Chapter Five

1126 Words
Chapter Five I like you "Bea, kumilos ka na diyan at may bisita ka." Malakas ang boses na sabi ni Mama. Sino namang bibisita sa'kin? Eh ang pagkakaalam ko ay Sabado ngayon? Nakakainis naman oh! Tamad na tamad akong umupo sa kama ko pagkatapos ay nilamukos ang mga matang ni ayaw pang tignan ang bagong umaga. "Ate, bilisan mo na diyan." Dagdag pa ng kapatid kong si Camila ng ngayon ay nasa may pintuan na ng maliit kong kwarto. "Sino ba kasi 'yon?" Inis na tanong ko rito. Nakita ko ang pagkibit balikat niya na tanda na walang alam kung sino ang bisita ko. "Basta lalaki." Bulong niya pa. Lalaki? Eh si Pierre lang naman yata ang alam kong lalaking maghahanap sa'kin? Kahit na naguguluhan ay tumayo na ako at dumiretso sa aking puting tokador. Kinuha ko galing sa cabinet 'non ang aking itim na hairbrush at pinadaan ito sa hanggang bewang kong itim na buhok. Pagkatapos 'non ay nagmamadali akong pumunta sa banyo para maghilamos at sipilyo. Escarcega... Bulong ng utak ko. Ugh! Bakit ba hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan yung last name niya? Bakit hanggang ngayon parang nakikita ko parin yung galit niyang mukha? Hindi. Bakit ako umaasang siya ang bisita ko? "Bea!" Hiyaw ulit ni Mama. "Pababa na po!" Pinunasan ko ang basa kong mukha at pagkatapos ay dali-dali ng bumaba. Nadaanan kong nagluluto ng breakfast si Mama. Pag daan ko ng sala ay nakita ko ang isang bulto na ayos na ayos na para bang aakyat ng ligaw. Napahinto ako kasabay ng pagkunot ng noo ko. Siya? "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Tumayo naman ito ng mapansing nasa kanyang harapan na ako. "Ah Bea.. Kasi, I thought na dito rin nakatira si Pierre?" Nahihiyang sabi nito. "Naku France, hindi. Teka tatawagan ko nalang si-" "No!" Maagap na putol nito sa kung ano pa mang sasabihin ko. "H-ha?" "Ah–Eh, ano.. Wag na. Ako na lang." Napakamot pa ito sa ulo. Ang weird talaga ni France. Noong nakaraang linggo ay napansin kong nakatitig na naman siya sa'kin noong isinama ulit ako ni Pierre sa school nila. Yung titig na para bang may gustong sabihin. Ewan ko ba. Ayokong mag-isip. "Sige." Sang-ayon ko rito. "Kumain na muna kayo Bea. Kakatapos ko lang magluto." Sabi ni Mama ng makalabas ito galing sa kusina. "Ah Ma, kasi etong si France akala ay dito nakatira si Pierre." Panimula ko. "Ay Hijo, anim na kanto pa ang bahay ni Pierre simula rito. Pero kumain na muna kayo. O siya Beatrice, samahan mo nalang itong kaibigan ng pinsan mo sa kanila at baka kung saan pa mapunta." Gusto kong matawa sa sinabi ni Mama. Hindi naman talaga ganun kalayo ang bahay ni Pierre eh. Kung tutuusin pwede nga lang lakarin 'yon simula dito sa bahay. "Naku, Tita 'wag na po. Baka nakakaistorbo na ako kay Bea." Nahihiyang sabi nito. Aba, dapat lang France! Day off ko ngayon eh. Dapat buong araw kong kasama ang kama ko. Sasang-ayon na sana ako pero muling sumagot si Mama. "Wala ka rin namang gagawin ngayon Bea hindi ba? Samahan mo na 'to. Sige na kumain na muna kayo." Hinila na neto ang mga kamay namin at iginiya sa kusina. Nakahain sa mesa namin ang hotdog, itlog at daing na paborito ni Camila. Napatingin ako kay France. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya dahil sa ulam namin. Alam kong mayaman ito at hindi ko alam kung kumakain ba ito ng kagaya ng pagkain naming mga mahihirap. Sabay na kaming umupo. Maya maya pa ay umupo narin si Camila sa harapan naming dalawa. Nagpalitan kami ng tingin ni Camila. Alam ko na ang nasa isip nito. Dahil siya lang ang nagiisang kapatid ko, wala akong ibang pwedeng sabihan ng mga taste at gusto ko sa isang lalaki kundi siya. Umikot lang ang mata ko ng makita siyang kumindat sa'kin sabay ngiti ng nakakaloko. Pinakiramdaman ko naman ang kilos ni France. Nang lumabas na si Mama sa hapag kainan ay iniabot ko na kay France ang sinangag na kanin. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot nito sa'kin sabay abot nito. "Kumakain ka ba ng pagkaing pang mahirap?" Pagbibiro ko sa kanya. Isang ngiti ang rumehistro sa gwapo niyang mukha. Sumulyap pa ito sa'kin na nagpabilis ng t***k ng puso ko. "Don't say that. Kumakain din naman ako ng hotdog at eggs." Ipinasa na niya sa'kin pabalik ang kanin at pagkatapos ay iniabot ko naman sa kanya ang hotdog at itlog. Pagkatapos niyang kumuha ay kumuha narin ako. "Eh eto? Kumakain ka?" Turo ko sa tuyo na nakalagay sa isang plato. "Yeah." Sabay kuha ng dalawang pirasong tuyo. "Baka napipilitan ka lang ah. Teka, ano nga palang kailangan mo kay Pierre?" Bumaling na ako sa pagkain ko. Nagsimula na kaming kumain. "Ah, wala naman." Napatigil ako sa pag-nguya at napabaling ulit sa kanya. "Anong wala? Eh bakit mo siya hinahanap." Kibit balikat kong tanong. "I don't." Sabi niya habang patuloy lang sa pagkain. Mukha namang enjoy na enjoy siya sa pagkaing inihain ni Mama dahil parang hindi ako nito nakikita. O baka naman gutom lang siya? "Anong you don't? pwede ba 'yon? Pumunta ka pa dito para sa kanya tapos wala naman pala?" Usisa ko. Tinapos niya muna ang pagkaing nasa bibig niya at pagkatapos ay bumaling ng muli sa'kin. "Bea, can we go out?" Seryosong tanong nito sa'kin. "Ehem!" Malakas na tikhim ni Camila sabay salin ng tubig sa basong nasa kanyang harapan at dali-dali itong nilagok. "Ah. France si Camila nga pala, kapatid ko." Gusto kong tadyakan ang pagmumukha ni Camila dahil sa tinuran nito. Wait. Go out? Eh talaga namang lalabas kami mamaya papunta kila Pierre ah. "Hi." Bati nito kay Camila at bumaling ng muli sa'kin. "So?" Tanong nito. "Yes. Diba lalabas naman tayo papunta kila Pierre?" Walang ideyang sagot ko. "Ate!" Sabay kaming napalingon ni France sa kapatid ko. Isang matalim na titig ang ipinukol nito sa'kin na para bang pinapagalitan ako. "Ano?" Naguguluhang tanong ko. "Go out. Meaning date! Diba Kuya France?" Bale walang sabay nito. Nanlaki ang mga mata ko. Date? Bakit? Anong meron? Teka, bakit alam ni Camila 'tong mga ganitong bagay?! "At saan mo naman  nalaman yan Camila?!" Itinaas ko pa ang isang kilay ko para tarayan ang kapatid ko. "Yun talaga 'yon ate! Ano ka ba?" Pagalit ulit nito. Pinunasan niya ang kanyang bibig at pagkatapos ay kinuha ang kanyang ginamit na pinggan. Inilapag niya ito sa sink. Parang hindi pa napoproseso ng utak ko ang mga sinasabi nila. Gusto akong i-date sa labas ni France? Eh hindi ba pang magkarelasyon lang ang 'ganon? Sinulyapan ko si France at nakita ko ang dahan dahang pagtango nito. "Why?" Naguguluhang tanong ko. Napasulyap ito sa kapatid ko na naghihintay ng sasabihin niya. Mukhang naintindihan ko naman kaya sumulyap ako kay Camila na iwan na muna kaming dalawa. "I just want to know you." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Imbes na sumagot ay tumaas lang ang mga kilay ko na para bang naghihintay pa sa mga susunod niyang sasabihin. "Because... I like you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD