Zairah
Nagsimula kaming magtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Hindi maipinta ang mukha ko nang makitang natatarantang tumakbo si Lei sa ibang direksyon- hila-hila si Xena.
Napasinghap na lamang ako sa katangahan niya sa buhay.
Am I really going to marry that guy?
Sa kabilang banda ay sa parehong direksyon tumakbo sina Tana at Haritha. Habang si Raze naman ay sa kabila rin tumakbo buhat-buhat ang estudyante niyang nakasakay sa balikat niya.
Nagsimula ng magsira ng mga gamit ang mga Haynes sa bayan.
They're really looks like Hyenas but they behave like wild dogs. Destroying everything they see and eating different kinds of food they smell.
May nakita akong Haynes na papunta sa pwesto ko. Tulo nang tulo ang mga laway niya at may nakasabit pa sa kaniyang medyas.
His color is red and he has yellow stripes in his body.
Napaismid na lamang ako nang magtama ang mga tingin namin at mukha siyang nakakita ng laruan.
Bago ito tumakbo papunta sa akin ay mabilis akong kumilos.
"sýnnefa."
Clouds started to form in front of me. Hindi na naituloy ng Haynes ang paglapit sa akin dahil sa biglaang pagsulpot ng mga ulap.
Kinuha ko ang chansang iyon para tumabo sa kabilang direksyon. Hangga't maari ay ayokong gumawa ng spell na masyadong kapansin-pansin.
Inililibot ko ang tingin ko habang tumatakbo hanggang may nakakuha ng pansin ko.
"Wala kayong mapapala rito."
Mabilis akong natigilan sa paglalakad. Inilibot ko ang tingin ko nang may narinig akong nagsalita.
Ang boses na iyon... siya ang taong pumigil sa amin na pumunta rito.
Naramdaman kong nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan at bumigat ang paghinga ko. Habang inililibot ko ang tingin ko sa paligid ay napako ang tingin ko sa isang pigura sa hindi kalayuang gubat.
That person is wearing a cloak. Nakasuot ang hood niya at hindi ko magawang makita ang kaniyang mukha.
Fear suddenly crossed my face.
Anong ginagawa niya rito?
Paano niya kami nasundan? Sino ba siya?
Humampas ang malakas na hangin at kasabay nito ay ang biglaang pagkawala niya sa paningin ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko siya pwedeng hayaang gawin ang mga gusto niya.
Kailangan kong malaman kung sino siya at kung ano ang pakay niya sa amin.
Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad akong pumunta sa gubat. Tho, I'm not sure what kind of forest is this.
Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mahabol ang taong sumusunod sa amin.
"You're too naive."
Naririnig ko ang boses niya habang tumatakbo ako. Dumederetso kaagad sa utak ko ang mga salitang gusto niyang sabihin.
P-Paano niya nagagawa iyon?
Hindi nagtagal ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong pumasok sa loob ng gubat. Kusang umuusog at tumatabi ang mga puno sa dinaraanan ko.
Ganito ang mga puno sa mga gubat. Kaya madali kang maliligaw dahil walang tamang daanan dito. Kusa mismong umuusog ang mga puno sa daraanan mo.
Inililibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin siya pero wala na akong makitang bakas niya.
"Hindi pa rin kayo nagbabago. Wala pa rin kayong mga alam."
Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Nanatili akong naglilibot sa gubat.
"Who are you?! Show yourself!"
Kahit hindi ko siya nakikita ay malinaw kong naririnig ang mga sinasabi niya.
"Naive... too naive..."
Muli sana akong magsasalita nang matigilan ako sa biglaang paggalaw ng lupa. Doon sumalubong sa akin ang malaking batong unti-unting tumatayo.
A-A grock.
Hindi kaagad ako nakagalaw sa pwesto ko dahil sa pagkabigla.
"Hindi kayo nagbago.... Gano'n pa rin kayo. Mga mahihina."
Napaismid ako sa narinig. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Tinapunan ko ang malaking bato na may buhay. Alam ko na ang mangyayari nang magtama ang mga tingin namin.
Bumwelo ito at akmang dudurugin ako gamit ang malaki niyang kamay ngunit mabilis akong nakaiwas.
Hindi ito tulad ng nasa kasalukuyan na tuluyan ng naging maayos ang pagsasamahan ng mga tao at ibang nilalang.
In this timeline, there is no Grimoire of Astria.
Kalaban pa rin ang tingin sa amin ng mga nilalang at pakalat-kalat pa rin sila.
"Ignorant."
Mariin akong napakagat sa ngipin ko sa sinabi ng taong hinahanap ko.
Habang umiiwas sa mga atake ng grock ay inililibot ko pa rin ang tingin ko upang hanapin siya.
Muli akong napaismid nang makitang malapit ng makapunta sa akin ang grock. Tsk, bwisit.
"mikrés fléves." Bigkas ko.
Lumabas ang malilit na ugat sa paahan ng grock dahilan ng paghinto niya sa paggalaw.
Sumabay ang paghampas ng malakas na hangin nang hindi ako nagdalawang isip na sumugod sa grock.
Hindi ito katulad ng kasalukuyan. Hindi ko pwedeng hayaang makatakas ang taong sinusundan ko.
Kaya hindi ko hahayaang sumagabal itong walang kwentang nilalang na nasa harapan ko.
"véli-"
Hindi ko tuluyang naituloy ang spell na bibigkasin nang biglang sumagi sa isipan ko ang mukha ni Xena.
Kusa akong natigilan sa pagsugod.
Tila naalala ko ang itsura ng babaeng matagal na naming gustong makasama ulit.
Ang paniniwala niya... ang gusto niyang ipaglaban.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang matauhan ako.
I'm really freaking stupid.
Muli kong tinapunan ng tingin ang nasa harap ko na grock. Kalmado kong hinawakan ang batong balak kong sirain kanina.
They are not just creatures... they have a life.
"I'm sorry, I didn't mean to hurt you."
Nabigla ako nang huminto sa pagpiglas ang grock na para bang naiintindihan ako. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti.
"Go back to sleep. kalón ýpno."
Dahan-dahang napapikit ang nahiga ang malaking bato. Muli itong mahimbing na nakatulog dahil sa spell na ginawa ko.
Muntik ko ng makalimutan kung ano nga pala ang pinunta namin dito. Paano ko magagawang makaharap ulit kay Xena kung ang simpleng pagprotekta lang sa mga nilalang na gusto niya ay hindi ko magawa?
"Naive... ignorant."
Natauhan ako sa narinig ko. Napatingin ako sa paligid ko upang hanapin siya pero hindi ko na siya magawang makita pa.
"Who are you?" Walang ekspresyon kong tanong.
Umalingawngaw ang isang tawa sa gubat.
"You'll know it soon."
"Good luck on your journey.... If you can finish it."
Nagsihampasan ang mga puno sa gubat dahil sa hangin. Kasunod n'on ay ang pagtahimik ng paligid.
Wala na siya...
Nanatili akong nakatingin sa kawalan habang humihigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
No matter who that person is, I will not let anyone stand in our way.
We will bring Xena back.
We will bring the greatest witch of all time back.
•••