Raze
Napaawang ang bibig ko nang unti-unti kong masilayan ang malaking tao sa harapan namin.
For pete's sake, I'm too shocked to move and utter a word.
Kapwa ko ay pare-pareho ring natahimik ang mga kasama ko. Ang unang bagay na pumasok sa isip ko ay ang umatake.
Inihanda ko na ang sarili ko para sa spell na bibigkasin ko nang sabay-sabay kaming natigilan sa inakto ng babaeng kasama namin.
"Wah! Galdor! Kumusta na?!" Masiglang bati ni Xena sa higante.
Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya na bakas sa mukha ang pagkabigla.
"P-Patay na ata ako. Kung ano-ano na ang nakikita at naririnig ko." Pilit na natatawang kumento ni Lei.
Isang tawa ang sinagot sa kaniya ni Xena bago humkbang papalapit sa higante.
All of us flinched when the giant moved. All of us, except Haritha.
Kunot noo akong napatingin sa kaniya nang mapansing nanatili siyang kalmado sa aming lahat maliban kay Xena.
"Guys, chill. My lola Esmeralda said that giants are herbivores. They don't eat human." Mahina niyang sambit.
We looked at her, dumbfounded.
Napaawang ang mga bibig namin sa narinig.
"W-Wtf?! Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Giit ni Lei.
Nakahawak siya sa dibdib niya na para bang aatakihin na sa puso. Maski si Zairah ay malalim na napabuntong-hininga habang si Tana at Raina ay namumutla at pinipigilang umiyak.
"Ipinapakilala ko sa inyo, si Galdor. Isa siya sa mamamayan ng Lachan." Nakangiting pagpapakilala ni Xena sa higante.
The huge creature flashed a smile.
Wala silang ipinagkaiba sa mga tao maliban sa laki nila. Ang mga suot nila ay gawa sa mga malalaking dahon at mga kung ano-anong nakasabit sa kanilang mga katawan.
"Ay, nandito na rin pala tayo." Muling sambit ni Xena.
Naglakad ito papunta sa likod ng higante upang tignan ang tanawin. Nagkatinginan kaming magkakasama at tumango bago sundan siya sundan.
Nang makalapit kami sa pwesto ni Xena ay bumungad sa amin ang bayan ng Lachan.
I was stunned. I can't believe that there is a town in the middle of the forest.
Sobrang lawak ng palayan. Nangingibabaw ang mga kulay kahel, pula, at dilaw na palay. May mga nagtatanim na normal na tao habang may mga higanteng kumukuha ng mga malalaking prutas mula sa mga puno.
The people lived in huge mushrooms beside a glowing river.
Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko na para bang nananaginip lang ako. Natauhan na lamang ako nang muling magsalita ang babaeng kasama namin.
"Napakaganda, hindi ba?"
Nakangiti itong nakatingin sa bayan habang nasa tabi ko.
"Isa ito sa mga bayan kung saan tahimik na naninirahan ang mga tao at iba't ibang nilalang."
Natulala akong nakatingin sa kaniya. Tila nanlambot ang puso ko nang nalipat ang tingin sa akin ni Xena.
"Tara!"
Nauna siyang naglakad sa akin at napako ako sa kinatatayuan ko. Tanging pagnood na lamang ang nagawa ko habang pinapanood ko siyang maglakad papalayo.
"Teacher Raze?"
I came to my senses when I felt a little hand held mine.
Napunta ang tingin ko kay Raina na inosenteng nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim bago ako ngumiti.
"Tara na."
I lift her up and put her on my shoulders. Minabuti na rin namin ng mga kasama kong sumunod kay Xena na kasama ang higanteng nangangalang Galdor.
Nang makapunta kami sa bayan ng malapitan ay doon namin nakita mabuti kung gaano kaganda ang paligid.
Little kids are running in the field together with the giants.
Hindi ko lubos maisipan na nagagawa na palang mamuhay ng tahimik ng mga tao at ibang nilalang noon.
"Wah! Si Ate Xena!"
"Si Xena!"
"Nandito si Xena!"
Mabilis naming nakuha ang mga tingin at atensyon ng mga nasa paligid. Specially the kids.
Mabilis silang nagsitakbuhan papunta sa amin, Xena to be exact.
Sinalubong kami ng mga bata na may malalawak na mga ngiti. Pati na rin ang mga batang higante na kasing tangkad naming dalawa ni Lei.
"Wah! Kumusta na kayo!" Masiglang bungad ni Xena.
Parang bumagal ang takbo ng oras nang mapunta ang tingin ko sa babaeng kasama namin.
Her eyes are also smiling while she's lifting one of the kids. Sumasabay sa paghampas ng hangin ang mahaba niyang buhok.
Damn... my heart is beating so fast.
"Eh? Sino po sila?"
Natauhan ako nang malipat ang tingin sa amin ng isang bata. Nasundan ito ng lahat ng tingin nila.
Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Raina nang mapunta sa amin ang mga tingin nila.
My heart skipped a beat when Xena held my right arm and pulled me close to her.
"Kasama ko sila ngayon sa paglalakbay. Mga kaibigan ko sila." Nakangiting pagpapakilala niya sa amin.
Parang kumikislap ang mga mata ng mga bata nang muli kaming tinignan.
"Wah!! Mga witch! Mga mababait na witch!"
Hindi kaagad ako naka-react nang sunod-sunod silang nagsilapitan sa amin.
"W-Wai- Sandali lang." Nahihiyang sambit ni Lei nang sinimulan siyang dumugin ng mga bata.
"Grabe, sobrang inosente nila." Kumento ni Zairah.
Nagpatuloy kami sa pagkikipaglaro sa mga bata hanggang may babaeng lumapit sa amin.
She looks old yet young at the same time. Kapansin-pansin din ang napaka-asul niyang mga mata.
She's wearing a medieval dress and her is braided.
"Mukhang may kasama ka ngayon, Xena."
Namilog ang mga mata ng babaeng kasama namin nang makita ang bagong dating. Kaagad niya itong niyakap.
"Nyssa!"
Nabigla ako nang makitang sobrang saya ni Xena habang yakap-yakap ung babae. Who is she?
"Baka gusto mo akong ipakilala sa mga kasama mo?" Natatawang sambit ng babae.
Mabilis na natauhan si Xena sa sinabi niya at agad siyang kumalas pagkakayakap.
Masigla niyang ipinakilala sa amin ang babaeng katabi niya.
"A-Ah. Ipinapakilala ko sa inyo, si Nyssa. Nyssa D. Apelio."
Mabilis nakuha ng sinabi ni Xena ang mga atensyon namin. Humampas ang malakas na hangin at nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Hindi makapaniwalang humakbang papalapit si Zairah. "K-kung gano'n-"
Tumango si Xena at kinumpirma ang hinala namin.
"Katulad ko, isa ring unang witch si Nyssa."
Pare-pareho kaming napaawang ang mga bibig. Hindi namin inakala na makakakita at makakakilala kami ng isang first witch sa panahon na ito maliban kay Xena.
"Siya ang gumagawa ng potion na kakailangin ko. Kung saan dito lang sa lugar na ito mahahanap ang mga kasangkapan." Muling sambit ng babaeng kasama namin.
Pumasok sa isang malaking mushroom sina Xena. Together with Haritha, Lei, and Zairah.
Naiwan kami nina Tana at Raina sa labas. Nakikipaglaro ang estudyante ko sa ibang bata at higante habang katabi ko si Tana na pinagmamasdan ang mga tanawin.
"Raze." Pagtawag ng babaeng katabi ko.
Yakap-yakap ni Tana ang tuhod niya habang pinaglalaruan ang mga d**o.
"Do you feel sad?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nanatiling na kay Raina ang tingin ko.
"Why? Para saan?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Tana. Katulad ko ay napunta na rin ang tingin niya sa field.
"The woman you love is already in front of you. Yet, you can't hold her, hug her, or even tell her your name."
Tila natigilan ako sa narinig. Nagbago ang ekspresyon ko at nawala ang tingin ko sa tanawin.
Kung alam mo lang... ilang beses ko ng pinipigilan ang sarili ko para wag siyang yakapin.
I really want to tell her I love her... I want her to call my name.
Malalim akong napabuntong-hininga. Nang akmang sasagutin ko na ang tanong ni Tana ay tila natigilan ako.
"Ipaparanas ko sa'yo ang impyerno."
Namilog ang mga mata ko sa narinig. Ang boses na iyon... 'yon ung boses na narinig namin bago kami makapunta rito.
Balak ko na sanang sabihin kay Tana ang narinig ko nang parehong naagaw ang pansin namin. May higanteng bata ang tumatakbo sa pwesto namin at bakas sa mukha ang takot.
"K-Kuya Razen! Si Olyn at Raina! Nakalabas sila ng bayan!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Mabilis akong napatingin sa pwesto kanina ni Raina at namilog ang mga mata ko nang makitang wala na sila rito.
"B-Baka po mahuli sila ng mga masasamang witch!"
•••