Chapter Six
Date
"Are you okay?" Pag-aalalang tanong ni France.
Simula palang kasi ng pagpasok namin sa magarbong restaurant na ito ay samo't-saring kaba na ang nararamdaman ko.
I know. I'm not used to all these fancy dates pero hindi lang dahil doon kaya kumakabog ang dibdib ko. It's been a month simula ng sabihin niya sa'kin ang date at ang salitang gusto niya ako. Simula sa araw ding 'yon ay hindi na ako nilubayan ni France, kaya naman pumayag na rin akong makipag-date sa kanya.
"I'm okay." Tipid na sabi ko saka nagpaskil ng isang ngiti.
Hindi ko nga alam kug ngiti ba 'yon o basta nalang umarko ang kaliwang bahagi ng bibig ko.
Nang makalapit na kami sa aming pwesto ay agad itong pumunta sa aking upuan at bahagyang iniawang iyon. Ikinumpas pa niya ang isang kamay para sabihing umupo ako. Lumapit ako sa isang crystal na silya at dahan dahang umupo doon.
Pagkatapos kong makaupo ay agad naman itong tumalima sa upuang nasa harapan ko.
"Thank you for giving me a chance to take you on this date Bea." Sinserong sabi nito habang malalim ang mga matang nakatitig sa'kin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y natutunaw ako sa maganda niyang mga mata.
The place was superb. Hindi ito 'yong typical na restaurant na nakikita ko. Ang mga upuan nila ay parang mga crystal na babasagin. The ambiance is really romantic. Lalo na ang isang grand piano na pinapatugtog ng isang lalaking pusturang pustura.
The chandeliers were dim and beautiful. Ngayon lang ako nakakita ng ganito sa tanang buhay ko. Para akong nasa isang napakagandang langit at napapalibutan ng mga kumikinang na bituin.
Napabalik nalang ulit ang huwisyo ko ng dumating ang dalawang waiter dala dala ang mga pagkain at wine para sa'min.
"Good evening Sir, Ma'am." Bati ng isa sa mga ito bago inilapag ang appetizer sa aming harapan.
"Caviar egg salad." Nakangiting sabi pa nito bago kami iniwan. Ang isa naman ay sinalinan kami ng red wine sa aming mga baso.
"This is too much France. Pwede naman tayong sa fast food lang eh." Malumanay na sabi ko.
Mabuti nalang pala at isinuot ko itong itim dress na ibinigay niya kahapon. Balak ko pa namang isuot ay pants at simpleng blouse lang!
"No. I want this to be special. Ngayon mo nga lang ako pinagbigyang ilabas ka eh." May halong hinanakit ang boses niya.
"Alam mo namang hindi ako sanay sa mga ganito. Tsaka, ang mahal dito France. I don't want you spoil me." Sabi ko.
"Just let me, okay?" Naramdaman ko ang pag hawak niya sa kanang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"I like you Bea. And I will do anything para lang sagutin mo ako." Hindi nako nagugulat sa mga sinasabi ni France.
Simula palang naman na magkita kami ay alam kong iba na ang gusto nito sa'kin. He was like mesmerized by my presence everytime na pupuntahan ko si Pierre sa Roehampton.
"France.."
"I know. You're not ready for relationship. Kaya nga maghihintay ako diba? I will wait for you Bea." Bahagya pa niyang pinisil ang kamay ko.
Isang ngiti nalang ang isinagot ko sa kanya. Nagsimula narin kaming kumain from appetizer to dessert. Pakiramdam ko ay sasabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
Matapos ang dinner date naming 'yon ay inihatid na ako nito sa bahay.
"Thank you France." Sabi ko rito ng huminto na ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin.
"Anytime. So bukas nalang?" Malawak ang pagkakangiting sabi niya.
"Bukas?" Naguguluhang tanong ko rito.
"Susunduin kita bukas. Okay lang ba?"
"Ha? Naku wag na, ayokong maabala ka. Tsaka baka late na akong makauwi tomorrow. Marami pa kasi akong tatapusin para sa project namin eh." Pagpapaliwanag ko.
"I'll wait for you. No but's or anything. Okay? Sige na. Good night Bea." Gusto kong matunaw sa mga ngiti niya.
Pakiramdam ko ay biglang humaba ang buhok ko ng mga seven inches!
Tumango nalang ako at tinanggal ang seatbelt na nakakabit sa katawan ko. I opened his car saka dali-daling bumaba doon.
"Ingat ka. Thank you ulit..." Sabi ko habang nakadungaw sa bintana ng kanyang sasakyan.
Isang kindat nalang ang kanyang ginawa bago umalis sa harapan ko. I sighed ng hindi ko na makita ang kanyang sasakyan.
Bakit ganito?
Handa na ba ako?
Hindi ko alam kung paano ang dapat kong gawin. Paano ba dapat pag nililigawan ka? I never felt this feeling before. Nalilito ako. Kinikilig ako. I don't know what to act in front of him. Ugh! Should I ask Pierre's advice?
No! Baka sapukin lang ako nun!
Knowing Pierre, kahit na kaibigan pa niya si France ay alam kong hindi niya ito kukunsintihin o papaboran lalo na ngayong nanliligaw na ito sa'kin. Mas lalo pa nga yata siyang humigpit eh.
Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Madilim na at alam kong tulog na si Mama at Camila. Dumiretso ako sa banyo ng aking kwarto para makapag-ayos. Maaga pa ako para bukas.
Landi o pag-aaral? Kontra ng utak ko.