Chapter Three
Second day
"Ano ba, Bea! Bilis bilisan mo na at hinihintay ka na ni Pierre!" Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
"Opo, Ma! Saglit na lang!" Nakakainis kasi 'tong si Pierre eh!
Ang usapan namin alas onse tapos bigla bigla nalang magtetext na on the way na siya, eh mag aalas otso y media palang ng umaga.
Si Pierre ang pinaka-close kong lalaking pinsan sa lahat. Ngayong umaga kasi ay ihahatid niya ako sa Campbell bago siya dumiretso sa school niya.
Matanda si Pierre ng dalawang taon sa'kin at ngayon ay nasa second year college na sa kursong arts and sciences. He wants to become a lawyer someday kaya naman pinag-iigihan niya talaga ang pag aaral.
Kapatid ni Papa ang Mama ni Pierre at anim na street lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin dito sa Brighton subdivision.
Nagmamadali kong kinuha ang aking shoulder bag at patakbong bumaba sa first floor ng bahay namin.
Nakangisi pa ito ng makita akong natatarantang pumanhik sa baba.
"Ma alis na kami." Paalam ko kay Mama na nagluluto ng almusal.
"Eh teka, mag breakfast muna kayo."
"Hindi na po Tita nagmamadali po si Bea." Natatawang singit niya.
"Kay Camila nalang 'to, Ma. Ipabaon mo na lang. Nag toothbrush narin ako, eh. Sige po alis na kami." I peck a kiss on my Mom's cheek.
"Tita mauna na po kami." Paalam naman ni Pierre.
"Kainis!" Sabi ko sa kanya kasabay ng pagrolyo ng mga mata ko.
"Aba! Ikaw na nga 'tong ihahatid, ikaw pa 'tong naiinis diyan." Reklamo niya ng makalabas na kami ng bahay.
"Ang aga aga pa Pierre! Ano na namang gagawin ko sa Campbell ng ganito ka aga. Nakakainis ka talaga!" Padabog kong binuksan ang pintuan ng pulang kotse niya at pasalampak na umupo sa front passenger's seat.
Umibis naman ito at sumakay sa driver's seat.
"You can go with me if you like..." Napalingon ako sa kanya pero nakatutok na ang mata nito sa daan.
"Really?!" Paninigurado ko.
Biglang nawala ang inis ko sa kanya. Kung sabagay, curious din ako sa kung anong meron sa Roehampton University.
Balita ko kasi na hindi lang magaganda at gwapo ang mga estudyante doon, kundi mga elite din. Roehamptom was my first choice pero ng mauna kong makuha ang scholarship ng Campbell ay doon na ako nag-enroll.
"Why not." Sinulyapan nito ang kanyang relo.
"Anong oras ba ang klase mo? Baka makaistorbo ako sa'yo?" Umiling si Pierre.
"Nine thirty. So ihahatid nalang kita sa Campbell?" Baling nito sa'kin at balik ng tingin sa daan.
"Ah, hindi! Mapilit ka eh, kaya sasama na ako sa'yo. Eleven pa ang first class ko." Nag slouch ako ng upo sa kanyang sasakyan na para bang walang pakialam kung magusot ang suot kong royal blue na uniform.
"Hindi na ihahatid na kita sa-"
"Shh! Go drive. Just drive Pierre!" Pagputol ko sa sasabihin niya pagkatapos ay agad kong nilakasan ang tugtog sa kanyang sasakyan.
Natatawa nalang ito. Dise otso na si Pierre pero ni minsan ay hindi ko pa nakikitang mayroong girlfriend ito. Gwapo si Pierre dahil siyempre may halong Cazares ang dugo niya.
Marami nga ang nagagalit sa'kin sa St. Mary's dahil ang akala ng karamihan ay boyfriend ko siya. Maraming babaeng naiinggit sa'kin lalo na yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya.
Pierre is a genius. Siya ang president ng student affairs sa St.Mary's at pati narin ang math club. He's like the handsome geek that every girls go gaga over. Pero ni minsan ay hindi man lang nito binanggit ang salitang love sa'kin. Siguro nga ay focus lang talaga siya sa kanyang pag-aaral.
Maya maya pa ay nakarating na kami ni Pierre sa Roehampton University.
"Okay lang ba talaga?" Kinakabahang tanong ko rito.
Eh kasi naman eh, nakauniform pa ako ng Campbell ngayon.
"Of course, You're with me." Kumindat pa siya sa'kin na para bang kumpiyansang kumpiyansa sa sarili.
Of course, siya rin lang naman ang nag-iisang presidente ng student affairs office sa Roehampton.
Tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas ng kotse. Sinabayan ko siya sa paglalakad. Kagaya rin sa dating eskwelahan namin, mga matatalim na titig ang sumalubong sa'kin hindi lang dahil sa suot kong uniform kundi dahil sa kasama kong si Pierre.
Maya maya pa ay nakita ko na sa hindi kalayuan ang mga kaibigan niyang sila Albie.
Si Albie ay galing din sa St.Mary's kaya kilala ko ito. Tatlong lalaki pa ang kasama nito na nasa puting lamesang semento at mahabang pabilog na upunan sa grounds ng Roehampton.
"Bea! Long time no see! Lalo ka yatang gumanda, ah." Malawak ang ngiting sabi ni Albie ng makarating kami sa pwesto nila.
Pakiramdam ko ay uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Bolero ka talaga, Albie!" Natatawang sabi ko rito at tumabi ng pagkakaupo sa kanya.
"I'm just telling the truth." Dagdag pa nito.
Bago pa man umupo si Pierre ay ipinakilala na ako nito sa tatlo pang lalaking kasama ni Albie.
"This is Dewie, Kurt and France." Napukol ang tingin ko sa huling lalaking tinawag niyang France.
"Guys this is Beatrice, my cousin." Pagpapatuloy ni Pierre.
Hindi naman sa pagiging makilatis pero palagay ko ay mas lumamang ito ng mga isang tabo at kalahati ng paligo kay Pierre.
Kung ang pinsan ko ay tall, dark and handsome. Itong France naman ay boy next door type of guy!
Isa-isa kong inabot ang mga kamay nila. Nakaramdam lang ako ng ilang nang mapabaling na ako kay France. Parang nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko ng maglapat ang mga kamay namin.
"Nice to meet you!" Nakangiting sabi nito.
"Nice to meet you too..." Pinisil niya ang kamay ko ng akmang babawiin ko na 'yon.
Napatingin silang apat sa'ming dalawa ni France. Nakipagtitigan ako sa kulay asul niyang mata.
"Ehem!" Tikhim ni Pierre kaya naman binitiwan na nito ang kamay ko.
"Lambot ba bro?" Nang-aasar na sabi ni Albie.
Magsasalita pa sana ito pero tinitigan sila ng pinsan ko ng isang matalim na tingin.
"Sabi ko nga eh... So, kumusta ang Campbell Bea?" Pag-iiba ng topic ni Albie habang si Dewie at Kurt naman ay pinipigilan narin ang pagtawa.
Umupo na ang pinsan ko sa tabi ni France na para bang binabantayan ito.
"O-Okay lang naman so far." Pagsisinungaling ko.
I know hindi talaga naging maganda ang kinalabasan ng first day ko kahapon.
Gusto kong takpan ang mukha tuwing naaalala ang baliktad kong logo. Mabuti nalang at nakita ko si Manang Pising kagabi kaya naman naipabago ko pa ang lahat ng uniporme ko sa kanya.
"Any boys?" Panguusisa ng pinsan ko.
"No!" Mabilis na tanggi ko.
Hanggang tingin lang ako sa kanila kung meron man. Kagaya nalang nong lalaking tumabi sa'kin kahapon. Gusto kong manliit. Oo nga at maganda ako pero hindi ako mayaman kagaya ng lahat ng tao sa Campbell.
"Good..." Napatingin kaming lahat kay France. Hindi parin nawawala ang pagtitig nito sa'kin.
"Good?" Kunot noong tanong ko.
"Ang ibig niyang sabihin Beatrice ay pag-aaral muna raw ang atupagin mo." Pagdedepensa ni Dewie kay France.
"No boys." Segunda naman ni Kurt.
Bakit ba ganito makatingin 'tong si France sa'kin. Naiilang na tuloy ako. Pakiramdam ko ay may mali na naman sa suot ko o kung may dumi ba ako sa mukha ko.
Isang bell ang tumunog at umalingawngaw sa buong ground ng Roehampton. Tumayo na si Pierre, Kurt at Dewie.
"Mauna na muna kami, see you after an hour." Sabi ni Pierre sa'min sabay tango naman sa'kin. "Albie, ikaw nang bahala rito." Tumango nalang rin ang huli.
Bakit si Albie? Pwede namang ako?
"Akong bahala Mr. President!" Natatawang sabi pa nito pagkatapos ay nagpapalit palit ang tingin sa'min ni France.
What the hell.
"See you later Bea!" Paalam naman ni Dewie. Tumango naman si Kurt.
"See you!" Kumaway pa ako sa mga ito.
"So Bea marami bang magaganda sa Campbell?" Gusto kong matawa sa mukha ni Albie.
Paano ba naman kasi, parang kumikinang pa yung mga eyeballs niya habang naghihintay ng sagot ko.
"I guess..." Ano bang gusto niyang malaman? Kung ano ang trend sa University ko? The skeleton trend?
"What do you mean I guess?" Naguguluhang tanong nito habang ngumunguya ng chips na nasa harapan namin.
Napatingin ako kay France pero hindi naman ito mukhang interesado sa mga sasabihin ko.
"I think some of them are just too skinny. Do you prefer skinny girls over a fine one?" Mabilis na umiling ito.
Sinulyapan ko si France na nakasandal lang sa nasa harapang upuan ko. Does he prefer the kawayan type of girl?
"No." Maiksing sagot niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Jusko naiintriga ako sa mga mata niyang napakaganda. Ngayon lang ako nakakita ng isang mukhang french model na mayroong blue eyes!
"Do you want something Bea? Nauuhaw kasi ako eh. Pupunta lang ako sa cafeteria." Tanong ni Albie.
"Water nalang Albie. Thank you!"
"Noted. Ikaw bro?" Baling nito kay France.
"Wala, busog na ako." Sabi nito sabay tingin ulit sa'kin.
Nagkibit balikat nalang si Albie at umalis na sa harapan namin.
Ilang minuto pa ang lumipas pero walang nagsasalita sa'ming dalawa. Palinga linga lang ako sa paligid habang sinisipat ang mga taong dumadaan sa harapan namin.
Ayoko namang kunin ang cellphone ko. Pakiramdam ko kasi ay nakakabastos ang gano'n.
"Business management din ba ang kinukuha mo?" Pagbasag ko ng katahimikan sa pagitan namin.
"Yes. How about you?"
"Tourism." Sagot ko rito.
"I see." Silence again.
Ano ba 'to. Asan na ba si Albie! Napaka-awkward na kasi eh. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita ko itong papalapit na sa kinaroroonan namin.
"So, how's it going?" Tanong nito sabay abot sa'kin ng bottled water.