Nasa hallway ako ng school papuntang classroom. Ang ganda ng araw ko sana walang sisira dahil lang sa pagmumukha nila ha!
Ang daming studyante pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. Pumunta muna ako sa locker ko para kunin yung kit and coat ko. Hindi ako nakapag review, mas inuna ko pa mag update ng libro kesa mag review.
Ang daming ganap na nangyari kahapon and ngayon na rin madidischarge si felix sa hospital kaya goodmood ako..
Papalapit na ako sa room ko at may mga babaeng na nakaharang sa pinto na parang may hinahanap at nag titilian
"mhmm.. Excuse me" cold kong sabi
Lahat sila napatingin sa akin na parang gulat. Mga ilang minuto ay bigla silang nabuhayan, nilapitan nila ako at nag titilian.
"Omg! dario ikaw na ba yan!?"
"Ang gwapo mo!!"
"Guys! si dario andito na!!" sigaw nung isa at may sampung babae pa ang nag si takbuhan sa kinakatayuan ko at ni lock nila ako. Ang sikip, sinubukan ko makaalis pero hindi ako makaalis sa ginagawa nila. Ang iingay pa.
"ACKK!!!!! DARIO I LOVE YOU!!" sigaw ng babae sa tabi ko. Kaya tinignan ko siya at kinakal. Sa tenga ko ba naman mismo sumigaw.
"Ehem!"
Napatigil sila sa kakasigaw at pag tulak tulak sa akin. Pati ako nagulat, hindi ko naman inaasahang pupunta sila dito.
"He's not Dario, everyone! He is knoxel"
Si knoxel napatingin sa kaniya ng ipangalan niya sa akin yung pangalan ni knoxel. Yung mga babae parang ayaw pa maniwala.
"This is Dario Cree Madden" tinulak niya papaharap si knoxel.
Natahimik muna kaming lahat saglit at nag simula na tumakbo yung mga babae kay knoxel. Tinignan ko si Riggs, nakatingin na pala siya sa akin. Nag sign siya na pumasok na ako sa loob. Tinaas ko kamay ko para mag pasalamat sa kaniya at mukhang naintindihan niya naman dahil tumango na lang siya at ngumiti.
Si knoxel? Ayon sumisigaw na at sinasabing siya talaga yung totoong knoxel. Tawang tawa ako sa mukha niya. Habang papapunta ako sa upuan ko, nakita ko si caily na nakatingin sa akin at ngumingiti kaya tinitigan ko siya habang papaupo ako sa upuan ko.
"Did you had fun yesterday fighting with your cousin?" tumingin siya sa akin at nag smirk
"At least i'm not trying hard to get their attentions tho"
Tinignan ko siya na nakangiti. Nakikita ko sa mga mata niya yung galit na meron sa akin.
"What? Did I said something wrong?" Nilapitan ko siya at umupo sa desk niya at nag crossarms
"Watch and learn daree"
"I can watch, but learn? hmm.. I don't think so.. sssstthm.. learning is not in your vocabulary so stop that"
Tsaka ako bumalik sa upuan ko kasi nag ring na yung bell at hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis yung ngiti ko. Annoyed na annoyed yung babae sa tabi ko. Nag sisimula pa lang pero pasuko na yung mukha tsk.
---
Nag decide muna ako mag CR. Isang oras ko rin pinigilan yung ihi ko. Buti na lang paglabas ko ng classroom ay wala na yung mga babae na umano sa akin kanina sa tapat ng room..
Pabalik na ako ng classroom nakita ko si knoxel na naghihintay sa labas ng room kaya dali dali akong nag lakad papunta sa kaniya.
"Oh ano" tumingin siya sa akin at tinaasan niya lang ako ng kilay at huminga ng malalim.
"Ano masaya ka ha! parusa ka sa akin hayop ka"
"Edi arf arf!" tsaka ko siya binatukan. Tumakbo ako papasok ng room tsaka na rin akong hinabol.
Pagkapasok ko napatigil ako pati na rin si knoxel na nasalikod ko. Medyo ngayon parang gusto ko na pumatay ng babae. Nakita ko si caily na ginupit yung notebook ko na puno ng stories. Sa lahat ng gamit na sisirain, wag lang yan.
Nararamdaman ko na yung init sa katawan ko at si knoxel naman hinihimas yung likod ko para kumalma pero sa ngayon hindi eh.
Nakita ko yung cutter sa teachers table at agad ko yon kinuha at pumunta kay caily. Si knoxel pinipigilan ako pero hindi ako nag patigil. Kinuha ko yung bag ni caily at nagulat siya sa ginawa ko. Ginupit ko yung pinakapaburitong bag niya gamit ng cutter.
Nakikita ko sa mga mata niya yung inis at gustong umiyak sa ginawa ko agad niyang binaba yung notebook at gunting na hawak niya at tsaka niya kinuha sa akin yung bag niya.
"is it fun?" cold kong sabi pero nakangiti
"How could you"
"Hindi ba ako mag tatanong dapat nyan sayo?" Hinila ko sa kaniya pabalik yung bag at tsaka ko tinorture sa inis.
"Ay iba mainis daree" sabi ni knoxel sa likod ko.
Nag simula na umiyak si caily na parang bata at duon ko na tinigil yung pagsira ng bag niya. Alam kong masama mag revenge pero ang hirap mag sulat ng story and hindi mo mabibili yon pag once nawala mo or napunit mo.
"What's happening here?"
lumingon kami sa nag salita at nakita namin si cast, riggs, and kuya elan na papasok ng room namin.
Agad namang tumakbo para yakapin at MAG SUMBONG kay kuya elan.
"He ripped my favorite bag" niyakap niya si kuya elan at tinuro niya yung bag
Yung apat nag pipigil ng tawa kaya wala dapat akong ikinakainisan kung papaniwalaan nila yung babae na yan.
"Gusto mo tubig? Para tears of joy" Asar ko sa kaniya
"It's not right daree" seryosong sagot ni kuya
"She's the first one who started it. I just ended making her cry which she deserve"
Niligpit ko yung mga gamit ko at umalis na. Hindi ko na sila hinayaang mag salita baka kasi mauwi sa seryosohang away yon.
Dumeretso na ako sa bahay pagkatapos ng klase para mag palit ng damit dahil may interview ako tungkol sa libro na Pinublish ko.
---
Nakaisang oras na ako sagot ng sagot sa mga tanong nila. Hanggang ngayon wala pa rin ako nasasagot na magandang tanong.
May babaeng nakakuha ng atensyon ko kaya hinayaan ko siyang mag tanong.
"What is the main point of your story? And what is the last phrases of the author?"
Napatigil ako saglita para mag-isip. May naalala ako na nag tanong na sa akin noon nito..
"The main point there is don't fall in love with your idols. There are someone waiting for you, better than your idols. And the last phrases that he said.. SECRET"
Lahat sila umasa na sasabihin ko yung last phrases na sinabi ng author. Natawa na lang ako sa mga reaction nila kaya nag proceed ako sa ibang question.
"Bakit hindi niya gawing happy ending yung story niya? Author naman siya diba?"
"There's no happy ending, but there is a promise."
"But promise are meant to be broken"
"Not all. It is actually really meant for you. If they didn't fulfill their promise to stay then don't let yourself to have a trust issue in the next relationship because it is a message that there will be a better person for you. Do not make a promise if you know to yourself that you can't fulfill it and do not let yourself give a hundred percent that they will fulfill their promise to you."
"But it's up to you because we have different perspectives in life" smoothly kong sagot sa lalakeng nag bigay sa akin ng tanong kung saan nabobo ako.
I am not also sure with my answers. On the spot kong nasagot yon at hindi ko yon napagisipan. Medyo nabobo ako duon. May sasagutan pa akong isang tanong at salamat at matatapos na tong mga tanong ni marites.
"Do you believe in reincarnation love?"
Hala ang usapan yung tungkol lang sa libro ko bakit nakooo bigyan niyo ako jowa para msagot ko.
"Hmm.." huminga ako ng malalim bago ko masagot yung tanong niya. Lahat ng tao natahimik at hinihintay yung sagot ko.
"Reincarnation love? I guess yes. Because it started kay Anne Hathaway and yung asawa niya. Did you know about them and her husband?"
"Yes"
"No"
"Oh.. haha.. So not everybody know about them right so i'll make a quick story about them.. They said the husband of Anne Hathaway looks like William Shakespeare and the wife of William have the same name of Anne Hathaway as in same na same ang spelling.. William Shakespeare said to his wife that 'Life is too short to love you in one, I promise that to look for you in the next life'. He promised and it looks like he fulfilled it. That kind of promise is what we want to hear right? Kaso yung promise naman na sinasabi is yung pagbayad ng utang hahaha"
Lahat sila natawa sa huling sinabi ko at duon nag tayapos yung aking interview. Tumingin ako sa oras at gabi na. Namaalam na ako kay daniel at dumeretso na ako ng uwi.
---
Nasa tapat na ako ng bahay. Pagbukas ko nakita ko silang lahat nakatayo kasama si felix kaya agad kong binaba yung mga gamit ko at tumakbo papunta kay felix
"Parang ikaw pa yung matagal nawala kesa sa akin pre ah"
"Ano ka ba ako lang to oh"
Tawang usapan namin ni felix at tsaka ako tinapik ni mama para makakakain na kaming lahat.
"At talagang hinintay niyo talaga ako?"
"Hindi. Sadyang magkasabay lang kayo ng dating nila tita" sagot ni cast
"Ah talaga ba cast?" Seryosong sagot ko sakanya. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagkain.
"By the way, aalis na pala kayo pabalik ng Canada?"
Nabilaukan ako sa tanong ni mama. Agad namang inabot sa akin ni knoxel yung tubig at natawa pa.
"Kala ko ba next month pa, pa?"
"They thought na next month pa matatapos yung summer nila"
"So??" Tanong ni felix
"Kami ni riggs lang yung sasama kay tito pabalik. Sina cast and knoxel maiiwan sabay sila sa iniyo"
"Huh? Hindi ba same level na kayo?"
"Ulol mo felix. Mas matanda ka pa sa akin diba, and si cast graduate na mas advance siya" sagot ni knoxel kaya agad ko kinakal si knoxel.
"Same school kasi yung dalawa. Sabi sa iniyo sa school na lang namin kayo, nag take pa kayo ng mamahaling private school" tampong sagot ni cast
"Ang sabihin mo hindi mo afford" Tinigna lang ako ng masama ni cast at natahimik na ang lahat.
"At tsaka mga anak"
"Pa kami lang ni daree anak mo"
"daya mo naman" tsaka nag pout si knoxel kaya tinignan siya ni felix na parang diring diri pa. Actually lahat naman sila, kasama na ako don.
"We decided ng nanay niyo na sabay na lang kayo ni felix pupuntang Canada since 2 months lang naman yung class niyo at duon niyo itutuloy sa Canada yung the rest of the months."
Ngayon ay nabuhayan na ako sa sinabi nila. This is the best day of my days. Kung kahapon ay ang sama ng araw, ngayon ay napalitan ng saya. Hindi ko alam anong isasagot ko basta masaya ako.
"Thank you, Lord." bulong ko at tinapos yung pagkain ko.