Napahawak si Uno sa kaniyang noo nang maalimpungatan siya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay napabalikwas siya ng bangon. Nasa salas siya at may basag na bote ng beer sa sahig. Kumikirot din ang kaniyang ulo ngunit hindi na niya ininda pa iyon. Agad siyang tumayo at lumabas ng bahay. Wala na ang pinagkainan nila ni Isabela ng hapunan kagabi. “D*mn!” bulong niya sa sarili. Mabilis na bumalik sa loob ng bahay si Uno. Agad siyang nagtungo sa kwarto ni Isabela ngunit wala na ito doon. Ayaw man niya ang iniisip ngunit natatakot siyang baka nakaalis ng isla ang dalaga kagabi. Masyado siyang nalasing sa apat na bote ng beer at hindi na niya naalala ang mga nangyari pa kagabi. Dali dali siyang bumaba at muling lumabas ng bahay. Tinakbo na niya ang palibot ng bahay, nagbabaka sakali na m

