Nang magsimulang mag-strum ng gitara si Uno ay napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong Leisure Room. Inilibot ni Isabela ang kaniyang paningin sa buong lugar at bahagya siyang nagulat nang makitang punong puno na ng tao iyon. Ang iba pa nga ay nakatayo na at kahit ganoon ay tila hindi alintana ng mga ito na mangalay sa pagtayo. “They really missed my brothers,” nakangiting sambit ni Fyra habang nakatingin sa kaniyang mga kuya. “Akala ko ba ay si Ichiro ang vocalist? Kayong dalawa?” hindi niya napigilang itanong sa dalaga. “Yeah. Pero dahil nandito ka at nanonood sa kaniya, for sure hindi ‘yan kakanta,” walang ganang sagot naman sa kaniya ni Fyra. Parang tinusok ng milyong milyong karayom ang dibdib ni Isabela. Kung hindi pa nga siya huminga ng malalim ay baka awtomatiko nang bumagsak

