Lei Ramdam ko ang pagtama ng hangin sa 'kin habang nakasakay ako sa griffin. Nahihirapan ako huminga dahil sa kurtina na nakatakip sa mukha ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko ngayon dahil sa kaba. I-I just kidn*pped a p-princess- "Saan mo 'ko dadalhin?" Kalmado ngunit nag-aalalang sambit ng babaeng kasama ko. Hanga ako kay Zeniah dahil nanatili siyang kalmado at hindi siya nagpa-panic. Paniguradong kapag ako ang na-kidnap ay nagsisisigaw na ako at humihingi ng tulong. Tumikhim ako bago siya tapunan ng tingin. "A-Ah, ano- wag kang maingay!" Pilit kong nilakihan ang boses ko para takutin siya. Pero sa aming dalawa, ako ang pinaka-natatakot dito. Hindi rin magtatagal ay pagsasalubunungin na 'ko ng mga kawal dito, ang malala pa ay kung may witch silang kasama at magkaroon pa kami ng p

