Timothy P.O.V
‘‘* Dear Mr. Hernandez, we are glad and happy to announce that congratulations on your passing the interview with us. It was a pleasure to meet you and we are happy that the Season Paradise Hotel is the one you have chosen to work with. And we think that you'd be a good fit for this role/position you applied for. *’’
Halos mapalundag ako sa saya noong mabasa ko iyon habang gumagawa kami ni mama ng banana cue at turon para ilako sa kabayanan. Nag-beep 'yung phone ko niyon habang nirorolyo ko ang saging namay langka sa wrapper. Atsaka ko nabasa na nakapasa nga ako sa interview!
“Bakit anak, ano nangyayari?!” nagulat din si mama noong makita at marinig niya akong napasigaw sa tuwa at nagtatatalon.
Mabilis naman ako napayakap kay mama noong lumapit siya sa akin saka ko natutuwa na ibinalitang “I got the job! Nakapasa ako sa interview ko at magkakatrabaho na ako sa Season Paradise Hotel!”
“Alam ko anak matatanggap ka talaga diyan dahil matagal mo na pangarap iyan at maraming salamat sa panginoon dahil binigyan niya tayo ng blessings. At patuloy niya tayong binibigyan ng blessings.” Sabi din ni mama na halos maluha sa saya para sa akin.
Napayakap muli ako kay mama atsaka na namin ipinagpatuloy iyong ginagawa namin para makabenta na sa kabayanan pagkatapos ay naroon narin naman kami ay magpapatahi daw kami ni mama ng uniporme ko sa trabaho saka bibili ng gamit na kakailanganin ko.
Tumatanggi nga ako kay mama kasi mapapagastos siya ng malaki pero okay lang daw iyon kasi mababawi naman daw namin ang mga pinuhunan namin para sa trabaho ko kapag nakapag-first suweldo na ako. Oo nga pala medyo late ko narealize na tama si mama sapagkat pihado akong malaki ang suweldo ko niyan sa hotel.
---
“TIMOTHY, nakatanggap ka na ng update sa hotel?” tanong sa akin ni Erica noon sa chat sa messenger nang tuwang-tuwa ako na nag-reply sa kanya na may nag-text na nga sa akin saka natanggap ako.
“How about you? Kayo ni Hillary? Kamusta?” tanong ko din.
“Hindi kami natanggap e.” Reply naman niya noong medyo napakonsenya naman ako dahil tuwang-tuwa ko pa na ipinagmalaking natanggap ako kaya humingi ako ng pasensiya.
“Naku okay lang naman. Masaya kami for you beshywap! Naniniwala kami na ikaw na talaga ang matatanggap diyan. Siguro talaga hindi para sa amin ang Season Paradise Hotel atsaka siguro nakadagdag narin kaya hindi kami natanggap kasi inamin namin sa isat-isa ni Hillary na medyo sumablay kami sa interview sa amin.” Reply niya pa muli.
“Basta tiwala lang saka try and try until succeed.” Reply ko.
“Ah, oo naman! Actually nag-apply naman kami ni Hillary noong isang araw sa isang fast food chain sa mall. So bale naghihintay din kami ng text doon kaya wish our luck nalang besh!”
“Naku! Ipagtitirik ko talaga kayo ng kandila nang matanggap nga kayo hehe. Magtiwala lang kayo.”
At naging mahaba pa ang conversation ko kay Erica. Nag-uusap-usap kami tapos dino-dog show namin ang isat-isa kasama si Hillary hahah. Napagawa pa nga kami ng groupchat sa messenger para sa mga kalokohan at chismis na latest. Nakakatawa din talaga ang mga ito e. Ang lalakas ng tama sa ulo.
Siyempre may asaran din. Hindin naman mawawala iyon kasi kung pasmado bibig nila sa pang-aasar ganoon din sila mag-type sa pakikipag-conversation.
Nang sa kabilang banda, ilang araw matapos ko matanggap ang text na natanggap ako sa trabaho ay pumunta na ako Season Paradise hotel pinagre-report na ako saka pinapadala ang ilang dokumento na kakailanganin nila. Nagpa-picture din ako muna para sa identification ko.
Masayang-masaya nga ako noon e, nakaka-kuwentuhan ko pa si Kuya Dion na nag-aasikaso sa akin sa may counter ng hotel bandang lobby. Matagal na daw si Kuya Dion sa front ng hotel para humarap sa ibat-ibang tao at hindi lang sila basta basta orinaryong tao dahil ang ilan sa kanila ay mga mayayaman na millionaire at meron ding triollionaire from different countries.
Mga bigtime daw ang hinahawakan ng Season Paradise Hotel kaya nagpapa-goodluck siya sa akin at looking forward na mag-meet pa kami na hindi malabong mangyari at galingan ko ang trabaho ko lalo na nasa service crew nila ako nakadestino niyan.
Bilang tagapayo lang daw since napakatagal na niya sa industriya ng hotel na ito na nagtatrabaho ay sinabihan niya akong labis daw ako na mapapalaban. Brace myself, ihandaw ko daw ang sarili ko sa mundong papasukin ko.
Mula sa nakakatakot niya pang tono sinasabi ang mga iyon kaya hindi ko tuloy maiwasang kabahan naman ng sobra sabay natawa siya noong sabihin niyang binibiro niya lamang ako, ngunit totoo daw na kailangan ihanda ko ang sarili ko.
Yep! Pangarap ko ito e, kaya okay lang naman! Ganoon talaga employee na ako niyan e. Atsaka kilalang-kilala na hotel ang pinasok ko. Of course! I'm aware.
I believe, I can do this!
Atsaka talaga namang haharap ako sa mga banyaga sa magkakaibang bansa, kaya siyempre naman hindi naman puwedeng hindi ko hinanda ang sarili ko doon. Handang- handa ako! Kaya ko ito! Kayang-kaya.
Ngumiti pa ako pagkatapos maya maya ay iniabot ni Kuya Dion ang isang maliit na books na ibinibigay daw sa mga katulad namin na nagtatrabaho dito. As in lahat may copies. Ang laman ng maliit na libro ay ang mga mahihigpit na guidelines at rules sa nasabing hotel. Kailangan daw hanggang maaari ay basahin ko ito at aralin mabuti para sa hindi paglabag sa paghihigpit nila.
“Most of all. When you're here, this hotel has a last floor if you've used the elevator already, right?” wika ni Kuya Dion noong maging seryoso ang facial expression niya at magbago ang tono ng boses niya sabay napatango-tango naman ako.
“The penthouse. It is strictly forbidden for us to go to that last floor. Not unless our hotel management itself requests that you really need to go there. You have a service to do there. Just a friendly reminder ; once you go to the penthouse that you were not ordered to do. You will lose your job immediately. You will be banned. What is worse is makakasuhan ka pa.”
Medyo nakaramdam ako ng weird na feeling sa mga narinig ko at nalaman ko pero at the same time din ay natakot ako.
Ganoon pala kahigpit dito ngunit pumasok sa isip ko na ipinagtataka ko lang kung bakit bawal ang may pumunta sa penthouse? Anong ganap? Anong meron?
Samantala ayaw ko naman manghimasok sapagkat wala akong karapatan kaya inisip ko na lang and I told to myself na kung bawal? Oh 'di bawal. Sino ba naman ako para questionin o mag-isip isip pa nang kung ano ano?
Ang mahalaga ngayon ay may trabaho na ako! Masaya akong makakapasok na ako sa pinangarap kong hotel.
Subalit may kakaiba bang itinatago ang hotel na ito?