19. Leirus 2.0

1298 Words
Tana Napakagat ako sa ibabang labi habang nagtatago ako sa isang eskenita. Nakasilip ako rito upang tignan ang taong sinusundan ko. G-Geez... bakit pa kasi ako ang napunta sa trabahong ito? Zairah divided us into three different groups that have different goals.  Xena, Raze and Raina, together with Haritha. Sila ang nakatoka para hanapin ang kailangan ni Xena sa spell niya rito sa Frencide. Nagsama-sama sila upang mapadali ang paghahanap. Sa kabilang banda, si Zairah ang nakatoka sa pagtakas kay Lei kastilyo. Upang masigurado na hindi raw makakagawa ng kung ano si Lei. I know that she really wants to do that from the beginning. Kaya sa kaniya napunta ang trabahong iyon. Gusto niya lang talaga masigurado na hindi makakasal bukas si Lei. And there's me... Ako ang nautusang sumunod sa Leirus na panahon na ito at dalhin siya sa kastilyo bago magsimula ang kasal. Hindi maipinta ang mukha ko habang pinapanood ang lalaking halatang-halata na nagtatago. For pete's sake, he's overreacting. He looks like a spy wannabe. Napabuntong-hininga na lamang ako nang tumama ang mukha ng lalaking sinusundan ko sa pader dahil sa kakasilip niya sa likod niya. "T-Tsk... bakit pa kasi ako-" "Anong ginagawa mo riyan?!" Natigilan ako sa pag-iisip nang maagaw ng isang matandang babae ang atensyon ko. She's wearing an elegant dress and dozens of accessories.  It's pretty obvious that she's a noble. "A-Ah-" "Isa kang magnanakaw noh?!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng matanda sa akin. Agad akong umiling sa sinabi niya. "H-Hindi po-" "Mga kawal! Kawal! May magnanakaw rito!" Namilog ako sa sinabi ng matanda. She didn't even let me to speak! "H-Hindi po! Hindi!"  Agad akong umiling habang tinatanggi ang sinabi niya. Pero hindi siya tumigil sa pagsigaw hanggang sa makakita ako ng mga kawal na tumatakbo sa pwesto namin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at nag-aksaya ng oras. Mabilis akong tumakbo papalayo sa matanda. T-Tsk! Anong problema ng mga tao sa panahon na ito?! "Hoy! Magnanakaw!" Rinig kong tawag sa akin ng isa sa mga kawal. Napaismid na lamang ako sa sinabi niya.  These guys are really toxic!  Huminto ako sa pagtakbo at hinarap ang mga kawal na humahabol sa akin.  It's a good thing that I wasn't born in this timeline! "omíchli!" Tila natigilan sila sa pagsunod sa akin nang napuno ng usok ang paligid. Rinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo nila dahil sa ginawa ko. Kinuha ko na ang chansang iyon na tumakbo palayo. Hingal na hingal ako nang huminto ako sa isang masikip na eskenita. Argh! Because of that old lady, I lost track of the guy that I'm following! Y-Yari ako kina Zairah.  Nagsimula na akong suminghot habang pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. T-This is not the time to cry. I need to find this time's Leirus! Tumango ako sa sarili ko at punong-puno ako ng determinasyon. Lumingon ako sa gilid ko upang magsimulang maglakad ulit nang may nabangga akong lalaki. Kapwa ko ay nagtatago rin siya rito sa eskenitang ito. My jaw dropped and my eyes widened when I saw his face. "L-Leirus?!-" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko nang banggitin ko ang pangalan niya. "Shh!" Mabilis siyang sumilip sa labas na kinakuha ng atensyon ko. May mga kawal na dumaan sa labas. Nang tuluyan na silang nawala sa paningin namin ay tinanggal na ng lalaking kasama ko ang kamay niya sa bibig ko. "A-Ano-" "Paano mo ako nakilala?! Pinadala ka rin ba nila ama at ina?!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maunang magsalita ang lalaking kasama ko. He looked at me full of distrust. "H-Ha? Hindi- P-Pero parang gano'n na rin-" "Umalis ka na. Walang kasal na magaganap bukas. Hindi ako babalik." Walang ekspresyong naunang naglakad sa akin si Leirus 2.0. Ni hindi niya man lang ako hinayaang magsalita o magpaliwanag. "Teka lang!" Agad ko siyang sinundan sa paglalakad. "Ayusin mo nga iyang desisyon mo sa buhay! Huwag kang maging makasarili!" Hindi ako nito pinakinggan at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad. Napaismid ako sa inasal niya at pilit ko siyang hinabol. This guy is stubborn! "Hoy! Bakit ka ba kasi tumakas ha?-" I was startled when he suddenly stopped walking and faced me. Natulala ako habang iritado siyang nakatingin sa akin. "Ayusin mo ang tabas ng dila mo. Isa akong prinsipe rito. Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan." Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya at napalunok ako nang malalim. Mabilis akong umiling at taas noong humarap kay Leirus 2.0 "FYI- Ang ibig kong sabihin, ang lakas ng loob mong tawagin ang sarili mong prinsipe kung takot kang gampanan ang responsibilidad mo." Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin ang lalaking kaharap ko. Looks like I touched a nerve. "A-Aba-" Hindi na naituloy ng lalaking kaharap ko nang bigla siyang natulala sa likod ko. Nagtataka akong napalingon at sumalubong sa akin ang isang kalesa. Nakabukas ang bintana nito dahilan kung bakit nakikita namin ang tao sa loob. Unti-unting umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata nang makilala ko ang babaeng nakasakay. "Z-Zairah-" "Zeniah..." Both of my eyebrows rose when I heard what the guy beside me said. Napatingin ako sa sinabi niya. D-Did he just called that girl Zeniah? H-Huwag mong sabihing... siya ang babaeng pakakasalan ni Leirus 2.0?! Hindi ko mapigilang mapahanga. Fate is really something... Muli kong tinignan ang babaeng tinawag na Zeniah ng kasama ko. Hindi maipagkakaila na magkamukhang-magkamukha sila ni Zairah. But the way she looks right now... it looks like she's been crying. Her eyes are swollen and she looks so down... M-Mukhang may ginawa na si Leirus na ikakagulo ng pagtakbo ng mga kaganapan sa hinaharap. Napaismid akong napaharap sa katabi ko upang pilitin siyang bumalik sa kastilyo. "Kaila-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko ang ekspresyon ng lalaking katabi ko. Parang bumagal ang takbo ng oras at humampas sa amin ang hangin. H-His expression softened while looking at Zeniah... Just by looking at him... I know... I know that he loves her... "Kung ganiyan ka makatingin sa kaniya... anong pumipigil sa'yong pakasalan siya?" Napalunok ako nang malalim habang hinihintay ang magiging sagot niya sa akin. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa kalesang unti-unting dumadaan sa amin. "Hindi... hindi ako karapat-dapat sa babaeng iyan... hindi ako..." I immediately bit my lower lip to stop myself from crying. Nung una ay akala ko ay magkapareho lang sila ng kaibigan kong si Leirus pero nagkakamali ako. T-This guy... touched my heart! Desidido akong humarap sa kaniya na puno ng determinasyon. Nabigla siya sa inasal ko at hindi kaagad nakasagot. Gagawin ko ang lahat, para matuloy ang kasal! Sigurado akong may matibay siyang dahilan kung bakit niya naiisip na hindi siya karapatdapat sa pagmamahal ni Zeniah, pero sigurado akong kaya ko siyang tulungan! "Sabihin mo sa akin ang dahilan! Sisiguraduhin kong magiging lalaki kang karapat-dapat sa pagmamahal niya!" Nabigla si Leirus 2.0 sa sinabi ko. Tila nagtutubig na rin ang mga mata niya nang magkatinginan kami.  Seryoso akong tumango. You can count on me, brother! Pilit siyang ngumiti sa sinabi ko. "M-Maraming salamat!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tinignan ko siya deretso sa mga mata. Para bang nasa isa kaming telenobela at pareho naming naiintindihan ang isa't isa. "Sabihin mo sa akin, kapatid. Ano bang kinababahala mo?" Determinado akong napatingin sa kaniya. Sinabi ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mabuo ang kwento ng pagmamahalan nila. Sisiguraduhin kong matutupad iyon. Tumagal ng ilang segundo bago ako tignan at sagutin ng lalaking kaharap ko. Para akong nabingi sa narinig ko at unti-unting nagbago ang ekspresyon ko sa mukha. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi habang nagsasalita. "Ang totoo kasi niyan..." "Pinangakuan ko ng kasal ang lahat ng dalagang babae rito sa bayan." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD