15. The Cursed town

1431 Words
Zairah Mas maigi kong nakita ang itsura ng bayan nang lumapit kami rito ng malapitan. Hindi ko magawang makapagsalita habang tinitignan ang kabuoan ng bayan. Everything was wrecked. Every houses were destroyed and there are no signs of any living things here. Imposibleng may magagawa pang mabuhay sa lugar na ito. Puro uwak ang nagsisiliparan at nag-aabang sa mga punong patay na. This town... is cursed. "Wala kayong hahawakan na kahit ano." Walang ekspresyong sambit ni Xena. Mariin itong nakakagat sa ibabang labi habang inililibot ang tingin sa paligid. Her eyes blazed with anger as she grasps the possible ideas of what happened here. "G-Grabe... sino ang gagawa nito?" Bakas ang awa sa mukha ni Tana at mukhang paiyak na naman. Maski ako ay hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Isang witch lang ang may kayang gumawa nito.... "Tsk. Paano nila nagagamit sa ganitong bagay ang mahikang ipinagkaloob lamang sa kanila." Iritadong sambit ni Haritha. Nanatili kaming naglakad sa gitna ng bayan at inililibot ang tingin sa paligid. Hanggang sa may nakarinig kaming isang nabasag. Mabilis kaming natigilan sa paglalakad at nagkatinginan sa isa't isa. There's someone in here. Who the heck will stay in this town?! For pete's sake, walang mabubuhay rito! Kasunog ng narinig naming pagkabasag ay ang mga yapak na tumatakbo. Pare-pareho kaming naging alerto at naghanda sa biglaang pagsulpot ng kung sino. Napalunok ako nang malalim. Hindi kaya... nandito pa ang witch na gumawa nito?- "Tulong! Tulong!" Namilog ang mga mata ko nang makita ang taong tumatakbo papunta sa amin. Nanlulumo kaming makita ang isang lalaking sobrang dumi at payat. May buhat-buhat itong isang batang lalaki na para bang buto na lang ang kinakapitan ng laman. Wala itong malay at walang tigil sa pag-iyak ang lalaking may buhat-buhat sa kaniya. "P-Pakiusap! Tulong!" Huminto ito sa harapan namin. Nang akmang lalapit na rito si Lei ay mabilis ko siyang hinarangan. "Hindi pa natin nasisigurado kung ano ang nangyari sa bayan na ito." Walang ekspresyong sambit ko. Parang natuyo ang lalamunan ko at nahihirapan akong magsalita. Gusto kong isumpa ang sarili ko sa nasabi ko dahil nagawa kong banggitin 'yon sa harap ng dalawang taong halos mag-agaw buhay na. "But Zairah, a ruler can't just-" "You're not the ruler in this timeline, Lei." Natigilan ang lalaking kaharap ko sa sinabi ko. Isiniwalang bahala ko ang pagiging makabayani ko ngayon. Kailangan naming maging praktikal. Hindi namin panahon ito. Hangga't maari ay hindi kami pwedeng makielam sa pagtakbo ng mga bagay. Muli sanang magsasalita si Lei nang matigilan kami sa ginawa ng isa naming kasama. Napasinghap na lamang ako nang malalim sa ginawa ni Xena. Kagaya ng inaasahan... ano pa ba? Hindi ito nagdalawang isip na lumapit sa lalaki at batang kasama niya. Siya pa ang nagsabi sa amin kanina na huwag kaming hahawak ng kung ano-ano dahil baka madamay kami. Dahil sa ginawa niya ay wala na rin kaming nagawa kung hindi lumapit sa dalawa. Mas lalo kong nakita ang mga kalagayan nila at masasabi kong maswerte pa sila at nagagawa pa rin nilang magalaw man lang. "Anong nangyari?" Kalmadong tanong ni Xena ngunit bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Naiiyak na humarap sa amin ang lalaki. "W-Wala na kaming makain. Sunod-sunod na namamatay ang mga mamamayan sa bayan. Tuluyan ng nasira ang mga palayan at wala na kaming tubig na makuhaan." Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi. Rinig kong ang pag-ismid ni Raze at Haritha samantalang nagtutubig na ang mga mata ni Tana. T-Those freaking witches... anong ginagawa nila sa panahon na ito? They're freaking killing people! "P-Pero bakit? Sino ang gumawa nito?" Marahang tanong ni Lei. Tila nagbago ang ekspresyon ng lalaking kaharap namin. Punong-puno ng takot ang mukha niya. "M-Mga witches.... Pumunta sila rito sa bayan at may tao silang hinahanap. Nang nalaman nila na wala rito ang taong hinahanap nila ay walang pag-aalinlangan nila kaming sinumpa... dahil daw pangit naman na ang bayan namin... sinisira lamang namin ang Miyamih." Para akong nabingi sa narinig. Mabilis na kumulo ang dugo ko. Pilit kong pinakalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga nang malalim. Fuck... I want to kill someone right now... Napayuko ako para hindi makita ang ekspresyon ko. Bwisit na mga tao ang gumawa nito- Hindi... hindi na sila matatawag pa na tao. Mas masahol pa sila sa demonyo. "Sige, gagamutin ko kayo." Muling sambit ni Xena. Habang tinutulungan niya ang lalaki at ang bata ay nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Alam kong iisa lang ang mga nasa isip namin ngayon. Screw the timeline. I'm going to kick those witches' ass. Alam kong nagmamadali kami ngayon at hinahabol namin ang oras. Pero sigurado rin naman akong hindi papayag si Xena na hahayaan lang namin ang bayan na ito. Nandito na kami... bakit pa namin sila pababayaan. "Hindi basta-basta ang mga witch na gumawa nito. Masyadong malakas ang sumpa na iniwan nila." Biglaang sambit ni Tana. Nakapikit ito habang pinakikiramdaman ang paligid. "If they cursed this town... they need something to lock the cursed. Something from this town." Bulong ni Haritha. Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Mabilis akong napatingin sa lalaking kakatapos lang gamutin ni Xena. "H-hey do you- Ang ibig kong sabihin, may bagay ba na nawawala sa bayan na ito? Kahit anong bagay? Ung matagal nang nandito?" Napunta ang tingin niya sa akin at hindi kaagad nakasagot sa tanong ko. Tumagal ng ilang segundo itong nag-isip bago nakasagot. Unti-unti nitong itinaas ang hintuturo niya at may tinuro sa amin. Pare-pareho kaming napalingon sa isang estraktura na tinuro niya. Isang chapel sa gitna ng bayan. "M-May orasan sa gitna ng simbahan na iyan. Simula nung itinayo itong bayan ay nandito na iyon. Kaso kasabay ng pagkasira ng bayan ay bigla na lamang itong nawala." Humampas ang malamig na hangin sa amin. Nakumpirme ng sinabi niya ang mga hinala namin. Walang kaemo-emosyong humarap sa lalaki si Xena na kakatapos lang gamutin ang batang kasama niya. Kanina pa siya nakikinig lang sa amin. "Saan patungo ang mga witch na tinutukoy mo?" "S-Sa hilaga. Narinig namin nagpapahinga sila sa hindi kalayuang lumang palayan." --- Hindi kami nag-aksaya pa ng oras. Matapos naming tulungan ang iba pang nangangaylangan ay agad kaming nangako na ibabalik namin sa dati ang bayan nila. Para gawin iyon ay kailangan naming kunin ang bagay na kinuha sa bayan at alisin ang bisa ng sumpa. Ang of course, to give those witches a lesson. Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa direksyon na pinuntahan ng mga witch na hinahanap namin. Medyo nakakalayo na kami mula sa bayan na pinanggalingan namin nang maaninagan ko na ang isang lumang palayan. Patay na ang mga d**o rito pati na rin ang mga lupa. Kaya wala ng nagtatanim sa lugar na ito. Nakakailang tapak pa lang kami sa lupa nang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Mabilis kong tinignan ang mga kasama ko para balaan sila ngunit hindi ako umabot. We just found ourselves inside of a huge cage in the middle of the field. "F-Fuck." Mahinang reklamo ni Raze. "Wah! May bisita tayo!" Nagsisulputan ang ang tatlong lalaki at isang babae. Base sa mga suot nila ay hindi maitatangging galing sila sa isang mayamang pamilya. f*****g nobles. "Ew, kadiri. Mga hampaslupa ata." Nandidiring sambit ng nag-iisang babae. Her blonde hair is in braid and she has freckles on her face. She looked at us full of disgust. Matalim ko siyang tinignan. Ang mga tipo niya ang pinaka-ayaw ko. "Sino ang mga iyan?" Natatawang sambit ng isa sa mga lalaki. He has long a long black hair and blue eyes. He's wearing an elegant tunic shirt and jewelries. But the thing that caught my attention was the golden clock that is hanging on his waist. "Hindi sa iyo 'yan." Walang ekspresyong sambit ko. Napunta ang mga tingin nila sa akin. Walang gana akong tinapunan ng tingin ng isa sa mga lalaki bago kumurba ang labi niya sa isang ngisi. Taas noo itong humakbang papalapit sa amin. "Aba, isang-" Natigilan siya sa paglalakad nang maaninagan niya kaming lahat. Mabilis na namilog ang mga mata niya at napaawang ang bibig. Hindi siya nagdalawang-isip na lumuhod at yumuko. Pare-pareho kaming natigilan sa inakto niya. Pati na rin ang mga kasama niyang mga dugong bughaw. "H-Hoy Ellius! Anong gina-" "Mga walang hiya! Nandito ang taong hinahanap natin!" Mabilis na natauhan ang mga kasama ng lalaki sa sinabi niya. Kapwa niya ay sunod-sunod din silang nagbigay galang. Hindi kaagad maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. N-Nandito ang taong hinahanap nila? Sino?- "Prinsipe Leirus Cailen Gardner, sinusundo ka na po namin, kamahalan." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD