9. Travel

1431 Words
Raze Patuloy ako sa pagtakbo habang nakasakay sa balikat ko si Raina. "R-Raina, okay ka lang ba?" Bakas sa mukha niya ang kaba habang hinahabol kami ng mga Haynes. Humigpit ang pagkakahawak ng estudyante ko sa akin. "T-Teacher, hinahabol po nila tayo." Napaismid ako bago pilit na sinilip ang mga mukhang aso na humahabol sa amin.  Tsk, bwisit. Mas lalo pa akong nabibwisit dahil nakita kong hila-hila ni Lei si Xena papunta sa ibang direksyon. T-That jerk! That was the second time! Nang makakita akong isang eskenita ay mabilis kong kinuha ang chansa na iyon. Agad akong tumakbo papunta rito. Bago pa makasunod ang mga Haynes ay agad ko silang nilingon. "Toíchos flevón." Ang bungad ng eskenitang pinasukan namin ay sinara ng malalaking ugat. Hindi na kami nahabol pa ng mga Haynes. Hingal na hingal ako habang pinapanood ang mga Haynes na pilit ng sinisira ang mga ugat. Ngunit kahit anong gawin nila ay muli lang itong tumutubo. "Let's go, Raina." Inayos ko ang pagkakaupo ni Raina sa balikat ko bago muling tumakbo. Nagawa naming makalabas sa kabilang eskenita. Sumalubong sa amin ang magulong parte ng bayan. Pakalat-kalat ang mga paso na sinira ng mga Haynes. Sira-sira ang mga paninda at ang mga naiwang mga kagamitan sa labas. "Raze! Raze!" Mabilis na nalipat ang tingin ko sa pamilyar na babaeng tumatawag sa akin. Sumalubong sa akin si Tana na nakasilip sa isang pintuan habang nasa likod niya si Haritha. Alam ko na ang gusto nilang iparating at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis akong pumunta sa pwesto nila bago pa kami makita ng mga Haynes. Bumungad sa akin ang isang ordinaryong bahay na pinagtataguan nina Tana at Haritha. Nandito rin sa loob ang may-ari nito na mukhang tinulungan ang mga kasama ko. "S-Salamat." Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan kaming nakapasok sa loob. "Hintayin muna nating maka-alis ang mga Haynes bago natin puntahan ung iba." Sambit ni Haritha. Tumango ako sa sinabi niya.  Napunta ang atensyon ko sa estudyante kong nakasakay sa akin.  "Raina, okay na-" Akmang ibaba ko na si Raina nang mabilis akong matigilan. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at kusa siyang natumba. Mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Tana na nasa gilid ko. Parang bumagal ang oras at unti-unting namilog ang mga mata ko. Bumalik na lang ako sa katinuan nang makita si Raina na pinagpapawisan at nahihirapang huminga. Mabilis na kumilos si Haritha at nilapitan ang batang babaeng kasama ko. "S-s**t, ang init niya." Kinakabahang sambit niya nang mahawakan si Raina. Hindi ako nakakibo sa narinig. Para bang hindi naproseso ng utak ko ang mga nangyayari.  Tana started panicking. "Plea- P-Pakiusap, maari ba kaming makahingi ng maligamgam na tubig at makahiram ng isang silid?" Tinpunan niya ng tingin ang mag-asawang may-ari ng bahay. Kahit nabigla rin sa sila sa nangyari ay mabilis nila kaming naintindihan at agad silang kumilos. Napako ako sa kintatayuan ko habang balisa at kinakabahang buhat-buhat ni Tana ang estudyante ko. "Hey, idiot Raze! Anong tinatayo-tayo mo riyan?!" Mabilis akong natauhan nang pumitik sa harapan ng mukha ko si Tana. Pinabuhat niya sa akin ang batang babaeng buhat niya. Napalunok ako nang malalim bago mapatingin sa batang hawak-hawak ko. "H-Hey, Raina. H-Hang in there, okay? G-Gamutin ka namin." Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa estudyante kong malalim ang paghinga. Patuloy ang pagtulo ng pawis niya at inaatake siya lagnat. Hindi ko alam ang gagawin ko. O-Okay lang siya kanina. B-Bakit siya biglang nagkaganito? --- Walang ekspresyon akong nakaupo sa loob ng silid. Katabi ko ang kama kung saan nagpapahinga si Raina. "Dulot siguro ng biglaang pagbabago ng nasa paligid niya. Dahil na rin sa stress ay nagkasakit siya. Afterall, she's still just a kid." Sambit ni Haritha habang nakatingin sa batang natutulog. Napakagat ako sa ibabang labi ko at mahigpit na napahawak sa kamao ko.  It's my freaking fault. Hindi dapat nasama rito si Raina. Wala siyang kinalaman sa mga ito. "Hindi na tayo pwedeng magtagal pa rito. We need to find the cave." Kumento ni Tana. Malalim akong huminga. Mabigat ang tensyon sa silid nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang tatlo pang mga kasama namin. Lei looks stupid as usual, Xena gave us an innocent look, and Zairah looks like a freaking demon in hell. Para siyang mangangain ng tao habang ansama ng tingin kay Lei.  B-Bakit? Anong nangyari? "Ano ganap?" Masiglang bungad ni Lei na agad binatukan ni Zairah. Balak ko sanang magtanong nang biglang nagsalita si Xena. Tila nasagot ng sinabi niya ang tanong ko. "Hindi niyo nabanggit sa akin na mga witch pala kayo."  Nagbago ang eksresyon ko pati na rin ng dalawang kasama ko sa loob. Pare-pareho kaming napatingin kay Lei na agad na umiwas sa amin. Mariin akong napapapikit at napaismid. Stupid! "Oo. At gusto sana naming humingi ng tulong sa'yo." Deretsong sagot ng isa sa mga kasama ko. Tila natigilan ako sa narinig. Mabilis na napunta ang mga tingin namin kay Haritha na humakbang papalapit kay Xena. Nagtataka akong pinanood ang ginawa niya. W-What the f**k is she saying? "Kailangan namin ang tulong mo, Xena." "Xena D. Astria." Namilog ang mga mata ko sa narinig. Akmang tatayo na ako para pigilan si Haritha nang makita ko ang ekspresyon ni Zairah. Sinenyasan niya akong tumigil. Kunot noo akong napatingin ulit sa babaeng kasama namin. Bakas sa mukha ni Xena ang pagkabigla na hindi inaasahan ang sinabi ng kasama ko. I mean, Haritha just freaking mentioned her whole name. "Paano mo ako nakilala?" Hinawakan ni Haritha ang dalawang kamay ni Xena at deretsong tumingin sa mga mata nito. "Ako si Ritha D. Aleis. Anak ni Esmeralda D. Aleis." Natuhan ako sa narinig. Doon ko lang naalala na isa pa lang descendant ng first witch si Haritha. Si Xena na mismo ang nagsabi noon na may kahawig siya. R-Right now, Haritha is trying to gain Xena's trust. Xena's eyes slowly widened in disbelief.  Hindi ito makapaniwalang nakatingin sa babaeng kasama namin. "E-Esmeralda? Anak ka ni Esmeralda?" Nang tumango si Haritha ay sinalubong siya ng mahigpit na Xena.  Napaawang ang bibig ko sa nangyari. Tsk. Haritha should've told me her plan. I could've just said that I'm also a relative of a first witch. "T-Tutulungan ko kayo. Ano ba ang magagawa ko?" Lumiwanag ang mga ekspresyon ng mga kasama ko. Lalo na si Lei na ligtas sa pagbubunganga ni Zairah. "Kailangan namin ang tulong mo. Kailangan naming makausap ang unang witch. Ang witch na nagsilbing guro ninyo sa mahika." Sagot ni Haritha. Nagbago ang ekspresyon ni Xena. "Si teacher?" Napayuko ito at malalim na nag-isip.  "Naiintindihan ko. Pero nasa kalagitnaan ako ng paglalakbay ngayon. Hindi ko kayo basta-basta madadala sa kaniya."  Natahimik kami sa sagot niya. Akmang magsasalita si Zairah nang mabilis ko siyang naunahan. "Naiintindihan namin. Kung hindi problema sa'yo, sasamahan ka namin sa paglalakbay mo. Hanggang sa matapos ka at tulungan mo kami." Napaawang ang bibig ni Lei sa sinabi ko. Tana's eyes widened, and Zairah's forehead furrowed. Sa kabilang banda ay lumiwanag ang ekspresyon ni Xena sa sinagot ko. "Ayos lang! Kung hindi problema sa inyo ay sa susunod na dalawang linggo pa ako babalik sa Gretta. Gugustuhin kong makasama kayo sa paglalakbay." Masigla niyang sagot. Muling nalipat ang atensyon at tingin niya kay Haritha. "Kung hindi abala sa'yo, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa mga paglalakbay ni Esmeralda?" Wala sa sariling tumango si Haritha na nabigla rin sa pangyayari. Pareho silang lumabas ni Xena sa silid. Saktong paglabas nila ay naramdaman ko ang pagtama ng palad ni Zairah sa pisngi ko. "f*****g idiot!" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Mabilis isyang pinigilan ni Lei at Tana. "Ano, Raze? Nandito pa tayo para mamasyal?" "Your student is already out of shape! If this continue, we don't know what will happen next!" Napalunok ako nang malalim at hindi ko sila magawang tignan. I know... I did something selfish... again. "Pwede naman nating tanungin si Xena kung paano makapunta roon. Pinadali na nga ni Haritha ang trabaho natin. Ano pang gusto mong gawin?!" Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tila natigilan si Zairah nang makitang wala akong ekspresyong humarap sa kanila. "Walang kasiguraduhan na maibabalik natin si Xena kapag nakita natin ang teacher niya, Zairah." Tumahimik ang silid. Zairah's face softened, Lei's expression changed, and Tana looks like she's about to cry. Pilit akong ngumiti sa harapan nila. "Hindi tayo sigurado kung makikita pa ba natin siya. Pumunta lang tayo rito para sumubok... sumubok na humingi ng tulong." "Kaya please..." "Just one more time... one last time... I want to travel with her once again." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD