Chapter Twelve
Scholarship
"What are you doing?!" Isang baritonong boses ang narinig ko na nagpabukas ng mga mata ko.
Life saver!
Kahit kailan ay ngayon lang ako nasaktang ng ganito.
Kahit na sino kasi sa pamilya ko ay hindi man lang ako napagbuhatan ng kamay. Kaya kapag nagagalit si Mama ay hindi nalang kami nito kinikibo.
Palagi ring sinasabi ni Papa na imbes na saktan kami ni Camila ay daanin nalang sa masinsinang pag-uusap.
Mabilis ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi lang dahil sa sakit ng siko ko na ngayon ay patuloy ang pagdaloy ng dugo, kung hindi dahil narin sa sakit ng loob ko. I can't believe someone just put their hands on me.
Kung wala lang sa sinabi ng isa sa mga ito ang salitang expelled ay baka hindi nito nahawakan ni isang hibla ng buhok ko.
Napatingala ako sa likod ni Vivian at doon ko nakita ang nag-aapoy na mga mata ni Sebastien.
Alam kong palagi naman siyang galit pero ngayon ko lang siya nakita ng ganito.
His hands were closed into fists na para bang anytime ay pwede ng gumalaw at manakit.
And those eyes, they turned into dark emotions.
Mabilis at sabay sabay ang pagbaling ng mga babae sa likuran dahil sa narinig na boses.
"S-seve!" Gulat at mangiyak ngiyak pang sambit ni Vivian ng makita itong nasa likuran niya.
"I said, what the hell are you doing?!" May pag diin sa bawat salitang binitawan niya.
Napatingin ito sa'kin at saka bumaling ng muli sa apat babaeng nakapaligid sa'kin.
"S-seve, we we're just talking and she provoked me-"
"Don't give me that bullshit!" Pasigaw na sabi nito na nagpapitlag sa mga babaeng nakatayo.
"Seve you don't understand." Pagmamakaawang sambit naman ng isang kasama ni Vivian na haggang balikat ang buhok.
Tinignan lang ito ng masama ni Sebastien. Magsasalita pa sana ang isa pero ng mapukol ang tingin ni Seve dito ay hindi na nito naituloy pa ang sasabihin.
Ang isa naman ay naiyak nalang ng makita si Sebastien.
Pinunasan ko ang mga mata ko at saka pinilit na tumayo. Pero ng itutukod ko na ang mga kamay ko sa basang lupa ay biglang kumirot ang siko ko kaya napaupo akong muli.
Mabilis namang nakalapit sa pwesto ko si Sebastien. Hindi pa man ako nakakahagilap ng lakas ay naramdaman ko na ang marahang pagbuhat nito sa'kin.
Gusto kong kumontra pero alam kong hindi ko kayang maglakad pabalik ng school grounds lalo na sa ayos ko. I look like a scavenger.
Parang gusto ko na namang umiyak. Gusto kong magsumbong na parang bata sa kanya.
"Sebastien!" Gulat na suway ni Vivian dahil sa ginawa nito.
"Shut up!" Galit paring baling nito kay Vivian.
"Sebastien I'm sorry-" Hahawakan pa sana nito sa Sebastien pero mabilis ang pag-iwas ng katawan niya at nilagpasan niya lang ang mga ito.
"Save your sorry and stupid explanations later. You will need that." 'Yon nalang ang huling binitiwang salita nito bago kami lumisan sa lugar na 'yon.
Napahikbi akong muli ng makita ang dugo sa kamay ko. I can feel his warm body na para bang nakakagaan ng pakiramdam.
"Sebastien..." Bulong ko.
Nakatiim bagang lang ito at diretso ang tingin sa daan.
"Shh. You're alright." Putol niyang sabi pero hindi man lang ako nito tinignan.
Ang dami kong gustong sabihin pero baka bigla siyang mainis at ihagis ako ng tuluyan.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Sebastien. Ang mabibilis na hakbang at ang puso niya ang tanging naririnig ko.
I feel like our hearts were beating like one.
Naririnig ko ang samo't saring bulungan sa paligid gawa ng mga estudyanteng nadaraanan naming dalawa.
Gustuhin ko mang magbigay ng pakialam pero naubos na ang lahat ng lakas ko. Tanging ang sakit at kirot nalang ng katawan ko ang nararamdaman ko.
But i just know one thing.
I'm now safe.
Nagising nalang ako sa isang puting kwarto. Iginala ko ang paningin ko bago suriin ang sarili. Wala naman akong swero o kung anong nakakabit sa katawan. Ang mga sugat ko ay nalinis narin. Ang siko ko ay nakabenda at ang damit ko ay isang hospital gown.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nasa hospital ako?! Anong ipambabayad ko rito?!
God, bakit ba ako dinala ni Escarcega dito? Hindi niya ba alam na isa lang akong dukha? Kainis naman oh!
Tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan ng biglang bumukas 'yon.
"There you are!" Nakangiting sabi ng isang magandang babae na nakasuot ng puting unipormeng pang doctor.
Sa tantiya ko ay nasa edad bente otso lang ito.
"Doc..." Banggit ko ng makalapit ito sa'kin.
Wala po akong pambayad! Gusto kong sabihin sa kanya pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.
CIU basa ko sa maliit na name plate niya. So nasa Campbell parin pala ako at wala sa hospital.
Thank God!
Kumalma na ang pagkatao ko. Saang building kaya ito? This room was huge. Mas malaki pa nga ito sa first floor ng bahay namin eh. At lahat ng mga gamit dito ay hi-tech!
"May masakit pa ba sa'yo?" Tanong nito na bahagya pang hinawakan ang kamay ko.
Napailing nalang ako at napatingin sa siko ko. Hindi naman na siya makirot.
"Wala na po. Ah Doc si-"
"Si Baste ba? Naku, umalis sandali eh." Hinawakan nito ang kamay ko at iginiya pabalik ng hospital bed.
Ava Lauren Barclay. Basa ko sa name plate nitong nakakabit sa kanyang kaliwang dibdib.
Ang ganda niya. Kung hindi lang siya nakasuot ng kanyang uniporme ay aakalain kong isa itong artista. Her skin was like porcelain. She has brown curly hair na mas lalong bumagay sa kanyang mukha. And her eyes, I felt like I already saw it somewhere.
Teka, did she say Baste? So close sila?
"Ah Doc pwede na po ba akong umuwi?" Nahihiyang tanong ko rito.
"Ava nalang Bea. Yes, you can go home if you want. Just take a pain reliever kapag kumirot ulit yang sugat mo okay?" Nakangiti paring sabi nito.
Why the hell she smiles like that? Ang gaan niyang kausap. Tsaka bakit niya ako kilala? Ugh, oo nga pala nasa Campbell nga pala ako.
"Thank you po." Sinuklian ko ang mga ngiti niya bago muling tumayo.
"Ah Bea..." Napalingon ako sa gawi niya.
"Po?" Naguguluhang tanong ko rito.
"You can wear that one." Turo nito sa isang kulay itim na paperbag.
Oo nga pala, marumi ang uniform ko. Napatingin ako sa paperbag na nakapatong sa bedside table.
Tumayo na ito.
"Just call me if you need anything okay?" She handed me her calling card.
I smiled at her bago ito tuluyang lumabas ng kwartong 'yon.
Tama ba ang mga nangyayari? Ipinilig ko nalang ang ulo bago kunin ang sinabi nitong isuot ko.
Nang makarating ako sa banyo ay agad kong binuksan 'yon.
Isa itong maroon na lacey dress! Ngayon lang ako makakapagsuot ng ganito kagandang damit. Bago lang din ito dahil nakakabit pa ang tatak nito. Mabilis ko 'yong sinukat ng makita kong mag aalas sais na pala ng hapon.
Napangiti nalang ako ng makita ko ang hubog nito sa katawan ko.
"Wow..." Hindi makapaniwalang bulong ko.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Sebastien sa mahabang couch doon. Magkasalikop ang mga kamay niya pero ng makita ako nito ay napatayo na ito.
Napa wow din kaya siya? Napangiti nalang ako dahil sa naisip ko.
Assumera ka Beatrice!
"Sebastien, sabi ni Ms. Ava umalis ka raw? Ahm, nasaan nga pala ang uniform ko? She asked me to wear this instead." Parang gusto kong matunaw ng tignan niya ang kabuuan ko.
"Are you okay?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko.
Blangko lang ang expression ng mukha niya kaya hindi ko maisip kung anong laman ng utak niya.
"Yeah, thank you nga pala kanina." Napayuko ako ng maalala ko na naman ang mga nangyari.
Bakit ba kasi ganun?
Kanina narinig ko si Macy na inaangkin si France. Tapos si Vivian naman si Sebastien. Parang wala akong ibang choice kung hindi ang masaktan ng pisikal dahil sa mga babaeng nakapaligid sa mga 'to.
"Ano ba kasing ginawa mo at sinaktan ka ni Vivian?" Pinapagalitan niya ba ako? Ano nga bang nagawa ko?
Nakita ko ang pagkainis sa mukha niya.
"Wala. Hindi ko alam. Basta galit na galit nalang siya sa'kin kanina. Sinabi niya na sakanya ka lang. Sebastien, I don't want to owe anyone. And they even saw me getting out of your rooftop. Alam mo naman siguro ang magiging sanction nun di'ba?" Nagpupuyos ang damdaming sabi ko.
"Hindi ako pagmamay-ari ng kung sino. I'm not a thing Beatrice." Mariing sabi niya.
Nakipagtitigan ako sa mga mata niya.
"Then tell her! Ayokong maipit sa kung anong meron kayo. I just want to stay in Campbell Sebastien. I couldn't afford to lose the scholarship. I just can't." Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.
What if tomorrow matanggal na ako rito?
Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko?
Ayokong ma-disappoint sila sa'kin. Ayoko silang masaktan dahil sa kapabayaan ko.
"Someone needs to get expelled." Nag-iwas ito ng tingin sa'kin bago tinungo ang pintuan palabas ng silid.
Wait, what?!
No!