1

1903 Words
“Anak, handa ka na ba sa interview mo ngayon?” Napatango ang dalaga sa tanong ng kaniyang ina. Hindi niya mapigilan na pagmasdan ang kaniyang ina na halata na ang kulubot sa mukha. Halatang kulang pa sa tulog ang ina sapagkat gabi na ito nakauwi sa munti nilang bahay. Nagtitinda kasi ito ng penoy at balut sa labas ng bahay nila at kung minsan ay madaling araw na itong nakakaubos ng paninda. “Huwag po kayong mag-alala, Inay. Sa oras na matanggap po ako sa trabahong ito, hindi niyo na kailangan pang magtinda sa labas,” nakangiting sabi naman niya. Sa matiyagang pagtatrabaho ng kaniyang ina ay nakatapos siya ng kolehiyo sa kursong Business Management. Nais kasi niyang makapagtayo ng mas malaking negosyo para sa kanilang mag-ina. Ngunit dahil sa kakapusan ng perang pangsimula, sa ngayon ay naghahanap siya ng trabaho upang makapag-ipon ng pangpuhunan sa itatayo niyang negosyo. At ngayon nga ay may interview siya sa isa sa pinakasikat na publishing house sa bansa. “Alam kong matatanggap ka riyan, Isabela. Kayang kaya mo ‘yan,” pagpapalakas ng loob sa kaniya ng kaniyang ina. Tumango naman siya at mahigpit na niyakap ang kaniyang ina. Matapos ang ilang taong paghihirap, sa wakas ay magagawa na niyang iahon sa kahirapan ang kaniyang ina. Kay tagal na niyang pinaghandaan ang araw na ito kaya handang handa na siya sa bagong kabanata ng kanilang buhay. Suot ang long sleeve na polong kulay beige na tinernuhan ng slacks na itim at itim na flat shoes, sa tingin niya ay handa na siya sa kaniyang inteview. “Anak, baka makalimutan mo ang salamin mo,” sabi sa kaniya ng ina habang iniaabot sa kaniya ang kaniyang salamin na tatlong taon na niyang ginagamit. Simula pagkabata ay malabo na talaga ang mga mata niya. Ngunit dahil sa kakapusan sa buhay ay nakakapagpalit lamang siya ng salamin kada tatlo o apat na taon. Kaya sa lahat ng gamit niya, ang kaniyang salamin ang pinaka iniingatan niya sapagkat hindi biro ang presyo ng bagong salamin sa mata. “Salamat po ‘Nay. Mauna na po ako dahil baka ma-late pa po ako sa interview ko,” sabi naman niya nang maisuot na niya ang salamin. “Mag-iingat ka, anak.” Nagsimula nang maglakad si Isabela palabas ng kanilang bahay. Isang matao at maingay na lugar ang bumungad sa kaniya. Sa ganitong senaryo ng kanilang lugar ay sanay na sanay na siya. At hindi na siya makapaghintay na maialis sa lugar na ito ang kaniyang ina. Binilisan naman niya ang paglalakad niya sapagkat baka mahuli pa siya sa kaniyang interview. Nang makalabas siya sa compound ay naglakad na lamang siya sapagkat malapit lang ang ABC Publishing House. Nahihinayangan pa kasi siya sa pamasahe kung sasakay pa siya ng jeep. At habang naglalakad ay may nadaanan siyang isang matandang babae. Nakaupo ito sa may tabi ng kalsada habang may hawak na mga baraha na nilalaro nito sa maliit na table. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa matanda. Katulad ng kaniyang ina ay alam niyang naghahanap buhay din ang matanda. Nagtitiis ito ng init at usok ng mga sasakyan para lamang may maitawid sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya nito. Napabuntong hininga si Isabela. Binuklat niya ang kaniyang bag na gamit pa niya noong nag-aaral pa siya ng kolehiyo. Tiningnan niya ang kaniyang wallet na may lamang isang daang piso. Pamasahe sana niya ito at pangkain ngunit dahil mas pinili niyang maglakad ay napagpasyahan niyang ibigay na lamang sa matanda ang kaniyang pera. Walang pagdadalawang isip siyang lumapit sa matanda. "Good morning po 'Nay." "Good morning hija! Magpapahula ka ba sa akin?" nakangiting tanong naman ng matanda sa kaniya. Napangiti at napailing naman siya. "Naku, hindi po. Nais ko lang po sanang ibigay ito sa inyo. Kaunting tulong po," sabi pa niya. Matagal na ang mag-ina sa lugar na iyon ngunit ngayon niya lang nakita ang matanda. Marahil ay nagpapalipat-lipat ito ng pwesto upang makahanap ng mga taong handang magbayad sa kaniya kapalit ng mga hula niya. Nang makita naman ng matanda ang perang iniaabot sa kaniya ay mangiyak-ngiyak niya itong tinanggap. “Salamat Hija. Napakabuti ng puso mo. Hala, maupo ka dito at huhulaan kita.” Muli siyang umiling. “Hindi na po ‘Nay,” nakangiting sabi pa niya. "Hindi ako papayag Hija. Malaking pera na itong ibinigay mo sa akin. Dito man lang ay makabawi ako," seryosong sabi naman ng matanda sa kaniya. Tumingin si Isabela sa kaniyang relo at medyo maaga pa naman. Hindi na kasi niya matanggihan pa ang matanda. "Sige po 'Nay." Umupo siya sa upuang maliit na nasa harap ng table ng matanda. Hindi naman ito marumi kaya ayos lang naman. Binalasa na ng matanda ang kaniyang baraha. Kakaiba itong baraha na ito dahil kulay itim ang mga ito at mahahalata ang pagkaluma. Hindi pamilyar si Isabela sa ganitong klase ng baraha. Kumuha ng tatlong baraha ang matanda at itinaob iyon sa may harapan niya. Pinagmasdan niya ang naka-drawing sa likod ng mga baraha. Hindi niya maintindihan ang drawing dahil abstract ito. "Ang tatlong barahang ito ang sumasalamin sa pangarap, career at love life mo Hija. Handa ka na ba?" seryosong tanong sa kaniya ng matanda. Marahan naman siyang tumango. Hindi siya naniniwala sa mga manghuhula ngunit wala namang mawawala sa kaniya kapag nakinig siya sa mga sasabihin ng matanda. At sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang kinabahan nang buklatin ng matanda ang barahang nasa kaliwa. "Career. Matatanggap ka sa nais mong trabaho Hija. Pagbutihan mo lang sa interview at tiyak na matatanggap ka," nakangiting sabi ng matanda. Napangiti naman si Isabela. Halata naman sa bihis niya na a-attend siya sa isang Job Interview kaya nahulaan ng matanda ang mga gusto niyang marinig. Ang hiling lang niya ang magkatotoo ang sinabi ng matanda na matatanggap siya sa ABC Publishing House. Sunod na binuklat ni Nanay ang baraha sa kanang bahagi. "Pangarap. Malayo pa ang tatahakin mo upang makamit mo ang pangarap mo. Ngunit ang pipiliin mong career ang siyang magiging tulay upang maabot mo ang pangarap mo. Ito ang magdadala sa pinaka-aasam mo Hija." Napalunok naman si Isabela dahil sa narinig. Unti-unti nang nakukuha ng matanda ang kaniyang atensyon. At unti unti na ring siyang umaasa na sana ay magkatotoo ang mga sinasabi ng matanda. Binuklat ng matanda ang huling baraha, ang barahang nasa gitna. "Pag-ibig. Maraming luha pa ang iluluha mo Hija bago mo makamit ang tunay mong pag-ibig. Nasa iyo na lang ito kung susuko ka o bibigyan mo pa ng isa pang pagkakataon." Alanganin naman siyang ngumiti. Tumingin ulit siya sa kaniyang relo ko. "Sige po 'Nay. Salamat po sa hula niyo. Kailangan ko na pong umalis dahil baka ma-late po ako. Ingat po kayo lagi ha." "Mag-iingat ka rin Hija." Tumayo na si Isabela at inihakbang niya ang mga paa palayo sa matandang manghuhula. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa kaniyang dibdib. Ganito yata talaga kapag nalalapit na ang oras ng interview niya. Limang minuto bago mag-alas nwebe ay nasa opisina na siya ng ABC Publishing House. Busy na ang mga staff dito kahit kakaumpisa pa lang ng trabaho nila. Namamayagpag kasi ang publishing house na ito at halos lahat ng sikat na author ay sa kanila pinipiling i-publish ang mga sikat na kwento. "Ms. Isabela Manalo." Agad siyang napatayo ng tinawag siya ng HR Manager. "Good morning po,” magalang niyang bati. "Dito po tayo Miss," sabi naman ng manager sa kaniya. Akala niya ay sa opisina ng HR Manager sila pupunta. Ngunit laking gulat niya nang makita ang karatula sa may pintuan ng opisinang papasukan nila. Office of the President "Ma'am, bakit po dito?" kinakabahan niyang tanong sa HR Manager. "Si Mr. Marasigan po ang mag-iinterview sa inyo." Bigla siyang nanlamig sa narinig. Bumigat ang mga paa niya at nahihirapan siyang ihakbang ang mga ito papasok sa opisina. Parang gusto na lamang niyang tumakbo palabas ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Kailangan niya ang trabahong ito para sa kaniyang ina. "Mr. Marasigan, nandito na po si Ms. Manalo," magalang na sabi ng HR Manager. Inilibot ni Isabela ang paningin sa loob ng opisina. Nakatanaw si Mr. Marasigan sa may salamin na pader at nakatalikod sa kanila. Sa tindig pa lamang ay alam na alam na niya kung sino sa Marasigan Triplets ang president ng ABC Publishing House. Nagpakawala siya ng malalim na hininga upang mabawasan ang tensyon na nararamdaman niya. Alam niyang sa pagpasok sa publishing house na ito ay magtatagpo ang landas nilang dalawa. Ngunit hindi niya akalain na sa interview pa lamang ay magkakausap na sila. "Leave us alone," malagong na boses na sabi ni Mr. Marasigan. Lumabas ng opisina ang HR Manager kaya silang dalawa na lang ang naiwan. Dahan dahang lumingon sa kaniya si Mr. Marasigan na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso niya. "Ms. Isabela Manalo, sigurado ka bang nag-aapply ka dito?" seryoso tanong sa kaniya ni Mr. Marasigan. "Ichiro," mahina niyang sabi. Uno Ichiro Marasigan, ang college crush niya sa unibersidad na pinasukan niya. Ito ang panganay sa Marasigan Triplets, ang pinakamasungit at pinakasuplado sa tatlo. Ito rin ang nagpagulo sa tahimik niyang college life noon. At ayaw na niyang maalala pa iyon. "So bakit ka nandito?" malamig na tanong pa nito sa kaniya. "Ang in-apply-an ko po ay Admin Staff, Sir. Nakita ko po kasi na open ang position na iyon,” seryosong sagot naman niya. Napatango naman sa kaniya si Mr. Marasigan. Kinuha nito ang isang folder na nakapatong sa table at binuklat iyon. Palihim namang napabuntong hininga si Isabela dahilhindi niya akalain na magiging ganito ka-intense ang magiging interview niya. Buong akala niya ay ang mga taga-HR ang mag-iinterview sa kaniya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo agad ang landas nila ni Mr. Marasigan. “So how can you sell yourself to me?” Literal na nanlaki ang mga mata ni Isabela dahil sa tanong sa kaniya ng binata. Hindi niya magawang makasagot agad dahil sa sobrang gulat. “They said that when you’re applying for a job, it’s like you’re selling yourself to the company, right Ms. Isabela Manalo?” nakangising tanong pa nito sa kaniya. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng trabaho, kanina pa sana siya nakalabas ng opisinang ito. Kapag binibigkas ni Mr. Marasigan ang kaniyang buong pangalan ay naninindig ang kaniyang balahibo. Ni hindi niya magawang makapag-isip ng maayos dahil sa presensya pa lang ng binata ay natutuliro na siya. “Speechless? How can I accept you on my company?” tanong pa ng binata. “W-well, I am f-flexible, and I am w-willing to learn,” nauutal niyang sagot. Napakagat pa si Isabela sa kaniyang sagot. Pinaghandaan niya ang mga tanong na ito at saulado na niya ang mga isasagot niya ngunit nablangko na lang ang kaniyang isipan. Tumungo na lang siya at hihintayin na lang ang sasabihin ni Mr. Marasigan na hindi siya tanggap sa company na ito. Naiiyak na siya ngunit kailangan niyang pigilan ang mga luha niya sapagkat ayaw niyang ipakita sa binata na natalo na naman siya nito. “Okay Ms. Isabela, you’re hired as my Personal Secretary.” Bigla siyang napatunghay at deretsong tumingin sa binata. “I am hired?” hindi makapaniwalang tanong pa niya. Tumango naman sa kaniya ang binata at ibinalik ang folder sa table niya. Matutuwa na sana siya ngunit nang ma-realize niya ang buong sinabi ng binata ay nanlamig ang buong katawan niya. “Teka po, P-personal Secretary?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD