Chapter Thirteen

1193 Words
Chapter Thirteen Official "Sebastien, wait!" Nagmamadaling habol ko rito. Ganito ba talaga kabilis maglakad ang mga lalaki? Sa isang hakbang niya ay tatlo ang akin. Hindi ako nito pinakinggan. Mabilis parin ang hakbang nito palabas ng Hospital ng Campbell. Nadaanan pa namin ang reception at si Ms. Ava. "Baste!" Tawag rin nito kay Sebastian pero hindi nito iyon nilingon. "Mauna na po ako, Miss Ava. Salamat po ulit." Nahihiyang sabi ko rito bago sinundang muli si Escarcega. Tumango naman ito at ngumiti lang. "Hoy Escarcega!" Inis na tawag ko rito. Mas binilisan ko pa ang paglakad, takbo ko kaya naabutan ko ito. I held his hand pero sa ginawa ko'y parang napaso ako. "What?!" Inis niya akong binalingan at agad na nagsalubong ang makapal niyang kilay ng harapin ako. "Papasok pa ba ako bukas?" Tanong ko rito. "It's up to you." Masungit na sabi nito saka muling naglakad papalayo sa'kin. "Pero sabi mo mai-expelled na ako!" Sigaw ko. Hindi ko na siya sinundan pa dahil naramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko. "Sebastien!" Pag-uulit ko pa. Huminto ito sa paglalakad. Napalunok ako ng muli itong lumingon sa'kin. Damn! Kelan ba siya papangit sa paningin ko? Yung magulong buhok niya na parang lalong nagpa-hot sa kan'ya. "I didn't said it was you. Okay?! Now get away from me." Kahit na bakas ang inis sa mukha nito ay hindi ko napigilang ngumiti. Natulala ako habang tinitignan ko siyang lamalayo at lumiliit sa paningin ko. It wasn't me? I still have the scholarship?! Napalundag pa ako sa saya. "Ouch!" Sabay hawak ko sa siko ko. Yes! Hindi ako mae-expelled! Pero ang problema ko naman ngayon ay kung paano ko ipapaliwanag kay Mama 'tong mga sugat ko. Naglakad na ako palabas ng campus. "Bea, what happened?" Pag-aalalang tanong ni France sa'kin ng makita ang hitsura ko. "F-France! Why are you here?" Tanong ko rito. Ugh, anong sasabihin ko sa kanya? "Okay ka lang ba?" Lumapit na ito at inalalayan akong maglakad papunta sa kanyang sasakyan. Matapos akong makasakay at isinara na niya ang pintuan saka umibis sa driver's seat. "Anong nangyari sa'yo?" Muling tanong niya ng makasakay sa sasakyan. "Wala 'to. Natapilok lang ako kanina." Pagsisinungaling ko. "Ikaw? What are you doing here?" Pagiiba ko ng topic. Kahit na hindi siya kumbinsido sa sagot ko'y hindi narin naman ito nagtanong. Sinimulan niya ng buksan ang engine at paandarin ang sasakyan. "I just want to surprise you. I miss you." Sumulyap pa ito sa'kin. I blushed. Naramdaman ko ang pagtabi ng sasakyan nito sa gilid ng kalsada. May kinuha ito sa backseat bago bumaling muli sa'kin. "I forgot to give this to you." He handed me a bouquet of red roses. "Thank you France." I love flowers. Maya maya pa ay huminto ang sasakyan ni france sa isang beach na nadaanan namin. "Anong gagawin natin dito?" Nalilitong tanong ko sa kanya. "Basta, Let's go?" He has a wide smile on his face. Inilahad niya ang kanang kamay sa'kin at agad ko namang inabot 'yon. "Wait, wear this." Kinuha niya ang kanyang pulang handkerchief at saka 'yon inilagay sa mga mata ko. "What's happening france?" Natatawa nalang na sabi ko. But deep inside me, para na akong isang kandilang natutunaw dahil sa kilig. Inalalayan niya akong maglakad. Hanggang sa makarating kami sa kung saan. He slowly removed the hanky. I gasped when I finally saw his surprise. Sa gitna ng tahimik na dagat sa di kalayuan ay ang dinner table na mayroong mga pagkain. The place was so romantic na parang sa movies ko lang nakikita. May mga dilaw na christmas lights na nakapalibot sa matatayog na puno na parang nagsisilbing bituin sa lugar. "Wow, you're really good with surprises!" Kinikilig na sambit ko. Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap ako sa kanya. Napatitig naman ako sa malamlam niyang mga mata. France.. "I like you Bea and it's killing me. Ngayon lang ako naging ganito ulit pero alam kong hindi kapa handa at sinabi ko naman sa'yong maghihintay ako. Hihintayin kita." Naramdaman ko pa ang maingat na pagpisil niya sa kamay ko. God! This guy really know what he's doing. I like him too. "You don't have to wait that long. Sinasagot na kita." Nagsalubong ang mga kilay nito na parang hindi sigurado sa mga sinabi ko. "What? Are yo serious?" Parang batang sabi niya. Imbes na sagutin ko siya ang isang tango lang ang nagawa ko. No guy has ever done something wonderful like this to me. Parang ang ganda ganda ko sa lahat ng ginagawa ni france. Mabilis akong hinapit ni France at niyakap ng mahigpit. "I love you Beatrice!" Bulong nito. "I love you too." Sagot ko rito. He kissed my forehead pagkatapos ay iginiya na ako sa lamesang kanina pa naghihintay sa'min. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya itong maupo sa dalampasigan. He gave me the right side of his earphone and together we listen to who you love by John mayer. I closed my eyes and listen to the peaceful sound of the song that matches our perfect surroundings. Ngayon lang ako narelax ng ganito. Sa loob ng ilang buwang pananatili ko sa Campbell ay parang ngayon lang ulit narecharge ang espirito ko. I've been stressed lately. "I saw Macy." Out of nowhere na sabi ko ng matapos ang kanta. "Bea, She's just an ex." "I know. I just said that I saw her and she's really beautiful." Parang may kumurot sa dibdib ko matapos sabihin 'yon. Nagseselos ba ako? Ganito ba yung pagseselos? This is just our first day being officially together. Tama bang magselos na ako? "Right. I don't care about her." Hinapit pa niya ang bewang ko. "I love you." He murmured. Hinawakan niya ang pisngi ko at dahan dahang bumaba ang mukha niya sa'kin. Parang tambol ang dibdib ko dahil sa kilos niya. "France." Napayuko ako sa ginawa niya. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga nito. "I'm sorry. Let's just go home it's getting late." Mabilis itong tumayo at hinawakan ang mga kamay ko para tulungang umalis sa kinauupuan ko. Is he mad? I don't know. Kailangan ba talagang gawin 'yon lalo na't boyfriend ko na siya? Tama ba ang desisyon ko? But I know that I like him, maybe I love him. Pagmamahal nga ba 'to? But I don't have any idea about love. Dammit! I'm so stupid. Kinabukasan ay hinatid ulit ako nito sa Campbell. Bumaba pa ito ng sasakyan para dalhin ang mga gamit ko. "See you later?" Magiliw nitong sabi. "Okay." I kissed his left cheek bago kunin ang mga gamit ko. Nag wave pa ako dito bago tuluyang naglakad papasok ng University. Maaga pa naman kaya hindi na ako mag eelevator. Okay narin 'to para may excercise ako kahit papaano. Pagpasok ko ng building one ay tinungo ko ang daan papunta sa hagdan. "France Dusterhoff." Banggit ng isang boses na nasa likuran ko. Napalingon ako dahil doon and there I saw Sebastien walking with his poker face. Tinaasan ko siya ng isang kilay ng magpantay ang hakbang naming dalawa. "You know him?" Curious na tanong ko. "You mean your boyfriend?" Parang may kung anong pangungutya sa boses nito na hindi ko maintindihan. "Yes." Taas noong sagot ko. Natawa lang ito ng sarkastik sa ginawa ko. "Anong nakakatawa Escarcega?!" Bigla akong nainis sa lalaking katapat ko. Mabuti nalang at walang mga estudyante sa lugar na 'to kung hindi ay baka kung anong chismis na naman ang kumalat at kung sino na naman ang manakit sa'kin. Nagkibit balikat lang ito. Malapit na kami ngayon sa classroom. Hahawakan ko na sana ang doorknob pero ganun din ang ginawa nito kaya ang lagay ay nagkapatong ang mga kamay namin. "Just be careful Beatrice." Walang emosyong sabi nito. Napabitiw naman ako sa doorknob at hinayaang siya nalang ang magbukas 'non. Anong ibig niyang sabihin? San ako mag-iingat? Sa pinto? Kay France? Nauna na itong pumasok at kahit na magkatabi kami sa upuan at hindi na ito muli pang nagsalita. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong sasabihin niya. Gaano ko ba kakilala si France?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD