3- A friend, indeed!

627 Words
3- A friend, indeed! In life have a friend that is like a mirror and shadow; mirror doesn’t lie and shadow never leaves. –anonymous-   KATATAPOS lang nila Ysla mag-pa-enroll sa Ademar University kasama sina Charlotte at Danny. Medyo pa-ikaikang naglakad si Danny dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.   Pabalik na sila sa hacienda dahil tuwing hapon ay trabaho na nila.   “Kumusta na kaya ang gwapong-masungit, Ysla? Hindi mo kaya nabasag pati mukha niya? Sayang naman..” Sabi ni Charlotte habang nasa loob sila ng tricycle.    Umasim naman ang mukha ni Ysla sa itinanong ng kaibigan dahil hanggang ngayon ay inis na inis pa rin siya sa masamang ugali nito.   “Buti nga sa kanya ‘no! Tsaka hindi naman yun gwapo, Charlotte—mas gwapo pa ang ugali ng kalabaw kaysa sa kanya!” Inis na sabi ng dalaga na kumuha ng kursong Associate in Secretarial Course.   She chose a two-year course for her to find a decent job at matulongan ang kanyang nanay Silly at tatay Ramon sa pagbabanat ng buto.   “Echoserang bakla naman ‘to! Kahit madilim nun—kitang kita nga dalawang mata ko, Dios mio Ysla—para siyang artista! Ang gwapo!” Kinikilig na wika pa ni Charlotte saka binatukan ni Danny.   “Nagtataksil ka naman sa’kin, ah! Heto nga’t napilay yung asawa mo oh, dahil sa unggoy na yun.” Himutok ni Danny na katabi lang naman nito sa upuan. Malapit na sila sa hacienda.   “Hoy tumigil ka! Hindi kita asawa ha—kung ‘di lang to si Ysla nagpa-ulan ng bala nun, naitanong ko n asana ang pangalan nun at nang magayuma ko na. Hmp!”   “Naku, Charlotte—hindi na uso ngayon ang gwapo. Ang uso ngayon, yung mga katulad ni Danny—mabait!” Sabay na tawa ni Ysla at bumaba na nang nasa malaking gate na sila ng Ademar.   “Grabe ka, Ysla. Mabait lang talaga? Walang labis walang kulang?!” Napakamot ng batok si Danny habang tatawa-tawa naman si Charlotte.   “’Wag ka ng tumawad, Danny—lugi na nga kami sayo!” Hirit pa ni Charlotte. Kung magtuksohan sila ay talagang walang humpay.   “Akala mo naman kung sino kang kagandahan diyan—kaya nga tayo bagay, ‘di ba?”   “Tse! Hindi tayo bagay ‘no! Dahil tao ako at hayop ka.” Sagad sa boto na banat ni Charlotte. Hindi naman ganun ka pangit si Danny, ‘di rin gwapo at ganun din si Charlotte.   “Pst! Halika na kayo—tama na yan! Lumalaki na ang butas ng ilong ni Karmen, o!” Saway ni Ysla sa dalawa dahil tanaw na niya ang umuusok na ilong ni Karmen. Nagmamadali silang pumasok sa loob dahil tutulong pa sila sa kusina. Ang sabi ng mayordomang si Karmen ay kumpleto daw ang pamilyang Ademar ngayong gabi.   “Ba’t huli na kayo ng labin-limang minuto? Aba’t! Que babago niyo palang dito, ah!”    Sermon ni Karmen sa kanila. Talagang hilig nito ang manermon sa lahat ng mga trabahante sa malaking bahay. Hindi rin marunong ngumiti parang palaging may regla!   “Ganyan ka ‘pag pipiliin mo pang maging isang matandang dalaga kaysa mag-pakasal ka sa’kin, Charlotte.”    Bulong ni Danny sa kaibigan na ‘di pa tapos sa tuksohan nila. Saka naman kinurot ito ni Charlotte.   “Tumigil ka, Danny. Kung makapagsalita ka ng kasal diyan, akala mo ma-afford mo talaga.” Bulong din nito.   “Sshh.. Umuusok na ang bangin—baka bigla na yang umapoy, masunog pa tayo.” Hirit din ni Ysla at napahagikhik.   “Anong binulong-bulong niyo diyan!? Hala! Magsitrabaho na kayo! Hindi kayo pinag-aral para tumunganga nalang rito!”    Tumalima naman ‘agad ang tatlo at pigil pa rin ang pagtawa.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD