Tana
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Kapwa ko ay namutla rin sa tabi ko si Raze.
Bumigat ang pakiramdam ko at mariin akong napahawak sa damit ko.
M-Malaki rin ang responsibilidad ko kay Raina. A-Afterall, I was the one who brought us here.
Hindi tumagal sa pagkakatutunga si Raze. Pareho kaming nagkatinginan at alam na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa.
"M-Maraming salamat. Kami na ang bahala, paki sabi na lang kina Xena ang sinabi mo sa amin. Maliwanag ba?"
Pinakita ni Raze ang pagiging kalmado kahit bakas sa mukha niya ang sobrang kaba. Naiiyak na tumango ang batang higante na kaharap namin.
Muli kaming nagkatinginan ni Raze at mabilis na tumakbo papunta sa gubat ng Lachan. Hindi kami nag-aksaya ng oras at tumungo kami sa taniman ng malalaking gulay. Ito ang una naming madadaanan bago makapunta sa gubat.
"H-Hindi ko maintindihan, akala ko ba ay tago ang bayan na ito? Paanong may mga witch na makakapunta rito?" Nagtataka kong tanong.
Tinapunan ko si Raze ng tingin habang tumatakbo. Napaismid ito sa sinabi ko habang nagpapatuloy sa pagtakbo.
"I don't f*****g know. Tsk! Sa umpisa pa lang kasi ay bakit lumabas sina Raina ng bayan?!"
Iritado ang lalaking kasama ko sa pagtakbo pero hindi ipagkakaila na bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala.
Nang madaanan namin ang mga malalaking broccoli ay sumalubong sa amin ang ordinaryong gubat. Muli kaming nagkatinginan ni Raze at tumango sa isa't isa.
"Dito ako sa kaliwa, ikaw riyan sa kanan!"
Tumango ako sa sinabi ni Raze bago kami maglayo ng daan.
I went to the right side of the forest while he went on the other side.
Hanga ako sa sarili ko dahil hindi na ako lalampa-lampa katulad ng dati. Tho, I'm still a crybaby.
Kailangan kong mahanap si Raina at ang batang higanteng si Olyn-
"Wala kayong mapapala rito."
Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng boses na pumasok sa isipan ko. Namilog ang mga mata ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.
Mabilis kong inilibot ang tingin ko habang tumatakbo pero wala akong nakikitang ibang tao sa paligid ko.
A-Ang boses na iyon... iyon ang boses ng taong gustong pumigil sa amin na pumunta rito.
Napaismid ako at mariin na napakagat sa ibabang labi. T-That person followed us here.
Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
H-Hindi ko siya hahayaan na gawin ang gusto niya.
I-I'm not the same person I was before.... Isa na akong witch na pinapangarap ko noon.
And it's all thanks to Xena.
That's why we're gonna bring her back.
Malalim akong huminga at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko. Kusang umuusog ang mga puno kaya hindi ko sila pinoproblema.
Pinakiramdaman ko nang maigi ang paligid bago bigkasin ang spell.
"aisthíseis."
Parang bumagal ang takbo ng oras at bumagal ang paggalaw ng mga nasa paligid ko. Sumabay sa paghampas ng hangin ang mga puno at mga d**o.
Tanging ang ingay lamang ng naghahampasang dahon at at pag-agos ng tubig sa ilog ang naririnig ko.
There it is.... I can hear them.
Every single creature that is 100 meters away from me. I can understand what they're saying.
Kahit ibon, isda, o insekto. Naririnig ko sila.... Naiintindihan ko sila.
"Sa timog!"
"May tatlong tao!"
"May dala-dalang higante!"
Agad akong napamulat sa narinig ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid habang mabigat ang paghinga ko.
T-That's it!
I immediately went south. Sinunod ko ang mga sinabi ng mga hayop na nasa paligid ko.
Sana... sana ay makarating ako sa oras. Sana wala pa silang ginagawa kay Olyn.
"grígora." Mahinang bigkas ko.
Tila gumaan ang paa ko at bumilis ako sa pagtakbo. Desidido akong nakatingin sa dinadaanan ko.
Just wait for me.
---
Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagsira ng mga puno at ang pagliparan ng mga ibon sa isang pwesto. Pero ang pinaka-nakaagaw ng pansin ko ay ang batang umiiyak.
"X-Xena! A-Ate Xena! A-Ate Nyssa!"
Nanlumo ako nang makita ang isang batang higanteng nakatali. Pilit itong hinihila ng tatlong witch.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi. T-Those bastards.
"Hey- Ano sa tingin niyo ang ginagawa ninyo?!"
Mabilis kong nakuha ang tingin at atensyon nila. Nang makita ko sa malapitan ang mga witch ay mabilis na nakuha ng mga suot nila ang atensyon ko.
Nobles...
"Anong ginagawa mo rito?! Maghanap ka ng iba mong laruan, babae! Kami ang unang nakakita rito!" Iritadong sagot ng isa sa mga lalaki.
Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi niya at nag-iigting ang bagang ko sa galit.
A-Anong karapatan nilang tratuhing laruan ang mga nilalang na may buhay?!
"Ano pang hinihintay mo, babae? Kailangan mo pa ba ng ginto?"
Nagsitawanan ang mga lalaking kaharap ko sa sinabi ng kasama nila. Pilit kong pinakalma ang sarili ko sa harap nila.
"Paano kayo nakapunta rito? Sino ang nagsabi sa inyo tungkol sa lugar na ito?"
Kumurba lamang ang isang ngisi sa labi ng lalaking kaharap ko. Mayabang itong humakbang papalapit sa akin.
"At ano naman ang pakielam mo?"
Nagtama ang mga tingin namin at hindi pa rin nawawala ang kakairita niyang ngisi.
Napapikit na lamang ako at malalim akong huminga. Narinig ko ang muling pagtawa nila sa ginawa ko na inakalang natakot ako.
That's it...
"se kaleí lýkoi fotiás."
Mabilis silang natigilan sa pagtawa nang nagsalita ako.
Lumabas ang isang tatsulok sa tinatapakan ko at ang mga simbolo. Napaatras ang lalaking kaharap ko nang lumiwanag ang tinatapakan namin.
Pare-parehong naapawang ang mga bibig nila at namilog ang mga mata.
A pack of wolves made of fire appeared in front of us.
Walang pag-aalinlangan itong sumugod sa kanila. Sinubukan pa nilang tumakbo pero wala na silang nagawa nang daganan sila ng mga lobo.
"I-Isa akong dugong bughaw! Alam mo ba ang ginagawa mo?! Saang bayan ka nakatira?!"
Parang batang nagsusumbong sa ina ang lalaking pinakamalapit sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nilapitan ko si Olyn.
"O-Okay ka lang?-"
Hindi na niya nagawang sumagot at agad niya akong niyakap.
My face softened. To be honest, a giant's hug is the warmest hug ever.
"S-Si Raina po, ate Tana." Naiiyak niyang sambit.
Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko at agad akong napatingin sa kaniya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Pinupunasan ni Olyn ang mga luha niya at pilit na nagsalita.
"N-Naglalaro lang po kami kanina nang sinabi niyang may tumatawag sa kaniya mula sa gubat. K-Kaya pumunta kami rito."
Mabilis na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Muli kong tinapunan ng tingin ang lalaking nasa ilalim ng isang lobong umaapoy.
Walang ekspresyon akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa kwelyo.
"Sinasabi ko sa'yo. Hindi na ako katulad nang dati, sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong matusta."
The wolf growled behind me making the guy flinch.
"M-May tao. May taong nagturo sa amin ng pwesto na ito. H-Hindi namin siya kilala-"
Nahihirapang magsalita ang lalaking kaharap ko. Hindi mawala ang tingin niya sa lobo.
"M-May makukuha raw kaming higante rito. P-Pero-"
"Sa kaniya ung bata!"
"Gusto niyang kunin ung bata!"
•••