Raze Patuloy sa paghampas sa kamay kong nakasakal sa leeg niya ang babaeng kaharap ko. Unti-unting nagbago ang paligid namin at ang festival kanina ay dahan-dahang nasusunog. Muli kaming bumalik kung nasaan kami kanina. "I-I said, I c-can't f*****g b-breathe-" Nanlilisik ang mga mata niya sa akin habang patuloy siya sa paghampas sa kamay ko. Pero wala siyang nagawa nang diniinan ko pa lalo ang pagkakasakal ko sa kaniya. "G-Glene!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Nalipat ang tingin ko sa direksyon ng sumigaw pero hindi pa rin nawawala ang mga kamay ko sa leeg ng babaeng kaharap. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ng isang babae. It's the witch before. Ang witch na kasama nina Lei at Tana nang maghiwalay kami. The witch named Fely. If she's here... then the others must be... W

