Kabanata 1
“Miss Emery! Nandito na ho ang Email na ipinadala sainyo. Pasensya na at ngayon ko lang naipakita sa inyo.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Empress. Pumasok ako sa opisina ko at pabagsak na naupo sa upuan ko. Ang aga aga, pagod agad ako.
“Miss Emery . . .” nag aalalang bulong nya kaya tumingin ako sakanya at bumuntong hininga. Napayuko naman sya at dahan dahang ibinaba sa desk ko ang hawak nyang laptop. “Pasensya na ho talaga. Nawala sa isip ko kagabi dahil marami akong ginagawa.”
Tumango ako at pumikit ulet “Ayos lang, Empress. Iwan mo na yan d'yan at kunin mo nalang yung sobre sa department ni Sir Dan.”
“Magbabasa na agad kayo?” gulat na tanong nya pero hindi ako nagmulat at sa halip ay simple lang akong tumango “Pero may meeting po kayo sa office ni Sir Zeus.”
Pabagsak akong huminga. May meeting na naman? Kahapon ay nag meeting na kami, tapos ngayon mayroon na naman?
“Ahh . . . sige ho Miss Emery. Sasabihin ko nalang ho kay Sir na busy po kayo ngayon.” saad nya at naramdaman ko na ang paglabas nya sa opisina ko.
Bumuntong hininga ako at binuksan ang mga mata ko. Ilang segundo akong tumitig sa kisame bago ako humarap sa laptop at binasa ang Email na naroon.
“Shannon Herera, 34 years old, Married.” basa ko sa unang detalye na nakita ko sa itaas ng Email.
Huminga ako ng malalim saka kinuha ang cellphone ko at sinave sa phonebook ko ang number na kalakip ng Email saka tinawagan ang bida ngayong araw.
“Hello,” bungad ko at narinig ko naman ang pagsinghap ng tao sa kabilang linya.
“Is that you Miss Emery?” tanong nya at kahit hindi nya ako nakikita ay agad akong tumango.
“Ako nga ito. Kumusta naman ang pakiramdam mo? Ilang minuto nalang ay isasabak ko na sa radio ang kwento mo.”
“Honestly I'm nervous . . .”
Huminga ako ng malalim “Natural lang na kabahan ka Shannon. Buhay mo ang mapapakinggan ng mga taga-pakinig ko.” saad ko, the-matter-of-fact. “Pero pwede kang umatras kung gusto mo. Marami naman akong pwedeng ipalit ngayon, pwede kang sumabak kapag ready ka na talaga.”
“No. I'm ready. I'm just nervous . . . a little bit.”
Napangiwi ako at handa na sana syang sagutin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Empress.
“Narito na po ang liham Miss Emery. Hinihintay na po kayo sa radio room.” saad nito at inilapag sa mesa ko ang sobre.
Tumango ako “Nakuha ko na ang approval mo, wala na itong atrasan. Kailangan ko nang ibaba ito. Bye.”
Binaba ko ang telepono at tumayo sa inuupuan ko saka dinampot ang sobre na pinadala ni Shannon Herera.
Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa office ko at dumeretso sa elevator. Nakasunod lang sakin si Empress at panay ang pagsasalita nya pero hindi ko sya pinapakinggan.
Hanggang sa bumukas ang elevator ay panay parin ang pagsasalita nya pero buntong hininga at tango lang ang sagot ko. Naglakad ako palapit sa pintuan ng radio room saka pinihit ito para buksan.
“They're waiting for you. Come to my office when you're done.” agad na bungad sakin ni Sir Zeus at lumabas ng room.
Tumango ako kahit hindi nya na iyon nakita saka dumeretso sa loob. Nadatnan ko doon si Lia at Vanz na inaayos ang mga gagamitin ko.
“Maayos naman ang mga kagamitan. Pwede ka nang magsimula Miss Emery.” saad ni Vanz kaya tumango ako saka pumasok sa maliit na kwarto.
Puro salamin ang panig nito kaya kita ko sila mula sa loob, kita naman nila ako mula sa labas. Katunayan, ang lugar na'to ay kadalasang ginagamit ng mga singer. Dito sila nag re-record ng kanta nila.
“Mic test,” saad ko at tumingin sa labas, ngumiti sakin si Lia at sumenyas na okay lang ang boses ko.
Tumango ako saka binuksan ang sobre. Inilahad ko ang liham at bumuntong hininga muna ako bago ko ito sinimulang basahin.
“Dear Emery, I'm one of your number one fan. My name is Shannon but you can call me Shan. I'm 34 years old and living in Chicago United States. I'm just 25 years old when I met him, Primo.” tumigil ako at sinimulang paganahin ang imahinasyon ko.
°°°
Shannon's POV:
“Shannon! Aba! Bata ka hindi ka na ba gigising d'yan ah?! Akala ko ba ay may trabaho ka?! Punyeta kanina pa tumatawag ang mga kasamahan mo sa firm! Yung mga pending cases mo raw ay hindi mo pa natatapos!”
Agad akong nagmulat dahil sa sunod sunod na sigaw ni mama. Kahit ayoko pang magising ay magigising ka talaga sa boses nya. Nakakarindi!
Dahan dahan akong umupo sa kama ko at kinusot ang magkabila kong mata. Alas kuwatro na ng umaga na ako nakauwi dahil sa dami ng pinagawa nila, tapos ngayon ay mayroon na naman?
“Bumangon ka na dyan at maligo! Ang kaibigan mong si Daisy ay naghihintay na sayo sa labas!” huling sigaw nito mula sa labas ng pinto at natahimik na.
Bumuntong hininga ako saka tinatamad na tumayo. Tumingin ako sa wall clock at napaungol nalang ako nang makita kong alas sais palang ng umaga. Dalawang oras lang ang naging tulog ko!
Palibhasa hindi alam ni mama na 4 am na ako nakauwi kaya ang alam nya ay tamad ako!
“Goodmorning Eun Woo! Natulog lang ako, mas naging gwapo ka na!” saad ko at parang tanga na hinalikan ang litrato ni Cha Eun Woo na nakadikit sa pader ng banyo ko.
Oo sa banyo ko! Ang swerte swerte nga nya eh! Nakikita nya ang gorgeous and hot body ko!
“Makaligo na nga.”
Mabilis lang akong naligo dahil tinatamad ako. Tsaka malamig din ang tubig! Sino ba naman ang hindi matatakot sa malamig na tubig?
Kasalanan na nila kung maamoy nila ang hininga ko! Ang aga aga kasi ng trabaho eh. Usually 9 am talaga ang pasukan, pero dahil sa dami ng pending cases ay naging maaga ang pasok namin sa firm.
“Uy beh buti natapos ka pa? Kanina pa ako naghihintay sayo eh.” agad na bungad ni Daisy nang makalabas ako sa sala namin.
Umupo ako sa sofa “Dalawang oras lang ang tulog ko Daisy! Gusto ko ngang mag take ng leave, e. Kaso maraming pending cases kaya hindi ako pwedeng umabsent.”
“Balita ko nga may panibagong murder case sa Clark, e. Lahat daw ng biktima mga bata. Kinukuha ang mga kidney nila para ibenta sa mas mataas na halaga.” buntong hininga na saad nya saka sumimsim ng kape “Ang mga kidnappers na yan talaga! Mga salot sa lipunan! Dapat talaga mahuli na sila. Tatlong bata na ang namatay dahil sakanila.”
Totoong nanggagalaiti ako sa mga ganoong tao! Kung mayroon lang akong magagawa para mahuli sila ng mas mabilis ay ginawa ko na. Napakaraming pamilya na ang sinira nila.
“Dumagdag pa ang mga pusher ng drugs. Dumadagdag pa sila sa trabaho. Bakit kasi hindi nalang sila maubos?” gigil na saad ko at hinilamos ang sarili kong muka.
Halos wala na kaming kain at tulog dahil sa magkakasunod na kaso sa buong syudad. Hindi lang syudad kundi pati narin sa karatig na bayan. Lahat may kaso ng murder at kung hindi naman ay ang mga kidnappers ang problema namin.
“Namomroblema narin ako, Shannon. Ang gusto ng head namin ay palitan ang balita tungkol sa firm nyo. Kesyo meron daw dayaan na nangyayari kasi hanggang ngayon hindi pa tapos ang case tungkol kay Mr. Emerson.” saad nya at sumakay sa sasakyan nya.
Pumasok ako sa shot gun seat saka isinuot ang seatbelt ko. Nakalimutan kong magpaalam kay mama! Pero nang dahil sa kwento ni Daisy ay tuluyang nalunod ang isip ko.
“Hindi ko alam pero parang gusto ko ng magresign sa pagiging reporter ko. Sakit sa ulo ang head namin. Puro pera ang laman ng isip nya.”
“Kailangan mong masanay, Daisy. Sa firm din namin ay minsan ganyan ang nangyayari. Kapag wala kaming makitang way para lusutan ang kaso, pera nalang ang hinahayaan naming kumontrol sa lahat.” saad ko. Hindi iyon totoo pero yon lang ang nakikita kong paraan para patigilin sya sa pag iisip nya.
“Kung sabagay, pera lang naman ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Pera nalang talaga ang kumukontrol sa lahat. Nakakalungkot.”
Bumuntong hininga ako at hindi na sumagot pa. Bilang isang attorney, feeling ko pasan ko ang lahat.
Karamihan sa mga kliyente ko ay hipokrito at hipokrita. Nagbabalat kayo silang lahat para pagtakpan ang mga sarili nilang kasalanan. Madalas ang tingin nila samin ay mukang pera. Yung tipong sasampalin ka lang nila ng sampung libo, aakalain na nila ipaglalaban mo sila sa korte.
I mean, oo, karamihan sa mga lawyer na katulad ko ay sumusunod dahil sa pera. Pero iba ako. Kahit sampalin pa nila ako ng bahay at lupa, kahit minsan ay nasisilaw din ako sa pera, never kong pinaglaban ang mga taong nagbabalat kayo.
“Good morning attorney Herera.” bati sakin ni Kylie.
“Good morning,” ngiti ko at dumeretso sa desk ko.
Napabuntong hininga ako nang madatnan ko ang isang tambak ng mga papeles. Mukang aabutan ulet ako ng madaling araw.
“Pasensya na talaga attorney. Kailangan talaga nating mag doble kayod ngayon. Dumadami na ang murder case sa Clark at Mexico.” saad ni Kylie at nahihiyang ipinatong sa mesa ko ang panibagong pending cases.
Pilit akong ngumiti at tumango “It's okay, Kylie. Uunahin ko muna ang mga minor cases.”
“Don't worry attorney. Kapag maaga akong natapos ay tutulungan kita. Isabay ko nalang ang iba sa taas kung may ipapapirma ka kay prosecutor Gonzales.” ani nya at tumango nalang ako saka sinimulan ko nang basahin ang pinakaunang case na nakita ko.
Tungkol ito sa tangkang pagpatay ni Mr. Emerson sa asawa nya na si Mrs. Emerson. Hindi pa malinaw ang tunay na dahilan kung bakit ito nagawa ni Mr. Emerson at wala rin kaming sapat na ebidensya para patunayan na tinangka nga talaga nya na patayin ang sariling asawa nya.
Pumunta lang sa pulisya ang isa sa mga maids nila saka isinumbong si Mr. Emerson. Sinabi nya na may away daw na naganap sa bahay at pinapatukan daw nya ng baril ang asawa sa mismong dibdib nito, pero noong nagpunta ang mga pulis ay nakita nila na buhay na buhay ang ginang at masaya pa ito sa hardin nila habang nagbuburda.
“Kaya hindi madali na sampahan sya ng kaso . . .” bulong ko at isinarado ang folder “Kaya madali din para sa iba na sabihin na nandadaya kami, na kinakampihan namin ang masama dahil hanggang ngayon ay malaya parin sya.”
Para na akong baliw habang kausap ang sarili ko. Well, talagang baliw na ata talaga ako. Mag iisang taon palang ako sa law firm na'to pero parang sampung taon na akong walang pahinga at parang gusto ko munang mag leave para makapagpahinga.
“Close na ang kaso.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Charles.
“What are you saying? Kasalukuyan ko palang pinag aaralan ang kaso niya.”
“Look, Shannon. Si Mrs. Emerson na mismo ang nagsabi na walang nangyaring away sa pagitan nila ng asawa nya. At ang kasambahay na nagpunta sa pulisya ay may galit sa asawa nya.”
Napaisip ako sa sinabi nya. Bilang isang abogado na sanay na sa mga kaso. Masasabi ko na posibleng mangyari ang bagay nayon. Posibleng galit lang sya sa mag asawa kaya nya nagawa yon. Posibleng gusto nya lang magkagulo ang lahat kaya nya sinabi sa pulisya na pinaputukan ni Mr. Emerson ang asawa nya gayong wala naman itong sugat at malusog na malusog ito.
Bumuntong hininga ako “But she didn't even visit here. Sana sinabi nya man lang na may balak syang i-close ang kaso.”
“Pupunta sya mamaya dito. Busy lang talaga sya ngayon.” saad nito saka tumayo “See you later Shannon. Mauna na ako sayo.”
“Bye Charles.”
Nang makalabas sya sa office ay bumaba ang tingin ko sa folder. Huminga ako ng malalim saka binuksan iyon.
Maaring tama si Charles. Isa syang magaling na defense lawyer kaya alam ko na tama sya sa hinala nya. Planado ang lahat ng ito. Paghihiganti ang hangad ng kasambahay kung bakit nya nagawang magsumbong sa pulisya at sabihing pinagtangkaan ng amo nya ang sarili nyang asawa.
“Hayyy lunch na. Kain muna ako.” saad ko sa sarili ko at tumayo.
Tumingin ako sa buong silid at tumama ang mata ko sa desk ni Kylie. Wala sya sa pwesto nya at alam kong nasa ibang departamento na naman sya. Marami din syang ginagawa kaya hindi ko sya masisisi kung madalas nakakalimutan nyang kumain.
Huminga ako ng malalim saka lumabas ng room. Naroon naman si Fidel para bantayan ang mga papeles. At kung bibilisan ko ang pagkain ay makakabalik ako agad sa office at si Fidel naman ang hahayaan kong kumain.
Pagdating ko sa canteen ay medyo maraming tao. Mayroong mga abogado at mayroon din namang mga prosecutors. Madalas nasa korte lang ang prosecution pero dahil mayroon silang mga kaibigan dito ay dito na sila kumakain kahit sa konting oras lang.
“Attorney! Dito ka!” nabigla ako nang marinig ko ang boses ni Kylie.
Nakaupo sya sa mahabang mesa at kaharap nya ang mga kasamahan namin. Ngumiti ako sakanya saka lumapit.
“Hi attorney.” bati sakin ng iba pero nginitian ko lang sila saka ako humarap kay Kylie.
“Kanina ka pa ba dito? Hindi pa kasi kumakain si Fidel, walang magbabantay sa office.” nahihiyang tanong ko at sinulyapan ang pagkain nya na halos hindi pa nagagalaw.
“Ano ka ba Shannon? Kanina pa kumain si Fidel. Sa totoo nga ay sya ang nagtulak sakin dito para kumain.” nakangiting ani ya, tila kinikilig.
Amoy something. Siguradong may gusto ang isang'to kay Fidel. Gwapo kasi ang lalaki at mabait pa kaya hindi na nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sakanya.
“Oh sya attorney! Ako na ang mag oorder para sayo.” sabi ng isa sa mga kasamahan namin dahilan para mapatingin ako sakanya.
Agad akong umiling “Wag na Miguel. Okay lang ako. Ako na ang pipila—.”
“Okay lang attorney. Ioorder ko rin kasi ng lunch si prosecutor Marcos.” saad nito at umalis na.
Alam na alam na nila kung ano ang gusto kong kinakain tuwing lunch kaya hindi na nila kailangan pang magtanong sakin.
Huminga ako ng malalim saka umupo sa tabi ni Kylie.
“Bakit hindi pa bumababa si prosecutor? Sa office ba sya kakain?” dinig kong tanong ni Berly dahilan para mapatingin ako sakanya.
“Ang sabi ni attorney Castilla ay dito sila kakain. Marami lang siguro silang ginagawa.” saad naman ni Bianca.
Kumunot ang noo ko.
Sino bang pinaguusapan nila? Bakit parang hindi pamilyar ang mga taong pinag uusapan nila ngayon?
“Kylie, sinong prosecu—?”
“Oh nandito na agad kayo?”
Naputol ang balak kong pagtanong kay Kylie nang may biglang magsalita at umupo sa harapan namin.
Ang gwapo . . .
Napamaang ako pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. Ngayon ko lang sya nakita dito pero base sa mga tingin ng mga kasama ko ay parang kilalang kilala na nila kung sino ang lalaking ito.
“Kanina pa kami naghihintay dito attorney. Marami siguro kayong ginagawa kaya medyo natagalan kayo sa office nyo.” agad na puna ni Miguel sa lalaki at inilapag sa harapan ko ang lunch na binili nya para sakin.
Tumango ang attorney saka tinignan ang pagkain na nasa harapan nya. Tila gutom na sya.
“Sa katunayan ay may panibagong pending cases ulet na nakatambak lang sa desk ko,” sagot nya at kumuha ng kutsara saka tinikman ang sabaw ng kare kare “Mabuti nalang at naroon si Primo para tulungan ako.” tumingin sya kay Miguel at ngumiti “Masarap pala talaga ang luto nila dito.”
Bumara si Berly “Pwede pala yon? Prosecutor sya hindi ba?”
Napatingin sakanya ang attorney at tumango “Dati syang prosecutor na naging attorney, dati rin syang attorney na bumalik ulet sa pagiging prosecutor.” tumigil sya at ngumiti “Inshort, sa korte lang talaga umiikot ang buhay ni Primo.”
Primo, Primo, Primo.
Sino si Primo?
Tumingin ako kay Kylie na ngayon ay tutok sa pagkain. Kinalabit ko sya ng isang beses pero tinignan nya lang ako at bumalik ulet sa pagkain nya.
Sinubukan kong kalabitin ulet sya pero natigil ako nang may biglang padabog na umupo sa harapan namin, sa tabi ni attorney Castilla at bigla nalang itong kumain na tila ba gutom na gutom ito.
Napamaang ako at hindi malaman kung ano ang dapat sabihin. Medyo nabastusan ako sa ginawa nya pero wala din naman akong lakas para suwayin sya, kung sino man sya.
“That bastard!” bigla ay sigaw nya at dinamba ang mesa kaya pare-pareho kaming nagulat at napatingin sakanya. Tumalsik pa ang ilang butil ng kanin sa muka ko.
Nanlilisik ang mga mata nya at kuyom na kuyom din ang kamao nya. Kapagkuwan ay lumipat ang paningin ko sa katabi nya pero kalmadong kalmado ito habang pinagpatuloy ang pagkain.
“Sa oras na malaman ko kung nasaan sya, wala akong ititirang maayos sa katawan nya. I will make him pay! I will make him miserable!”
Kumunot ang noo ko. Sino ba ang kaaway ng isang ito at parang sobra sobra naman ata ang sama ng loob nya?
“Tsk! Punyeta! Punyeta!” miserableng ani nya saka ginulo ang buhok at umupo ulet saka pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.
Tumawa si attorney Castilla “I know where he is living, bro, pero hindi ko alam kung yon talaga ang totoo n'yang tirahan.”
“Hmm. Mahigit sampung address na ang napuntahan ko at lahat ng yon ay hindi ko sya nahanap. Humanda talaga sya sakin.” nanggagalaiting bulong nito at pinanggigigilan ang pork chop na nasa plato nya.
Bumaba ang tingin ko at para akong maiiyak.
“Kawawang pork chop . . .” bago ko pa napigilan ang sarili ko ay nasabi ko na yon.
Tuloy ay narinig ko ang mahinang tawa ni attorney Castilla, Miguel at Kylie.
Napakurap ako at tumingin sakanila. Umiling sakin si attorney at tumingin ulet sa plato nya.
Kapagkuwan ay lumipat ang tingin ko kay prosecutor at ganon nalang ang pag parte ng labi ko nang makita ko syang nakamaang habang nakatingin sakin na may kaguluhan sa mata.
Kapagkuwan ay bumaba ang tingin nya sa plato nya at gusto kong matawa dahil sa biglaang pagnguso nya nang makitang halos naging giniling na ang pork chop na nasa harapan nya.
“I'm sorry. I didn't even notice, fuck.” saad nya at naiilang na tumingin samin.
Kung bakit ba naman kasi pati pork chop ay idamay sa pagiging miserable nya sa buhay. Kawawa na nga yung baboy, pinagtripan pa.