Raze Humampas sa amin ang malakas na hangin. Sumabay ang buhok ng babaeng kasama ko rito habang nanatili naman akong tulala. Para akong nabingi sa narinig at hindi kaagad ako nakakibo. W-We were under a spell? "Hey, take it easy. Hindi naman 'yon masyadong nakabibigla, hindi ba?" Pagbasag ng babaeng kaharap ko sa katahimikan. Nakakurba ang labi niya sa isang matamis na ngiti habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko. "Well, kung masyado 'yong hindi kapani-paniwala, hayaan mong ipakita ko sa'yo kung ano ang nangyari..." "Ang nangyari no'ng nawala si Astria..." She clapped her hands once. Parang bumagal ang takbo ng oras at wala sa sarili akong napatingin sa buwan... it turned blue. Then suddenly, everything changed. Bigla kaming napunta sa Frencide ng kasama ko... Tila napunt

