16. Prince

1417 Words
Lei Para akong nabingi sa narinig. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya.  D-Did I heard it right? I-I'm stupid so I'm not quite sure. Unti-unti na lamang umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata. "E-Eh?!!" Pare-pareho kami ng naging reaksyon. Hindi makapaniwalang napatingin sa akin ang mga kasama ko. Malawak ang ngiti ng lalaking pinakamalapit sa amin nang humarap sa akin. Ang pagkaka-alala ko ay Ellius ang pangalan niya. "Nandito ka lang po pala, Prinsipe Leirus!" Nantiling nakaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Tama sila sa pangalan at apelyido ko... But my whole name is Leirus Cail Gardner! Not Leirus Cailen Gardner. I-Iba ang taong hinahanap nila. "M-Mali ata kayo-" "Anong tinatayo niyo riyan?! Alisin niyo ung kulungan!" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang unahan ako ni Ellius magsalita. Mabilis na natauhan ang mga kasama niya at pinalibutan nila ang kulungan namin. "Mataíosi!" Sabay-sabay nilang sambit. Tila natunaw ang bakal na kulungan at tuluyan itong nawala. Nang naglaho ito ay agad na lumapit sa akin si Ellius. "Okay ka lang po ba? Nasugatan ka ba? Nadumihan?-" Natataranta itong lumapit sa akin at tinignan ang itsura ko. Pero natigilan siya nang makita ang kabuoang kasuotan ko. "K-Kamahalan! Ano po ang nangyari sa inyo?!" Hindi maipinta ang mukha niya habang pinagmamasdan ang damit ko.  Oh God... this guy is nuts. "Alicia! Kumuha ka ng damit!" Mabilis niyang inutusan ang nag-iisang babaeng kasama nila. Hindi nag-aksaya ang babaeng nangangalang Alicia at agad kumuha ng panibagong damit. Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko. Kapwa ko ay wala ring maintindihan ang mga kasama ko sa mga nangyayari. "Prinsipe Leirus, mayroon po akong bagay na sigurado akong magugustuhan ninyo." Natulala ako sa lalaking nakayuko sa harapan ko. He has a long black hair and looks like a common prince from disney movies. The guy who has the golden clock of the town. Nanatiling nakaawang ang bibig ko habang tinatanggal niya ang orasan sa bewang niya at maingat na iniharap sa akin. A-All of them are freaking nuts. "Para po sa inyo, kamahalan." Malawak ang ngiti niya sa akin habang hinihintay akong kunin ang orasan. Walang ekspresyon ko siyang tinitigan bago ako mapaismid. "Hindi ko kailangan iyan. Isauli mo iyan sa pinagkuhaan mo. Ngayon na." Walang kaemo-emosyong sambit mo. Tila naglaho ang ngiti ng lalaking nasa harapan ko. Tumigil sa mga ginagawa nila ang mga kasama niya. Nagkaroon ng sandaling katahimikan at tanging ang paghampasan ng mga dahon ang naging tunog. "E-Eh?-" "Dario! Hindi mo ba siya narinig?!" Kinakabahang sambit ni Alicia. Mabilis na natauhan ang lalaking nasa harapan ko na nangangalang Dario. Bakas sa mukha nilang lahat ang kaba. But to be honest, I'm the most nervouse person here. For pete's sake, I'm about to s**t my pants. "P-Pagpaumanhin niyo po, kamahalan. Isasauli ko po ito kaagad." Matapos muling lumuhod ng lalaki sa harapan ko bago nagmamadaling umalis sa harapan ko. Bakas sa mukha nila ang pagtataka pero pinili nilang manahimik at sumunod sa akin. I don't know what kind of Prince this timeline's Leirus is. But one thing is for sure, he's a freaking brat. "P-Prinsipe Leirus, ipagpaumanhin niyo po sana ang inasal ni Dario. Pinapangako ko pong hindi na iyon mauulit pa." Pag-iiba ni Ellius. Tila nalipat ang tingin niya sa mga kasama kong hindi pa rin kumikibo sa mga pwesto nila. "Kamahalan, kung hindi po masamang malaman. Maari po akong magtanong kung sino sila?" Pare-pareho kaming natauhan sa narinig. Bumalik sa katinuan ang mga kasama ko na hindi alam ang mga gagawin. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi kaagad ako makasagot. "A-Ah, eh-" "Mga kaibigan niya kami!" Mabilisang sagot ni Zairah. Natigilan Ellius sa sinabi niya. Nakaawang ang bibig ko habang tinitignan silang dalawa. Matalim na tinignan ng lalaking katabi ko ang babaeng kasama ko. "Wala kang karapatan na sumabat sa usapan, dukha." Napalunok ako nang malalim sa narinig. Mabilis kong tinignan si Zairah na unti-unting nagbabago ang ekspresyon. S-s**t! Hindi ako nag-aksaya ng oras na humarang sa pagitan nilang dalawa ni Ellius. "T-Tama siya. Mga naging kaibigan ko s-sila." Kahit hindi mukhang nakumbinse sa sinabi ko ay pilit akong pinaniwalaan ng lalaking kaharap ko. Muling tinapunan nito ng masamang tingin si Zairah bago lumambot ang mukha niya sa akin. "Naiintindihan ko po, kamahalan." Nakahinga ako nang maluwag nang umalis sa harapan ko si Ellius at lumapit ito kay Alicia na naghahanap ng damit. "What the f**k are you doing, jerk. Puputulan ko ng dila ang lalaking iyan." Walang ekspresyong sambit ni Zairah. Hindi maipinta ang mukha ko sa sinabi niya. "P-Paano na iyan? Anong gagawin natin?" Nag-aalalang sambit ni Tana na nagtutubig na ang mga mata. "Tsk, we can't just leave them be. Susundan at susundan nila tayo." Dagdag ni Raze habang hawa-hawak si Raina. "For now, we should go with the flow. Hindi natin pwedeng pakielaman ang takbo ng mga pangyayari sa nakaraan. Kung si Leirus ang inaakala nilang prinsipe nila ay kailangan nating makisakay." Kumunot ang noo ko at lumukot ang ilong sa sinabi ni Haritha. H-Hindi pwede! At isa pa, ayoko! Akmang sasagot na sana ako nang maagaw ang mga atensyon namin ng babaeng nagsalita. Inosente kaming tinignan ni Xena na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. "H-Hindi ko alam, ikaw pala ang prinsipe ng Frencide, Lei." Pare-parehong napaawang ang mga bibig namin sa narinig. Inosenteng-inosente ang mukha ni Xena sa amin na mas lalong nagpalala ng mga nangyayari. "F-f**k-" "Prinsipe Leirus, nandito na po ang pamalit ninyo." Bumalik kami sa katinuan nang muling lumapit sa amin si Ellius.  "J-Just go with the flow." Mabilis na bulong ni Haritha. Nang makarating sa harapan ko si Ellius ay puno ng galang niyang iniabot sa akin ang hawak-hawak niyang pamalit. "Ito na po ang damit ninyo, kamahalan." Hindi mabasa ang ekspresyon ko habang inaabot ang damit na dala-dala niya. Fuck... I don't want this. Kaka go with the flow na sinasabi nila ay natagpuan na lamang ang mga sarili naming papunta sa Frencide. We went to my hometown using a portal. Nung una ay ayaw pa nila Ellius na isama sina Zairah sa amin pero wala silang nagawa nang inutos ko ito. Damn, this Leirus sure is a spoiled brat. Nang makarating kami sa bayan ay sobrang laki ng pinagkaiba ng Frencide ngayon sa kasalukuyan.  Unlike in the presen, this city is full of nobles and rich people. Kitang-kita ang mga ipinagkaiba nila sa mga ordinaryong mamamayan. Napupuno sila ng mga porselas sa katawan at mga mamahaling damit. Ibang-iba rin ang mga ayos nila kumpara sa iba. "Nandito na po tayo, kamahalan." Sabay-sabay na sambit ng mga taong nagdala sa amin dito. Nanatiling walang imik ang mga kasama ko na bakas din sa mukha ang pagkabigla sa bumungad sa amin. Pumunta kami sa pinakamalaking kastilyo sa bayan ng Frencide.  Ang lugar kung saan naninirahan sa loob ng ilang siglo ang mga naging pinuno ng bayan. At ang lugar kung saan laging nagtitipon-tipon ang mga myembro ng council. Inilibot ko ang tingin ko sa loob at hindi ko mapigilang manibago. It looks so freaking different! "Oh, Leirus! Nandito na ang anak ko!" Nabigla ako nang salubungin ako ng yakap ng isang babaeng hindi ko kilala. Pasimple kong iniiwas ang mukha ko sa kaniya. She's wearing an old gown and golden necklace are earrings. Nahiya pa ang white lady dahil sa sobrang puti ng mukha niya. A typical noble in the 19th century. "Leirus! Bumalik ka na rin sa wakas!"  Biglaang may sumulpot din na isang matandang lalaki na balbas-sarado. Katulad ng babae ay sinalubong niya rin ako ng yakap. Pilit akong ngumiti sa ginawa nila kahit sobra akong nakakaramdam ng hiya. Nanonood sina Zairah sa akin at alam kong nagpipigil sila ng tawa. "Akala ko ay tatakasan mo ang kaganapan bukas." Natatawang sambit ng matandang lalaki sa akin. Pabiro niya kong siko na kinatawa ko ng pilit. "H-Haha." "Ano ka ba, hindi gagawin ng anak natin iyon. Alam kong nasasabik na rin siya para bukas!" Masiglang sagot ng babae. Tumatawa lang ako sa mga sinasabi nila kahit wala akong naiintindihan. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila. "Oh siya, magpahinga ka na. Mamaya ay darating na rin ang mapapangasawa mo." Inilahad sa akin ng babae ang kamay niya at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Akmang susunod na ako nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi niya.  Unti-unting umawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang napatingin sa babaeng kaharap. "P-Po?" Pinagtaasan niya ako ng kilay na nagtaka sa inasal ko. "Ang mapapangasawa mo. Ang babaeng papakasalan mo bukas." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD