Lei
Naapawang ang bibig ko nang makita ang ilang dosenang Haynes papunta sa bayan.
Even though they look like Hyenas, they have different colors and patterns in their bodies.
Dulot nang pagkain nila ng kung ano-ano at ang pagsira nila ng mga bagay-bagay. Kadalasan silang ginagawang praktisan ng mga baguhang witch dahil mga peste ang tingin sa kanila.
Tho, they're already extinct in the present. Hindi ko pa rin inaasahan na makakita ako ng totoo na noong nababasa ko lang sa mga libro.
"Shit..."
Agad kong hinawakan ang kamay ng babaeng kasama ko.
"T-Takbo!" Malakas kong sambit.
Nagsimula na kaming magsitakbuhan sa iba't ibang direksyon. Rinig na rinig namin ang mga nakakairitang boses ng mga Hyenas na nagsimula ng makapasok sa bayan.
Lahat ng nadadaanan nilang mga gamit ay walang pag-aalinlangan nilang pinagsisira.
"Wag ka mag-alala Zairah-"
Nilingon ko ang babaeng hila-hila ko sa pagtakbo. Napaawang na lamang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Xena.
Hindi kaagad siya nakapag-react sa biglaang paghila ko sa kaniya. "E-Eh?"
Mabilis kong binitawan ang kamay niya at mariing napapikit nang matauhan ako. "S-Shi- P-Pasensya na."
Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang pagkairita.
Bwisit! Bakit ba laging nangyayari ito?!
"Lei, hindi ba?"
Napalingon ako sa babaeng nakasunod sa akin nang tinawag niya ako.
Napabuntong-hininga na lamang ako bago kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Xena, is still Xena anyways.
"Tara na!" Masiglang sambit ko sa kaniya.
---
Nagpatuloy kaming tumakbo ni Xena hanggang sa may humarang sa aming isang Haynes. May subo-subo itong damit at mukhang asong ulol.
His color is blue and there are pink spots all over his body. My face scrunched while looking at him.
Ampanget ng combination ng kulay niya.
Humarap ito sa akin habang nginunguya ang damit. Maliban sa kulay nila ay kamukhang-kamukha talaga nila ang mga hyena. Mukhang inaasar niya tuloy ako.
Nakipagtitigan lang ito sa akin na kinanuot ng noo ko.
Just like me, he also crossed his eyebrows.
I crinkled my nose and so is the Haynes in front of me.
"Ginagaya ka niya, Lei." Kumento ni Xena.
Lumabas ang dila ng Haynes na mas lalo kong kinairita.
"Hoy! Sasapakin kita!"
Naglabas ito ng nakakairitang tunog na para bang tinatawanan ako.
A-Aba. Sinusubukan mo ko ha.
"louloúdi." Bigkas ko.
Natigilan sa pagtawa ang Haynes nang lumabas ang bulaklak sa butas ng ilong niya.
Hindi ko mapigilang matawa sa ginawa ko.
Pero sa totoo lang hindi ko alam kung matatawa ba ako o maawa sa sarili ko.
Hanggang ngayon... hindi lang ako pumapatol sa bata, pati na rin sa hayop.
But still, ako ang nanalo sa aming dalawa.
Tawa lang ako nang tawa nang malipat ang tingin ko sa kasama ko.
Naglaho ang ngiti ko sa labi nang matauhan ako habang nakatingin sa akin si Xena.
"Witch ka?" Inosenteng tanong niya.
Mabilis akong napatingin sa paligid at iniiwasang magtama ang mga tingin namin.
"A-Ah... eh.... Oo?"
Napakamot ako sa ulo at pilit na tumawa sa harapan niya.
Bago muling magsalita ni Xena ay parehong napunta ang atensyon namin sa mga Haynes na nag-aaway at malapit ng mapunta sa amin.
"Kuya! Kuya!"
Mabilis na napunta ang tingin ko sa dalawang bata na tumatawag sa akin. Pareho silang nakasilip sa bintana at tinatawag ako.
Hindi ako nagdalawang isip pa at hinatak ang kamay ng kasama ko.
"Tara!"
Pinapasok kami ng dalawang bata sa bahay nila. Hingal na hingal ako nang makapasok sa loob.
Thank God at wala ng mga Haynes sa panahon namin.
"Kuya ako nga pala si Julio, at ito si Julie. Ang galing mo kuya! Ang galing mong gumamit ng mahika!" Bungad sa akin ng batang lalaki.
Kapwa niya ay parang kumikislap din ang mga mata ng batang babaeng kasama niya.
Pilit akong tumawa. "S-Salamat."
Pasimple akong sumulyap kay Xena na hiningal din sa pagtakbo namin.
N-Nakita niya akong gumamit ng mahika. Yari ako kay Zairah. Wala siyang sinabi sa amin nina Raze na pwede naming ipaalam kay Xena na mga witch kami.
P-Pero wala naman sigurong masama, hindi ba?
Hehe. Tama, tama. May mga gumagamit naman na ng mga mahika sa panahon ngayon.
Kaso... mga basic spells lamang ang mga alam nila.
Sa taon ngayon ay imposibleng makagawa ng isang Rank A spell man lang ang isang normal na witch.
F-Fuck... ano bang rank ang ginamit kong spell?
Nawala ang pag-iisip ko nang mapansin kong tanging ung dalawang bata lang ang nandito sa loob.
Nagtataka akong napatingin sa paligid at walang matanda man lang silang kasama.
"E-Eh? Nasaan ang mga magulang ninyo? Pwede niyo ba kami papasukin dito?" Marahang tanong ko.
Kapwa ko ay natauhan din si Xena at inilibot niya rin ang tingin niya sa paligid.
"A-Ah, nasa bayan po ng Gestia si ama. Doon po siya nagtatrabaho at tuwing huling araw lang po siya ng linggo bumabalik dito." Nakangiting sagot sa akin ni Julie.
"Kuya! Kuya! Pakitaan mo po kami ng mahika!" Pagsingit ni Julio.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at lumapit sa kanila.
If I was the ruler before, I'll make sure that anyone can use the portal just like in the present time.
Nang sa gano'n ay hindi na kailangan pang mawalay ng matagal ang mga bata sa mga magulang nila.
"Kuya! Alam mo ba-"
"K-Kuya-"
Hindi naituloy ni Julio ang sasabihin niya nang biglang sumungit ang kapatid niyang babae. Parang nakakita ito ng multo at paiyak na.
"N-Naiwan ko sa labas si Marie."
Kumunot ang noo ko at mabilis na napunta ang tingin sa bintana. "Maria?"
Mabilis na pinatahan ni Julio si Julie. "Sabi ko naman sa'yo na kunin mo na ang mga gamit mo sa labas. Wala na tayong magagawa para kay Marie."
Nagsimulang umiyak ang batang babaeng kaharap ko. Bakas din ang lungkot sa mukha ni Julio bago ako tapunan ng tingin.
"Isang manika po si Marie. Ang nag-iisang regalo sa kaniya ni ina bago siya pumanaw."
Bumigat ang pakiramdam ko at nagbago ang ekspresyon ko sa narinig.
Tsk, how can I let those Haynes destroy her doll now that I know how precious it is to her?
Napakagat ako sa ibabang labi ko at akmang papunta na ako sa pinto nang matigilan ako.
Nakabukas na ang pinto at wala na si Xena sa loob.
W-Wtf-
Agad akong sumunod sa kaniya. Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang mga sira-sirang paso, mga nakakalat na bagay at mga damit.
Parang dinaanan ng bagyo ang bayan na ito.
Pero sa lahat ng bagay na nakikita ko ay napako ang tingin ko sa isang babaeng may hinihimas na Haynes na para bang isa itong maamong aso.
And at her right hand, there is a doll.
Napabuntong-hininga na lamang ako bago kumurba ang labi ko sa isang ngiti.
Just like what I've said,
Xena, is still Xena.
She's still the greatest witch of all time. And ofcourse, she has a soft and kind heart.
•••