Knoxel Pov
"Huy! Kanina ka pa jan lutang at tsaka ano ba ginagawa pa natin dito?" Pumunta siya sa harap ko na nagtataka
Sabagay nag sisimula na yung klase nila daree kaya nag simula na akong mag lakad at hindi siya pinansin.
"Teka" Hindi pa kami nakakalayo sa classroom nila daree tsaka ako tumigil sa paglalakad pati siya napatigil
"Mauna ka na may ichecheck lang ako"
"Iba talaga pag anak ng may ari ng school. Security Guard yan?" Tumawa pa
Tinignan ko siya ng masama at tsaka ko siya inattemp ng suntok. Napatakip siya sa mukha niya at napababa ng itaas ko kamay ko.
Tumayo siya ng maayos at inayos yung damit niya na parang walang nangyaring takutan. Tumingin siya sa paligid at binalik yung tingin niya sa akin. Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo tsaka ko lang siya tinitigan at mukhang nailang siya.
"Ito naman hindi mabiro eh." Ilang na sabi niya sa akin
"By the way, dito na pala nag-aaral pinsan ko na babae." Tinaasan ko siya ng kilay para sabihin sa kaniya na hindi ako interesado.
"Oh tapos?"
"Share ko lang naman. Ano ba kasi yang ichecheck mo? importante ba yan?"
"Jowa ba kita para sagutin ko yan?"
"Sttttp!" Napaatras ako ng itaas niya yung kamay niya para paluin ako.
"Bahala ka nga! Puntahan ko na sila elan. Mag text ka kung nasaan ka."
Hindi niya na ako hinintay na mag salita at nag lakad na siya papalayo sa kinakatayuan ko, kaya nag simula na ako mag lakad papuntang library. Alam ko na duon yon pupunta si daree dahil sa bagong publish na libro ni Tyler.
Sa sobrang gwapo ba naman kahit saan ang punta mo makakarinig ka ng mga babaeng nag titilian sa magkabilang side mo. Kinuha ko yung cellphone ko at 12:22 na ng tanghali kaya binilisan ko na yung pagpunta ko ng library.
"Hi. May bakanteng room pa ba?"
Tinignan ako ng babae pero hindi siya nag salita, mukhang maldita pa siguro to.
"Ehem" pangpaggising ko sa kaniya baka kasi natutulog siyang gising.
"Ano?" Cold niyang response sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay para kahit papaano matakot siya pero parang walang epekto yon sa kaniya kaya huminga ako ng malalim at inulit yung tanong.
"I said do you still have a vacant library room?" In my deep tone said. Nag smirk lang siya na parang akala mo inaangkin niya tong library.
"Oh yes. We still have a vacant room for you, SIR" ang sarcastic ng sagot niya sa akin
Tinitigan niya lang ako at hinihintay niya lang ako mag salita pero ang taas ng pride ko para mauna ng salita.
"Wala pa bang itatagal dito?"
Tumingin ako sa likod ko at ang dami na ng pila na may dala dalang libro. Tumingin ako balik sa babae at nakatitig na siya sa akin na parang nang aasar pa. Akala mo naman close.
"Then give me the room numb-"
"Room 11, SIR" sambit niya
Wala naman akong atraso sa kaniya ah. Ni hindi ko nga siya kilala. Tignan mo ang ganda ng ngiti niya sa ibang tao tapos sa akin ang sungit sungit.
Bago pa man ako makakaalis nakita ko yung name tag niya na nakapin sa damit niya.
"Berrie? Weird name tsk."
Tumingin siya sa akin ng masama at nag hahamon pa ng suntukan. Pasalamat ka maganda ka kaya hinanap ko na yung room na kung saan mag tambay ako. Yung library may 30 rooms kung saan pwede ka mapag-isa.
Nahanap ko na yung room at tsaka ako pumasok. Tumingin ako sa oras at 12:29 na. Napagisipan ko na matulog na lang muna tutal wala naman mga pake yung mga yon kung hindi nila ako kasama.
Mga ilang minuto palang may narinig akong bumukas ang pinto. Tatayo na sana ako kaso narinig ko siyang mag salita.
"wah so nice and peaceful"
Sa mga phrases palang non alam ko na si daree na yon. Pinakinggan ko siyang mag salita, gusto kong tumawa sa mga sinasabi niya, nag mumukha siyang tanga.
Ilang minuto na rin siya nag mumukhang tanga. Hindi sana ako mag papakita sa kaniya kung wala lang spider dito sa ilalim ng lamesa. Kaya dinaan ko sa sagot yung takot ko. Halata sa mga mukha niya yung gulat at takot. Agad siyang tunayo at hinagis sa akin yung hawak niya na libro. Medyo masakit yon mga kagat ng crocodile lang naman.
"Araayy!!" sigaw ko sa kaniya at tsaka niya lang ako tinarayan pero tulala.
Kapag ganyan ang mukha niya mas lalong tumitibok yung puso ko ng mabilis.
"Paano? kailan? haaa? bakit ka andito?" Andami namang tanong nito. Cute features pero deep voice. nako knoxel itigil mo yan.
"Dahil pogi ako" tumawa ako para yung dahilan ng pagkakapula ko ng dahil sa kaniya ay mapalitan ng tawa.
Ang dami rin naming pinag-usapan tungkol sa confession. Mga isang oras na rin kaming tulala. Lahat ng sinabi ko sa kaniya ay hindi totoo, gusto ko lang naman siya paglaruan at parang may rason rin kung bakit hindi ko sinasabi sa kaniya yung totoo.
Pagkatapos namin mag usap nakita ko siyang tulala, pinalo ko yung lamesa para magising siya.
"Huy! Daree! I'm hungry! Baka hinahanap na rin nila tayo" Agad siyang tumayo at niligpit mga gamit niya tsaka lumabas.
"Wow ha" bulong ko pero mukhang narinig niya dahil tinignan niya ulit ako.
Sinundan ko siya at naabutan ko siyang inaabot sa babae yung libro pero hindi siya pinansin dahil nag pupunch pa siya ng mga libro para display sa library.
"Tsk berrie pero masungit. Berrie masungit" Tumingin siya sa akin ng masama pero ngumiti lang ako kasi wala siya magawa dahil sa mga libro.
Si daree napatigil pa sa pinto kaya dali dali akong pumunta sa kaniya at nakita ko sila kuya na nasalabas. Tinigna ko si cast na parang na bad mood pa kaya tinignan ko si daree na nakatingin sa kanila sa labas.
"Uy andyan na pala kayo?"
Tinulak ko yung pinto na maging dahilan na muntikan na masubsob si daree kaya agad kong hinawakan siya sa bewang parang hindi siya tuluyan na mahulog pero yung puso ko ang nahulog sa kaniya.
Bumibilis yung t***k ng puso ko mas lalo na ngayon ko lang nahawakan si daree ng ganito. Hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako sa susunod na segundo o hindi na. Tinignan ko silang lahat at mukhang wala naman silang pake maliban kay cast. Inangat ko na si daree.
"Be careful" sabi ko at tsaka ako pumunta sa gilid ni kuya para hindi niya na maramdaman yung init ng katawan ko.
Agad na kinuha ni felix si daree kaya kaming apat yung nasa likod at sinusundan sila.
"Did you get a message galing kay caily?" Tumingin kaming tatlo kay kuya na gulat.
Matagal na naming alam na may sira talaga sa utak si caily. Lahat ng gusto niya dapat makuha niya, kung hindi niya makuha idadaan niya sa food poisoning. Sinabi ng nanay niya sa akin na kailangan ng treatment ni caily pero wala silang enough money at tsaka ang hirap niyang papuntahin sa mental dahil nag wawaras siya. Kami lang ni cast ang nakakaalam tungkol dito.
Matalino si caily gagawa siya ng paraan para mapunta ka sa panganib. Parang nagiging okay okay na siya ngayon. Nakausap ko siya last month ng matino. Matino man talaga siya pero hindi mo alam kung kailan siya mag sisimula ulit sa balak niya. Humahanap lang ako ng timing para makausap siya.
Apat kami natahimik at hindi na nag salita dahil sa ingay ng dalawa sa harap. Tinignan ko si cast at nakatingin na siya sa akin, huminga siya ng malalim at tsaka niya ako tinapik.
---
Nasa bahay na kami nila daree. Si daree at felix nasa kwarto na nila, yung tatlo nag lalaro ng PS5 ako lang yung naiwan sa dining table nila ng may narinig akong kalabog sa bandang kwarto ni daree kaya agad akong pumunta duon.
Kakatok na sana ako kaso baka may nangyari sa kaniya kaya agad kong binuksan yung pinto at nakita ko si snowball yung aso niya na nag lalaro. Si daree natutulog kaya tumabi muna ako sa kaniya at pinagmasdan siya.
"Ganyan ka pala pag tulog?" Bulong ko
Nararamdaman ko na kusang ngumingiti mga labi ko. Tinitignan ko lang siya mas lalo na yung pumupula niyang pisnge. Yung puso ko nag dadabog na at yung utak ko sinasabi na hawakan ko siya.
Nagpadala lang ako sa kung ano sinasabi ng utak ko. Dahan dahan ko hinawakan yung mukha niya at iba yung nararamdaman ko parang nakahawak ako ng mainit na kalan kaya agad kong kinuha yung first aid kit niya sa kabinet at kinuha yung thermometer.
"38.5? May lagnat siya?"
Agad akong lumabas ng kwarto tsaka pumunta ng kwarto ni felix.
"Bro?" Kumatok ako at agad niya namang binuksan yung pinto. Mukhang kagigising niya pa lang pero bahala na.
"May lagnat si daree"
Pinakita ko sa kaniya yung thermometer na hawak ko at agad nanlaki yung mata niya at pabalik balik niya akong tinitignan at yung thermometer.
Tinulak niya ako at agad siyang pumunta sa kwarto ni daree kaya pinuntahan ko yung tatlo sa baba para sabihan sila at agad naman silang na taranta kaya umakyat na sila kasabay ko.
Pagpasok namin, nakita namin si felix na inaayos yung mga gamit ni daree at nilagyan ng bimpo sa noo niya at umupo sa tabi ni daree.
"What happen?"
"He has a fever and he usually like this when he is stress or someone stressed him"
Lahat sila napatingin sa akin at ako, tinignan ko sila na nag tataka kasi why me? wala akong ginagawa ah.
"Bro. What did you do to him" Tanong ni elan
"Nothing ah.."
"What about pala sa library?" tanong ni kuya sa akin
"We just talk about my confession to him"
Lumaki yung mga mata nila sa sinabi ko mas lalo na si cast.
"I guess that's the reason kasi akala niya nag bibiro lang ako"
"You shouldn't" bulong ni cast pero narinig ko pa rin.
"But i didn't tell him everything especially tungkol sayo cast" Tumingin ulit sila balik sa akin at ako gusto na maihi sa rason na kung bakit hindi ko ma explain sa kanila lahat.
"Pero hindi naman lahat sinabi ko. Actually, hindi naman totoo yung mga sinabi kong kwento sa kaniya. I actually confess in general but those reasons na bakit namin siya nagustuhan is actually just a story for make him confuse"
Yung tatlo napahinga ng malalim si felix naman hindi na kami pinansin at patuloy pa rin sa pag alaga kay daree.
"By the way, nag aya sa akin si caily na mag eat daw sa labas. Kayo rin ba naka receive?"
Sabay sabay kami napatigil at nag tinginan. Mas lalo na kami ni cast na may alam kay caily.
"Ahmm.. yeah" sagot ni kuya at agad siyang siniko ni elan
"hmm.. Gusto ko sanang pumunta kaso nagkasakit si daree ehh"
"I can take care of him" Sambit ni cast
Wala akong maramdaman sa ngayon. Tumahimik na lang ako at nakinig na lang sa mga sagot nila.
"Really? Thank you! babalik naman ako agad eh. Kayo ba kuya, riggs, knoxel?"
"Yeah we can go with you naman diba riggs?"
"Yeah elan"
"Nice" lumabas na si felix para mag prepare at tsaka sumunod yung dalawa.
Kami ni cast yung naiwan sa loob ng kwarto ni daree. Tinignan ako ni cast na walang emosyon at ganon rin ako.
"Go with them, baka ano pa mangyari sa kanila mas lalo na kay felix." Ang lalim ng boses niya at tinitignan niya ako ng matalas na pinipilit na sumama kina felix
"Ang sabihin gusto mo masolo si daree"
"Ganyan rin naman yung ginawa mo kanina sa library diba?." Napapalitan na ng inis yung mga mata ni cast
Hindi ko rin alam kung bakit yun yung mga sinasabi ko ngayon sa harap niya.
"Hindi ko siya sinolo sadyang nagkasabay lang kaming dalawa. Wag kang umasta na parang may inaagaw ako sayo"
Umalis na ako para iwas gulo. mga ganitong awayan namin nanonormalize na naming dalawa mas lalo na pagdating kay daree. Bago ko pa man mabuksan ng tuluyan yung pinto ay nag salita siya ulit.
"I was the first one knoxel"
"But you are not sure if you'll be his last." sagot ko sa kaniya at tuluyan na umalis.