2-Beast met the Witch

1199 Words
2-Beast met the Witch As soon as I saw you, I know an adventure was going to happen.  –Winnie The Pooh-   “Ysla, anong klaseng trabaho ang nakaambang sa’ting mga Apyaw?” Ani ni Charlotte.   Sila kasama ang pito pang mga kaedad nila ni Charlotte ay nagdesisyong humayo papunta ng bayan. Labag man sa loob niya ay ang mga nakatatanda na mismo ang nakiusap sa kanya na siyang makipagnegotiate sa mga Ademar at nang mahanapan sila ng panibagong kabuhayan.   “Hindi ko alam. Hindi ko naitanong sa lalake noong isang araw.” Pasimpleng sagot ni Ysla sa kaibigan.   Ayaw na niyang maalala ang paraan ng pagtitig ng lalake sa kanya. Napakabastos! Ewan, pero nababastosan siya!   “Pero, Ysla..Yung lalake kahapon—ang gwapo niya no? Ang kinis ng balat tsaka ang tangkad! Ibang-iba sa mga lalakeng Apaw sa’tin.” Panimula ni Charlotte.   “Nahiya naman ako sa balat mo, Charlotte!” Sabat ni Danny sa usapan na noon ang hinahawi ang matataas na talahib na kanilang madadaanan. Masukal talaga ang daan patungong bayan.   Napangiti si Ysla dahil sa nangangamoy na gyera. Itong dalawa talaga ‘pag nagsama, hindi pwedeng hindi magkagiri-an.   Ewan ko lang kung hindi kayo magkatuluyan!   “Eh, gwapo naman talaga yun, Danny! Pwera sa’yo, nanay mo lang ‘ata nagsabing gwapo ka.” Patuloy pa rin ang pag-aasar ni Charlotte rito habang ang ibang kasama ay naghahagikhikan sa namumuong tensyon ng dalawa.   “At sino naman sa tingin mo ang nagsabing maganda ka, aber?” Hirit pa rin ni Danny.             “Marami!”   “Ikaw at ang nanay mo?”   Pagkasabi nito ay inulan ng kurot ni Charlotte si Danny habang sina Ysla. MAGTATRABAHO sila bilang katulong at taga-asikaso ng mga pangangailangan ng mga trabahante sa hacienda. Bibigyan din silang mga Apyaw ng scholarship para sa college—dun din sa Ademar University.   “Libreng tuloyan, pagkain, allowance at pag-aaral, Ysla—wow!” Masayang sambit ng kaibigan ni Ysla nasi Charlotte habang papauwi na sila at nang makahakot ng mga gamit nila pabalik.   “Oo.. Kung ‘di lang dahil sa scholarship program—‘di naman talaga ako papayag.” Bumuntong-hininga ang dalaga.   Nakikita niyang kulang sa edukasyon ang mga Apyaw kasi walang may kayang magpa-aral—kaya palagi nalang silang pinagloloko sa bayan lalo ‘pag may binibenta sila.   “At magagamit natin ang edukasyon na panghabang-buhay!” Pumalatak sa hangin na sabi ni Danny na tuwang-tuwa rin. Maganda rin nga naman  pala ang hangarin ng mga Ademar sa kanila—kailangan lang talagang intindihin ng mabuti ang kanilang intensyon.   “Danny! Tabi! May sasakyan!” Sigaw nina Ysla at Charlotte. May paparating na isang matulin na sasakyan sa banda nito. Medyo madilim na at matarik pa at bako-bakong daan.   Beep! Beep! Beeeepp….!   Nakakabingi ang busina ng sasakyan at nahagip ng sasakyan si Danny. Dali-daling lumapit sina Ysla at Charlotte sa kinaroroonan ng kaibigan.   “Danny! Diyos ko—okay ka lang ba!?” Inakay nila ang kaibigan habang may taong bumaba galing sa sasakyan na nakasagi sa kaibigan nila.   “O-Okay lang ako.. Medyo, masakit yung tuhod ko pero wala ‘to—“   “Hey! Are you trying to kill yourselves!?” Ang galit na sabi ni Blaire nang makababa siya sa sasakyan na siyang minamaneho niya. Pababa na siya galing sa malayong brgy. Ng mga Apyaw and he couldn’t believe there were people living in that remote village.   “Alam niyo namang ang kipot na nga ng daan, nasa gitna pa kayo!” Dagdag pa ng lalake na siyang ikinalingon ni Ava.   Galit na tumayo si Ysla at naniningkit ang mga mata na lumapit sa matangkad na lalakeng walang modo.   “At kami pa ngayon ang magso-sorry!? Pasalamat ka na walang masamang nangyari sa kaibigan namin—kundi ide-demanda kita ng reckless driving!”   Ako, ide-demanda niya ng reckless driving? You’ve got to be kidding me! Who’s this, woman!?    Except her mother—no other woman raises their voice against him! He’s Blaire Ademar—a multi-Billionaire na napagalitan lang naman ng isang babaeng taga-bukid!   “Don’t you dare raise your voice at me, young woman—and if you were asking my deepest and sincere apology for you guys, that don’t know how to look ahead your way—I would never say it. It.was.not.my.fault!” Sabi nito saka naiinis na bumalik sa sasakyan nito at tinalikuran ang babaeng nagbabaga ang mga tingin.     Damn! I’m wasting my time by dropping myself by—well, I just wanna check if I got him bad. Mabuti nalang hindi. But this big mouth human—gave me a headache!   Mismong siya na ang kumausap sa mga tribong Apyaw dahil sa itinawag ni Derrek sa kanya last day. There were no problem at all—it needs to elaborate properly the intentions of Ademar Corporation.   And this Ysla-named-woman who redundantly came out of Derrek’s mouth intrigued him kaya nagsayang siya ng oras sa pag-akyat sa bundok and cancelled his appointments pero nakabababa na pala ito nang lungsod and have changed her mind, finally!     Flashback:   “She’s really fierce, believe me. She was even spontaneous with her words—‘di mo akakalaing may taong-bundok na ganun ka-educated, matalino, at maganda. She’s different—really different!”   Tumawa ng malakas si Blaire sa kabilang linya after hearing out his cousin’s compliment to this tribal woman.   “Oh—wait, I can presume already your next agenda, dear cousin—that you’re head-over-heels in love with an Apyaw native woman!”   Masakit na ang tiyan ni Blaire sa kakatatawa. Really? Hearing his dear cousin complimenting a woman, made him sick! Damn this twin playboy cousin of mine—nararamdaman kong iba ang tama niya!   “Cut that sh*t, cousin! Kahit ikaw pa ang CEO, I’ll surely knock your head if I were there.”    Depensa ni Derrek sa kabilang linya. If he agreed accompanying him, he would’ve agreed in certain!   “Alright, alright—I’m wasting my precious 30 minutes discussing nonsense, Engr. Derrek. I’ll settle it myself—and can’t wait to see your future-Apyaw-bride-to-be.” He teased and chuckled as he ended the call. End of flashback..   “What the f**k was that!?” Blaire came back from his reverie after hearing a loud bump on his window pane—and he realized that big-mouth-woman was throwing big stones towards his million-worth car!   “Hey!” Galit na sigaw ni Blaire. Mabuti nalang at nakapasok na siya sa loob ng sasakyan kundi baka natamaan siya.   “Walang modo!” Malakas na sigaw ni Ysla saka kumaripas ng takbo kasabay ng kanyang mga kaibigan.   Akala siguro niya matatakot ako sa pa-english-english niya, huh!? Buti nga sa sasakyan niyang mamahalin! She thought while running away together with her friends na tatawa-tawa pa sa ginawa niyang pangpapa-ulan ng mga bato.   “You crazy witch!” Bumaba si Blaire and checked his car. Napatadyak siya sa gulong ng maaninag sa dilim na basag ang kanyang rearview mirror at nag-crack din ang kanyang front shield.   Screw that witch! Magkikita rin tayo—and you’ll gonna pay big time!            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD