Chapter Four
Tiklop
"Cazares, Escarcega, Fanfilo..." Sunod sunod na tawag ni Mr. Fajardo sa mga surnames namin.
Siya ang professor namin sa subject na statistics at ngayon nga ay inaayos ang seating arrangements namin.
Parang gusto kong tumakbo papalabas sa silid na 'yon ng makita ko ang paglapit ng lalaking masungit na nakatabi ko last time.
I walk towards my seat at ganun din ito.
What the heck? Siya ba talaga ang magiging seatmate ko? Ugh! He's still wearing a jacket pero this time ay red ang suot niya.
Parang wala talagang pakialam sa mundo itong lalaking 'to. Uupo na sana ako pero bago 'yon ay nagtama ang mga mata namin.
Agad naman itong nag-iwas na para bang isa lang akong pader sa kanya. Nakakainis!
Pasalampak akong umupo sa upuan ko habang patuloy parin ang pag-aayos ni Mr. Fajardo.
Matapos 'yon ay pumunta na itong muli sa harapan para umpisahan ang klase.
Habang nagtuturo si Mr. Fajardo ay hindi ko naman mapigilang hindi sulyapan 'tong katabi ko.
Hindi naman siya nakatingin sa'kin pero bakit parang naiilang ako?
Nakita kong nilalaro niya sa kanyang kanang kamay ang kanyang itim na ballpen na para bang nag-iisip ng kung anong isusulat sa papel na nasa ilalim nito.
Napasulyap ako kay Mr. Fajardo na may kung anong isinusulat sa white board.
Right! Sa kakausisa ko sa lalaking 'to ay hindi ko napansing quiz na pala ang isinusulat ng matanda.
Escarcega... Bulong ng utak ko.
I think I heard it somewhere pero hindi ko na matandaan kung saan, kanino at kailan.
Matapos ang quiz na 'yon ay nagturo pa ito bago natapos ang araw ng klase. Pakiramdam ko ay natuyo na ang utak ko dahil sa dami ng pinaparesearch ng iba pang mga professors.
Napaigtad ako ng mapansin kong mabilis na tumayo at lumabas ang katabi ko na para bang walang nangyari.
Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko at sinundan siya. Bakit ba parang wala man lang siyang kaibigan dito? Tapos parang palagi siyang nagmamadali?
Lumiko ito sa kaliwang hallway at tinunton ang hagdan papunta sa rooftop ng building one.
Napakapit ako sa mga librong dala ko habang patuloy na sumusunod ang mga paa ko sa kung saan siya pumunta. Kahit nakakaraming steps na kami ay mabilis parin ang paglakad niya. Samantalang ako ay hapong hapo na.
Napangiti ako ng matanaw ang liwanag ng pintuang nakabukas palabas ng rooftop. Tahimik ang lugar at para bang siya lang ang nakakaalam at pumupunta rito.
Nakita niya kaya ako? Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Bakit ko ba kasi siya sinusundan!
Kahit anong pagalit ng utak ko ay hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi siya sundan. Para bang naging tila isang magnet ako at siya naman yung refrigerator. Isang gwapo at malamig na ref.
Pagliko ko sa kaliwang side ng rooftop ay hindi ko na siya natanaw. Napakunot ang noo ko. Wala naman siyang ibang pinuntahan kundi dito ah. Imposibleng-
"Ah!" Sigaw ko ng may naramdaman akong isang kamay na humila sa'kin.
"Why are you following me!" Para akong sinukluban ng langit at lupa ng makita ko ang nagngangalit niyang panga.
"M-me? F-following? You?" Putol putol na sagot ko.
"Are you f*****g deaf or just plain stupid?" Inis paring bulyaw nito sa mukha ko bago bitiwan ang kamay ko.
"I-im sorry..." Nakayukong sabi ko rito.
Kasalanan ko naman talaga eh. Bakit ba kasi sinusundan ko siya. Nagmukha tuloy akong stalker.
"Why?!"
"I don't know. I just want to see kung saan ang hide out mo?" Hindi siguradong sabi ko rito.
Kahit na hindi parin maipinta ang mukha niya ay nananatiling gwapo ito sa paningin ko.
Bea, ano? Gwapo lang tiklop kana?! Inis na pang-aasar ng utak ko.
Napabaling muli ang tingin ko sa kanya ng tumawa itong parang naloloko sa sinabi ko.
"Ano bang gusto mo huh?!" Napaatras ako ng lumapit ito sa'kin.
Pero hindi ito huminto kaya naman nagpatuloy lang ako sa paglayo hanggang sa wala na akong mapuntahan. Nasa dulo na ako ng rooftop na 'yon.
"I-i said I'm sorry..." Natatakot na sabi ko.
Bakit ganito?
Bakit parang siya ang kryptonite ko?
Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko at dahan-dahang ini-angat papunta sa direksiyon niya.
"Open your eyes." Utos nito sa'kin. Ayoko siyang sundin pero parang may sariling isip ang katawan ko.
My heart beats fast as I opened my eyes. I instantly saw his handsome face gazing at me. Jeez!
I'm melting. Hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko. Naghihina ako.
Napapikit akong muli ng makita ko ang mukha niyang pababa.
Papunta sa'kin.
God! Eto na ba? Dito na ba mangyayari yung first kiss ko? Sa lalaking 'to? Sa rooftop na 'to? Ngayon na-
Naputol ang lahat ng 'yon ng maramdaman ko ang mukha niyang umiwas at pumunta sa kaliwang pisngi ko. I opened my eyes.
"I don't know you and I don't want to see you again! Get the hell out of here kung ayaw mong kaladkarin kita pababa ng rooftop na 'to." May halong hinanakit at galit sa mga binitawan niyang salita.
Para akong tanga sa mga iniisip ko. Bakit ba kasi naisip ko pang hahalikan niya ako?
Itinulak ko siya palayo at tumakbo palabas sa lugar na 'yon. Ang hina ko. Pinilit kong tumakbo hanggang sa makarating ako sa ground floor.
Wala na akong pakialam sa mga estudyanteng nakatingin sa'kin habang pupungas-pungas akong bumaba ng hagdan.
Habol ko ang aking paghinga ng makakapit ako sa isang poste doon.
Bakit ganun?
Kahit na kasi takot na takot ako ay parang gusto ko parin siyang sundan. Gusto kong malaman kung bakit? Hindi ko forte ang pagiging chismosa pero naiintriga ako sa kanya.
Babalik ako.
Babalik ako sa rooftop!