikiusap na sambit pa sa kaniya ng lalaki. Mara

