10. Lachan

1133 Words
Zairah Napaismid ako habang nag-iintay rito sa labas ng bahay. Matapos ng pagtatalo namin nina Raze kagahapon ay wala rin akong nagawa. Ano pa ba ang magagawa ko kung ganung mukha ni Raze ang sasalubong sa akin? Hinayaan kami ng mag-asawa na manatili sa bahay nila nung gabi at magpahinga. Kinaumagahan ay maaga kaming nag-ayos. Mabuti na lang at maayos na rin ang pakiramdam ni Raina. Kaya heto ako ngayon ay hinihintay ang iba pa naming kasama na mag-ayos. Ngayon magsisimula ang paglalakbay namin kasama si Xena. Naiinis pa rin ako sa makasariling desisyon kahapon ni Raze.  But I know deep inside, I also want to travel with Xena once again. I want to see what kind of journey she had before she met us. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ng bahay sina Xena. "Maraming salamat po!" Pagpapasalamat naming lahat sa mag-asawa bago tuluyang umalis. Hindi pa gaanong maliwanag kaya nakasakay sa balikat ni Lei si Raina na mukhang tulog. Sa kabilang banda ay pasimpleng tumatabi sa paglalakad si Raze kay Xena. Mukha ring inaantok pa si Tana habang may hawak naman na libro si Haritha mula sa panahon na ito. Sinabi niya sa amin na gusto niyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa panahon ng lola Esmeralda niya. "Xena, saan tayo pupunta?" Biglaang pagsalita ni Lei. Naglalakad kami sa gitna ng field. We can't see the surroundings because of the fogs but we can still manage to see our path. "Balak kong kumpletuhin ang mga kakailanganin ko para sa spell na ginagawa ko ngayon." Sagot ni Xena. "Pupunta tayo sa tagong bayan ng Lachan para kunin ang unang kailangan ko." Dagdag niya. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko na kapwa natigilan sa sinabi niya. I've never heard that town before. Kahit ngayong nasa kasalukuyan kami ay hindi ko naririnig ang bayan na iyon. Hindi kaya pinalitan na ang pangalan ng bayan na iyon ngayon? --- Nagpatuloy kami sa paglalakbay. Hindi ko lubos akalain na magagawa ulit naming pumunta ulit sa kung saan-saan ng magkakasama. I suddenly felt nostalgic. While glancing at Xena, it makes me think of what would our lives be like if she's with us in the present. Muli kaming makakapaglakabay ulit. Pero hindi na tulad nung una na kailangan naming ibuwis ang mga buhay namin sa kada bayang mapupuntahan namin. Because we are already free. Gusto kong sabihin kay Xena iyon ngayon. Na wala na siyang ibabahala pa. The creatures that she wants to protect are now safe and can now roam around freely.  Ang mga taong gusto niyang mapabuti ang mga buhay ay hindi na ngayon nahihirapan pa dahil sa mga spells na ginawa niya. And now, she's already the greatest witch of all time- She... was the greatest witch of all time. Nagbago ang ekspresyon ko at napatingin ako sa lupa. Natauhan na lang ako nang may humawak sa kamay ko habang naglalakad kami. Sumalubong sa akin ang mukha ni Lei habang buhat-buhat ang natutulog na bata sa balikat niya. He flashed a teasing smile and he held my hand tighter. Napabuntong-hininga na lamang ako bago kumurba ang labi ko sa isang ngiti.  This idiot never fails to irritate me and make me happy at the same time. --- Nagsimula ng lumitaw ang araw habang naglalakad kami sa gitna ng palayan. Hindi nagtagal ay bumungad sa amin ang isang ordinaryong gubat. "Dito tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Tana. Nilingon kami ni Xena na may ngiti sa labi. "Oo, nandito ang bayan na pupuntahan natin." Nauna siyang maglakad papasok na walang pag-aalinlangang sinundan ni Raze. Kahit naguguluhan ay hindi na kami nagtanong pa at sumunod sa kanila sa loob. "May bayan ba sa gitna ng gubat?" Nagtatakang tanong ni Haritha. Kapwa niya ay gano'n din ang tanong sa isipan ko. Inililibot ko ang tingin ko sa paligid at ordinaryong gubat lamang ito. Kusang umuusog ang mga puno sa dinaraanan namin at walang tamang daan. Paano magkakaroon ng bayan sa ganitong lugar? Maliligaw lang ang ordinaryong tao rito sa loob. Habang patuloy lamang kami sa pagsunod kay Xena ay roon ko napansin na unti-unting nagbabago ang paligid. It's not just an ordinary forest anymore. Dahan-dahang napatingin ang mga mata ko sa inaakala pa naming mga puno. Nang tignan ko ito mabuti ay napaawang ang bibig ko.  Hindi lamang ako ang nakapansin n'on kung hindi pati na rin ang mga kasama ko maliban kay Xena. Sabay-sabay silang napatingin sa mga naglalakihang puno sa dinaraanan namin. It's not a tree anymore... it's a- Huge broccoli? Our eyes widened and our jaw dropped. Maski si Raina na bagong gising ay hindi makapaniwala at namamanghang nakatingin sa napakalaking gulay sa harapan namin. Nakangiting humarap sa amin si Xena. "Malapit na tayo sa Lachan. O ang bayang kilala at tinatawag ding 'green town." Natatawa siya nang makita ang mga reaksyon namin bago magsimulang maglakad ulit.  Kahit nabigla kami at hindi makapaniwala ay agad din kaming sumunod sa kaniya. "Woah! Kuya Lei! Look! Ah huge cabbage!" Namamanghang sambit ni Raina. Itinuro niya ang napakalaking repolyo na madadaanan namin.  Kada gulay na madadaanan namin ay hindi namin mapigilang mapahanga. There are huge lettuce, carrots, spinach, and many more. No wonder why its called green town. For pete's sake it's full of vegetables! "Bakit hindi natin ito alam sa kasalukuyan, Zairah?" Marahang tanong ni Lei. "Ni hindi man lang natin alam ang bayan na tinatawag na Lachan." Dagdag ni Tana. Kapwa silang nakatingin sa paligid namin.  Hindi ko sila nasagot. Hindi ko rin alam kung bakit wala kaming kaalam-alam sa lugar na ito. Malaki ang maitutulong nito sa mga mamamayan.  One freaking cabbage can feed thousands of people. Kaya bakit hindi ito napapakinabangan sa kasalukuyan? "Malapit na tayo." Biglaang sambit ng babaeng sinusundan namin. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pa rin maisip kung ano ang dahilan kung bakit hindi namin alam ang lugar na ito. It's not even written in books. I mean, maganda itong pag-aralan! Paano nila maipapaliwanag itong mga nagsisilakihang gulay na ito na rito lang tumutubo? I really need an answer- Natigilan ako sa pag-iisp nang maramadaman kong gumagalaw ang lupa. Hindi lamang ako ang nakapansin noon kung hindi pati na rin ang mga kasama ko. "A-Ako lang ba, o parang lumilindol?" Kinakabahang sambit ni Tana. Pare-pareho kaming naging alerto at kinabahan. Lumapit kami sa isa't isa habang inililibot ang tingin namin. L-Lumilindol? Palakas nang palakas ang paggalaw ng lupa at nahihirapan na akong ibalanse ang sarili ko.  Hindi nagtagal ay nakita namin ang dahilan nito. Ang rason kung bakit umuuga ang lupa. Parang bumagal ang takbo ng oras at sabay-sabay na umawang ang mga bibig namin.  Mabilis na bumigat ang paghinga ko nang tumama ang tingin ko sa nilalang na nasa harapan ko. No wonder why we didn't knew about this town. It's a freaking town of giants. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD