VAMPIRE 01 : Work Harder, Timothy

2665 Words
Timothy P.O.V CLICK! Click! Click! Ilang beses ako pumindot sa camera ng cellphone ko para magselfie as a record day in my daily life noong habang hinahanda ng napakaganda kong mama ang ulam namin ngayong agahan. Isa ito sa masayang araw ko dahil makakapag-apply na ako sa isa sa mga pinakamalaki at tanyag na hotel dito sa aming lugar. Nasa kolehiyo palang ako noong pinangarap ko na ang makatapak ang mga paa ko doon at makapagsilbi. Hindi lang dahil sa perang kikitain kun'di pangarap ko din kasing makatagpo ng ibat-ibang taong mayayaman from other countries. Walang hidden agenda but I think ito kasi talaga ang gusto ng puso ko. Para bang noong una ko makita at makilala ang hotel na iyon ay tinatawag ako doon ng aking nararamdaman. Idagdag na lang na marunong ako magsalita sa limang language na gusto ko pa i-enhance. I can speak and understand a little bit of thai, mandarin, english of course, nihonggo, and korean. That's why may nakapagsabi din sa akin na hindi impossible na matanggap ako kaagad dahil sa marami akong alam na language after ko maka-graduate. Kaya naman nandito ako ngayon sa sitwasyong ito. Nasa gilid ko narin ang ilang mga kakailanganin ko na documents na ilang araw ko din kinumpleto. Oo nga pala nakalimutan ko pangalanan ang hotel na binabanggit ko. The Season Paradise Hotel Deluxe. Pangalan palang mapapaisip ka na kung ano ano ang offer or service nila? Okay, isa-isahin ko. They provide the luxury of living in the heart of the city without compromising on the views, services, calmness and tranquillity that you look for in an ideal hotel. Healthy meals, on-site food and beverage (room service and restaurants), meeting and conference services and facilities, fitness center, and business center. And their hotels feature luxury spa treatments, restaurants and bars, fitness centres and range of well-designed rooms and suites. “Anak, pagbutihin mo diyan a. Para matanggap ka nila.” Paalala ni mama ko sa akin na mahal na mahal ko. “Oo naman ma! Pangarap ko kaya ito!” turan ko kay mama. “Sabagay malaking kawalan kapag pinalampas pa nila ang isang katulad mo. Ang talino talino at sobrang sipag kaya ng anak ko?” sambit pa ni mama noong mapangiti lamang ako. “Hindi naman ma, pero salamat mama!” humble ko na sagot sabay pagpapasalamat sa pagtitiwala at suportang binibigay ni mama para sa akin. “Oh, ma! Picture naman tayo. Puwede?” dagdag ko pa na salita noong iayos ko na ang camera ko para makapagpa-picture kami ni mama sa cellphone ko. “Sige 'nak. Sandali lang.” Wika naman ni mama noong lumapit siya konti sa likuran ko sabay kumuha na ako ng litrato namin. CLICK! CLICK! CLICK! Pagkatapos namin kumuha ng litrato namin ay saka na bumalik si mama sa kusina para ihain ang kanyang nilutong breakfast. At tiyak ako maiinggit ang mga kapitbahay namin dahil sa breakfast namin ngayon. Amoy palang ulam na. Sinangag at tuyu namay kamatis. Nagprito din si mama ng scrambled eggs. Hmmm... napakabango talaga at noong mailapag na nga ni mama ang lahat ay nagdasal mo muna kami para sa masarap na biyayang nasa harapan namin ngayon at humiling narin sa panginoon si mama na sana maging maayos ang pag-aapply ko at matanggap ako. Pagkatapos ay sinimulan na naming dalawa ni mama ang pakikidigma sa breakfast namin. Unico ijo nga pala ako as in only child tapos si papa naman ay nagtatrabaho sa malayo kaya kaming dalawa nalang ni mama magkasama sa bahay. Sa kabilang banda kahit sa mga ganitong simpleng lutuin lang talaga lalo na sa sinangag napakasarap talaga ng luto ni mama lalo na iyong timplado niyang sawsawan sa tuyu na kamatis. Matapos namin kumain ay tinulungan ko mo muna si mama sa ilang gawaing bahay at paghuhugas ng plato bago ay nagtungo na ako sa banyo para maligo, pagkatapos ay mabilis na pumasok sa kuwarto ko para makapagbihis ng pormal na kasuotan para sa pag-aapply ko. Atsaka na nga ako nagpaalam kay mama noong sabihan niya akong mag-iingat sabay kinuha ko na ang documents ko sa gilid para dali-daling lumabas para maghanap ng tricycle papunta sa labasan ng barangay namin at pasakay naman ng jeep. Anyways, ako nga pala si Timothy Hernandez, 26 years old. --- PAGDATING ko sa hotel agad akong dumiretso sa pinaka-main nila para magtanong tanong. “Saan po dito iyong applicant interview?” Pagkatapos itinuro naman nila ako sa third floor may mga applicant din daw doon na pinapapapunta ng boss nila, kaya dali-dali din naman akong sumunod atsaka na nga ako nag-elevator na lang para mas mabilis. Nakakalula ang laki talaga ng Season Paradise Hotel. Biruin niyo iyon hiningal ako sa dami ng facilities dito, nang laking tuwa ko naman noong may mga kakilala ako na nag-aapply din pala na agad kong napansin samay mga sofa na narito. Mga kaklase ko sila sa SCU. At naging bestfriend. “Guys!” sigaw ko nang mapalingon sila saka nanlaki agad ang mga mata nila. “OMG! OMG! OMG! Timothy, mag-aapply ka din?!” tanong ni Erica sa akin noong tuwang-tuwa sila na lumapit ni Hillary sa akin. Napangiti naman ako atsaka napakamot sa likod ng batok ko. “Of course! Alam niyo iyan pangarap ko talaga mag-trabaho dito. Hindi ba? You forgot agad?” “Oo nga pala?! Omo! Kumsabagay, lagi mo nga palang bukambibig ang hotel na ito sa amin back then. Ayieeee!” salita ni Hillary. “Pero biruin mo a? Hindi lang talaga namin inaasahan na magkakasabay-sabay tayo dito na mag-aapply. Grabi!” salita din ni Erica. “Ako nga din medyo nagulat kasi kailan pa niyo binalak na targetin ang hotel na ito? HAHA!” turan ko sa kanila habang natatawa pa. “Shala siya! Ang hirap kaya humanap ng matinong trabaho. Hiring kasi din kaya grinabbed na namin ang oppurtunity to apply. I think ganoon ka din kasi love mo talaga makapasok dito. Kasi hindi tayo pagtatagpuin ng landas na ganito if not?” patuloy ni Hillary. “Yeah! Oo ganoon nga, nalaman ko din na hiring dahil sa kulang sa tao sa website nila and I really want to grab this opportunity too. Nagbabaka-sakali na ako.” Tugon ko. “OMG! We're the same na sa website lang din nalaman!” sabi ni Hillary saka nila ako hinila sa balikat ko para dumiretso doon sa isa sa sofa ng hotel na pinanggalingan nila upang makaupo ng komportable. “Nice! Nice! Pero oo nga pala kamusta naman ang buhay buhay after graduation?” pag-iiba ko ng topic. “Ayon! Okay naman ako, after ng graduation namasukan mo muna ako sa store ng tita ko pero siyempre nagja-job hunting parin ako noon para makatulong narin sa parents.” Turan ni Erica. “Ako nag-out of town kami ng matagal pagkatapos ito nagsisimula na ako mamuhay ng independent.” Turan din ni Hillary. “What about you, Timothy? May love life ka na ba?” sabay nilang tanong sa akin nang mapaatras ako. “Uhm, ba-bakit naman love life ko ang pinagka-interesan niyo?” tanong ko pabalik habang nauutal pa. “Bakit kayo meron na ba? Atsaka niyo na ako pagmala—” dagdag ko sana na salita noong maputol iyon at mapatahimik ako matapos nilang sagutin ng sabay na. “WE HAVE!” “Huwag niyo ako pinagloloko!” natatawa ko na palahaw pagkatapos muli ay sabay nilang iniharap sa mukha ko ang cellphone nila kung saan naroon ang kanya-kanyang picture nila kasama ang kanya-kanya nilang dalawa na jowa. “Naks! Consistent talaga na ibig sabihin hanggang ngayon ay virgin boy parin itong bestfriend natin.” Salita ni Hillary noong pareho silang matawa at mapahalakhak dalawa. Napagkakaisahan talaga ako ng dalawa na ito e. “Gusto niyo sabunutan ko kayo sa fallopian tube?!” inis ko na papahaw sabay natahimik sila pero nasa mapang-asar na pananahimik kasi nagsa-sign laguage parin silang dalawa sabay lihim na natatawa. Aish! Ang sarap pagkukurutin gamit ng nail cutter. “Uhm alam mo besh Erica? I think hinahanap o naghihintay parin itong si virgin boy Timothy natin ng kanyang ‘THE ONE.’ Hayaan na natin kung saan siya liligaya doon siya magiging happy.” Nagdagdag pa talaga itong si Hillary sa pang-aasar. “Ewan ko ba dito sa beshywap natin na ito? May itsura naman, hindi naman siya katanggi-tanggi, matalino, masipag, mabait, at higit sa lahat material jowa talaga as in pak na pak pero siya itong may ayaw. Ang hanap yata ng beshywap natin hindi tao e? AHAHAHA!” pagbibiro din ni Erica noong mapakunot noo nalang ako sa kanila. Hay naku! Naku! Sarap din lagyan ng harina ang mga ito e, saka i-deep fry sa kaserola. Hmp! ”Edi bow na po ako sa inyong dalawa. I salute the two of you! Sambahin! Sambahin! Kayo na ang may mga jowa!” naiinis na turan ko sabay natawa sila ulit. Sige lang pagtawanan nila ako. Tsk! Grabe sila sa akin. Natahimik nalang ako tutal pag-aasarin lang naman nila ako pero maya maya nakaisip itong si Hillary ng mga kalokohan niyang laro, sa kung sino man daw ang lalabas o papasok na tao sa elevator kung saan ako galing kanina ay nakatakda para sa amin. As in para sa amin iyon. Tsk! Napaka-childish naman saka kita mo naman talaga itong dalawang ito may mga kanya-kanyang jowa na nga ang haharot pa? Siyempre wala naman ako magagawa, bahala sila. Sasakay nalang ako sa trip nila batang laro lang naman daw walang seyosohan. Aba! Itong dalawang ito nagbabalak pa yata ng seryosohan? Hmp! Unang subok kay Hillary seryosong-seryoso lang siya noong labis kami nagtawanan nang babaeng may malaking boobs ang lumabas mula sa elevator. “Hala baka lesbian ka talaga teh? Chance mo na ito mag-change career mas malaki pa boobs niya kesa sa iyo. Oh my gash tadhana nga. WAHAHAHA!” pang-aasar ni Erica noong mapatawa lang ako nang mapatawa. Kitang-kita ko ang asar na asar na mukha ni Hillary. Kita niyo nga naman sa sariling laro din na pakulo nila ang naging paraan ko para makaganti ako ng tawa at halakhak sa kanila. Pagkatapos sumunod din si Erica noong matandang janitor na si tatay naman ang dumating para gamitin ang elevator. Ngayon si Hillary naman ang nang-aasar kay Erica. “OMG! Baka ang tadhana mo talaga teh ay makahanap ng asukal de papa! WUHAHAHA! Sundin mo na ang iyong destiny.” Napanguso naman si Erica. “Oy gagi huwag kayong ganyan huwag niyong inaasar si tatay nagtatrabaho iyon ng maayos e.” “Siraulo! Ikaw lang ang inaasar ko huwag mo naman ako konsensyahin. Siyempre mataas ang respect ko kay tatay. Hindi ko naman siya pinupunto.” Wika pa ni Hillary sabay kibit balikat. Hay naku nagkakaasaran lang at judgemental kaya sinabi ko na ayawan na itigil na namin ito. Pero sa katunayan gusto ko lang talaga umiwas dahil puro epic failed silang dalawa ayaw ko naman bumalik sa akin ang pang-aasar nila. Ang tatabil pa naman ng dila ng dalawang ito. “Hoy tumigil ka!” bigla naman ako nagulat noong isigaw ni Hillary sa akin iyon. “Lulusutan mo pa kami a? B*tch!” dagdag pa niya saka lamang ako napangisi. Tsk! Hindi talaga ako makalusot sa dalawang ito. “Okay! Kung sino ang pumasok o lumabas diyan sa elevator na iyan? Ay ang tao para sa virgin boy beshywap namin na si Timothy. Push!” salita ni Erica noong pare-pareho kaming nag-focus sa elevator at naghihintay ng taong papasok o lalabas doon nang bigla ay may lumabas doon na hindi namin na mamukhaan na lalake dahil sa suot nito. Makakapal na jacket ang suot nito, nakabonet, shade, at guwantes. Talagang balot na balot. Aligaga pa ito noong mabilis itong tatakbo sa isang gilid na sinundan naman namin ng tingin sabay maya maya ay bumalik din ito sa elevator para umalis. “Uhm, that's weird?” salita ni Hillary. “Oo nga hindi man lang natin nakita ang mukha?” wika ni Erica. “Habulin mo kaya, Timothy? Tutal naman tadhana mo iyon! Charot!” pagbibiro ni Hillary noong gulat akong mapapatingin sa kanya. “Hala, ano ka? Mga sira! Mamaya makasuhan pa ako ng harassment sa kalokohan niyo!” natatawa ko na sambit saka lamang sila napatawa din noong biglaang may lumapit sa amin na babae na nagwo-work dito sa hotel. Kinausap kami. “Excuse me! Mag-aapply ba kayo? Sorry, the interview of those who want to apply for a job has been moved to the lobby.” Salita nito kaya dali-dali kaming gumayak. --- WORK harder, Timothy! Just believe in your own self, Timothy. At makakayanin ko din ang lahat ng ito. Grabe kasi ang kalabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. I took a deep breath before I looked around for a moment because of the crowd at the hotel I wanted to apply for. Mabuti pa sina Erica at Hillary nakauwi na dahil mabilis lang sila natapos at na-interview dahil naipasa na pala nila resumee nila ng maaga. As usual I'm not the only one who wants to work here so there are many of us now in a room facility sitting around just waiting for someone to call us to put us in for the interview. Hotel Manager Interview. Nang agad din namang natapos din ang interview at medyo hindi ko pa sigurado kung natanggap na ba ako o matatanggap ba ako? Pero naitanong nila ang tungkol sa unibersidad na pinasukan ko at tinapos ko. Malaking advantage iyong pagiging H.R.M toptier at graduate saka experience ko sa hotel noong nag-OJT kami na isa sa mga naitanong at bonus nalang ang ilan sa mga skill ko kagaya ng mga language na alam ko. Tatawagan nalang daw nila ako if I passed the interview. I wished I passed. I really am. I'm not yet sure at ayaw ko naman magyabang o magbilang kaagad ng sisiw sa napisang itlog hindi porque natuwa sa akin ang nag-iinterview kanina. Paglabas ko sa room na iyon grabe parin ang kalabog ng dibdib ko at para akong nakahinga ng maluwag. Nakakakaba talaga. Iba talaga ang pressure kapag job interview. Napahawak na nga lang ako sa dibdib ko noong maya maya ay para bang dahil sa sobrang nerbyos ko ay tinatawag na ako ng pagbabawas ng tubig sa katawan. Kaya agad akong naghanap ng banyo noong makita ko naman na out of order at sira ang banyo sa lobby kaya naman sinabihan ako na pumunta sa second floor. Ang masama sa sobrang laki ng hotel kung saan saan na ako umikot dahilan para mabilis na ako tumakbo nang para na talagang sasabog ang pantog ko noong bigla ay mapahampas ako sa elevator nang magsasara na ito ngunit sawakas nakaabot ako saka napigilan ito. Dali-dali akong pumasok. “Excuse me, I'm sorry!” sambit ko pa nga sa taong nakasalubong ko sa loob na balot na balot ang katawan na naka- jacket at gwantes ang mga kamay. “Ang weird lang. Foreigner kaya siya? Pero teka parang pamilyar siya?” sa oras na nahihirapan na nga ako sa pagpipigil na bumulwak ang waterfalls nagawa ko pang umisyoso. “I'm sorry I really can't help it.” Salita ko noong parang nararamdaman ko na tinitignan ako ng kasama ko sa elevator. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Tama nga ako, e sino ba naman kasi hindi makakapansin sa parang may kumukurot sa singit ko na kilos. Napapahigpit ako ng hawak sa berdie ko. “I'm okay!” sabi ko naman sabay pahabol ng bawi. “Nope! Actually I'm not okay!” Napaharap at ngiwi na ngumiti pa ako sa kanya tapos narinig ko na humahikgik siya. Pinagtatawanan ba niya ako? Grabe siya! “Can you please don't make fun of me. I'm having a hard time holding back my pee.” Kinukursunada niya yata ako a? “Oh, I'm sorry!” Narinig ko naman na paghingi niya ng sorry noong nagmadali na ako lumabas sa elevator pagka- second floor saka agad tumakbo banda papunta sa may washroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD