Raze
"Teacher, malapit na po ba tayo?"
Napatingin ako sa batang hawak-hawak ko ang kamay. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at tumango.
Tho, I'm not really sure.
Tinapunan ko ng tingin ang babaeng nauuna sa amin na tingin nang tingin sa paligid. Bakas sa mukha ni Xena na hindi niya mahanap ang pupuntahan namin.
Sa kabilang banda, maiging tinitignan ni Haritha ang bawat tindahan na nadaraanan namin. Baka raw bukas pa ang mga tindahan na iyon sa kasalukuyan at para mapuntahan niya.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Tatlo na kaming makakasama rito pero mukhang matatagalan pa kami.
Nagawa na kayang makapasok ni Zairah sa kastilyo? I'm pretty sure that Lei will get beaten as hell.
On the other hand, Tana is already probably crying because of happiness that she found the prince, or crying because of frustration.
There is no in between.
Tsk, kung saan-
"Ah! Nakita ko na!"
Nawala ang nasa isip ko nang biglang magsalita si Xena. Masigla itong humarap sa amin ng kasama ko at sinenyasan kaming sumunod.
"Tara!"
Nauna itong naglakad sa harapan namin. Pareho kaming nagkatinginan ni Haritha na walang kaalam-alam bago sumunod sa kaniya.
Walang akong kaide-ideya kung saan kami dadalhin ni Xena. Pero ang nasa isip ko ay isang kakaibang shop dito.
I mean, she's talking about magic objects or so.
But instead, we found ourselves infront of an ordinary shop. A pet shop, to be exact.
Parehong nakataas ang dalawang kilay ko at walang kaalam-alam kung bakit kami nandito.
Casual na pumasok sa loob si Xena kaya walang kaming nagawa ni Haritha kung hindi sumunod. Hawak-hawak ko ang kamay ni Raina na nakasunod lang din sa akin.
Nang makapasok kami sa loob ay isang ordinaryong pet shop lamang ang sumalubong sa amin. Walang kakaiba.
There are no floating or glowing stuffs, or even different creatures.
What the hell are we doing here?
"Magandang umaga po!" Masiglang bati sa amin ng matandang tagabantay ng shop.
He's wearing a long coat and black fedora hat.
Malawak ang ngiti niya habang nakapwesto sa likod ng register.
Inililibot pa namin ang mga tingin namin sa paligid nang magsalita si Xena.
"systatikó."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pare-pareho kaming napatingin nina Haritha sa babaeng kasama namin.
W-What was that?
Hindi kaagad nakasagot ang matandang tagabantay ng shop na bakas sa mukha ang pagkabigla.
S-Sinasabi ko na nga ba. Mali ang napuntahan-
"Naiintindihan ko. Maligayang pagdating, Miss Astria."
Unti-unting namilog ang mga mata ko sa narinig. Nabigla ako nang tila nagsara ang lahat mga bintana at ang pinto. Kusang nagpalit ang sign at naging 'close' ito.
"W-Woah." Namamanghang sambit ko.
"Nandito ka po ba para kumuha ng kagaya ng dati?" Tanong ng taga-bantay.
Nakangiting tumango si Xena sa tanong ng taga-bantay sa kaniya.
Hindi kaagad ako naka-react nang buksan ng matanda ang coat niya. Bumungad sa amin ang isang maliit na tao sa likod ng mahabang tela.
A-A freaking dwarf.
"Dito po tayo!"
Bumaba ito sa upuan na tinutungtongan niya at pumunta sa isang bagay na nasa gilid namin.
Isa-isa niya kaming tinitignan na para bang hinihintay kaming kumilos at gumalaw sa pwesto namin.
"Ano pang hinihintay ninyo? Pumasok na kayo."
Hindi kaagat ako nakasagot. Sinesenyas niya sa amin ang bagay na katabi niya at gusto niya kaming papasukin.
I-It's a freaking aquarium.
"N-Nagbibiro ka ba? Kahit siguro si Raina ay hindi kasya riyan." Giit ko.
Malalim na huminga ang dwarf na kaharap namin sa sinabi ko. Walang gana itong tumingin sa akin habang napapailing.
"Sino ba iyang mga kasama mo, Miss Astria?"
I heard Xena chuckled. Nagsimula na itong humakbang papalapit sa aquarium.
Natigilan ako sa inakto niya. Nang akmang pipigilan ko pa lang siya ay naunahan na niya akong magsalita.
"Mauuna na ako." Nilingon niya ako na may ngiti sa labi bago tumalon sa maliit na aquarium.
"metamorfóno."
Nang saktong pagtalon ng babaeng kasama ko ay may spell na binanggit ang dwarf na katabi niya. Tila may tubig na sumalubong kay Xena at hinigop siya sa loob ng aquarium.
Wala kaagad naka-react sa amin dahil sa pagkabigla.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari...
Muli kaming walang ganang tinignan ng dwarf.
"Oh, sino ang susunod?"
Pareho kaming nagkatingininan ni Haritha. Napakagat ako sa ibabang labi bago tignan si Raina na hindi rin mapigilan ang paghanga sa pangyayari.
"K-Kami muna."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa batang kasama ko at napalunok ako nang malalim.
"Wag kang bibitaw ha?"
Dahan-dahang tumango si Raina sa sinabi ko.
I heaved a sigh before closing my eyes. I felt my legs jump and so is Raina.
Ni hindi ko man lang narinig ang spell na binanggit ulit ng dwarf na katabi namin dahil parang nag-slide ako sa loob ng aquarium.
Nang minulat ko ang mga mata ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa loob.
Parang nasa ilalim kami ng dagat ni Raina dahil sa sobrang ganda ng nasa paligid.
Nagagawa pa rin naming makahinga habang tinitignan ang nagsisilakihang goldfish na lumalangoy sa itaas nsmin.
"Wahhh!!"
Rinig ko ang pagsigaw ni Haritha na sumulpot din sa likuran namin ng estudyante ko. Hindi niya kaagad naimulat ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.
Nang dahan-dahan niya itong inimulat ay napaawang din ang bibig niya nang salubungin ng napaka-gandang tanawin.
"W-Woah. This is so freaking cool." Namamanghang sambit ng babaeng kasama ko.
"T-Teacher! Starfish oh!"
Masiglang tinuro ni Raina ang isang malaking starfish na nakadikit sa salamin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa reaksyon niya.
It looks like she's enjoying herself.
"Ano pang hininintay ninyo riyan? Tara na!"
Naagaw ang pansin namin nang marinig namin ang boses ni Xena. Sinenyasan niya kaming sumunod sa kaniya.
Pumasok siya sa loob ng isang shell sa aquarium. Kung ano ang liit nito sa labas ay kabaliktaran nito ang nasa loob.
My eyes widened and my jaw dropped when I saw mermaids holding stuffs and doing their job.
For pete's sake, this place looks like an office!
A-Anong ginagawa nila rito sa loob ng aquarium?
"Dito nagtatrabaho ang mga sirena. Hindi kasi sila ligtas kung mananatili sila sa ibang katawang tubig dahil kadalasan silang kinukuha at binebenta ng mga nobles." Biglaang sambit ni Xena na para bang nababasa ang nasa isip ko.
"Dito, malaya sila nakakakilos. Nakakatulong pa sila sa nga witches na katulad ko."
I was stunned. I can help but to stare at Xena's smiling face.
Natauhan na lamang ako nang may isang sirenang lumapit sa amin at may hawak-hawak itong isang clam.
"Miss Astria, ito na po ang kailangan niyo." Masiglang sambit niya sa amin.
Nakangiting inabot ni Xena ang clam na binigay sa kaniya.
"Nakuha ko na ang kailangan natin! Tara na!"
Naunang lumabas si Xena sa shell habang may malawak na ngiti. Pero kaagad din itong naglaho nang mapatingin siya sa salamin ng aquarium.
Kapwa niya ay napunta rin ang atensyon namin ni Haritha sa labas at tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
T-That person is here...
Hindi ako makagalaw at napako ako sa kinatatayuan ko. Kagaya nang huli naming pagkikita ay nakasuot pa rin siya ng cloak at wala kaming makitang parte ng katawan niya.
Mukhang kinakausap niya ang tagabantay ng shop. Pero ang kinabahala namin ay tila tulala lamang ang dwarf habang kaharap niya.
Hindi nagtagal ay lumabas din ito na nagpatanggal ng tinik sa lalamunan ko
"Raze..." Mahinang pagtawag sa akin ni Haritha.
I bit my lower lip out of frustration. Unti-unting humihigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Alam ko ang gusto niyang iparating....
Kailangan na naming umalis dito sa Frencide sa lalong madaling panahon...
That freaking person followed us here!
•••