Tana Nang saktong matapos si Leirous 2.0 sa pagsigaw sa tuktok ng balkonahe, humampas ang hangin at tumama sa kaniya ang sinag ng araw. Napasinghap ako at napatakip sa bibig habang nanonood sa kaniya. It feels like I'm watching a drama, kung saan nasa parte na 'ko na umamin ang leading man sa bida. Nagtubig pa ang gilid ng mga mata ko dahil sa saya at dahan-dahan akong pumalakpak. I'm so proud of you, brother! Kabaliktaran ng reaksyon ko ay parang nanlumo sa kabilang banda si Lei. Even though there's a cover in his face, I can see it in his eyes that he's so freaking disappointed. Walang nakakaalam sa kanila ang totoong dahilan ni Leirious 2.0 kaya ayaw niyang matuloy ang kasal- ang mga babae niya. Paniguradong hindi makapaniwala si Lei sa ninuno niya. "Zeniah... maari ba nating itu

