"Daree open the door!" Naririnig ko si kuya elan na pinupukpok yung pinto ko at sila cast naman pinipigilan nila si kuya elan.
Bumangon ako sa kama ko at tinignan ko yung oras 12:02 na ng tanghali, parang saglit lang ako natulog ah.
"DARIO CREE!"
Hindi ko alam kung ano yung mafefeel ko kasi we never do this kind of fight before. Kinakabahan na ako ba masuntok niya ako.
Sa sobrang lakas ng pagkakapukpok niya, natatakot na ako na baka masira niya pa yung pinto kaya agad agad ako pumunta at pinagbuksan siya.
"is it hard for you to open the door huh!?" tinulak niya ako papasok pa sa kwarto ko at agad naman siyang pinipigilan nila cast at riggs pero malakas si kuya elan kaya naitulak niya ako papaupo sa kama ko
"Can you leave us two!?" sinigawan niya yung dalawa at ako hindi ko na napigilan na sagutin siya sa pagtrato niya sa dalawa
"What is wrong with you ha!? Bakit ka high blood!? anong ginawa ko sayo!? anong ginawa namin sayo!?"
"Ikaw, ikaw ang may ginawa!"
"Tama na elan!" sigaw ni riggs sa likod
"Anong tama na!? tama ba yung ginawa niyang pangbabastos kay knoxel at kay caily dahil jan kay felix!?"
S-si felix pa ang may kasalanan kung bakit nafood poison yung kapatid ko? seriously!? Tumayo ako at hinarap siya.
"Ano? So si felix pa ngayon ang may kasalanan!? Bakit hindi mo yan pagsabihan yung babae mo!?"
"YOU DON'T KNOW NOTHING, DAREE. SO WHY ARE U ACTING LIKE YOU KNOW EVERYTHING HUH!?"
"YOU ALSO KNOW NOTHING ELAN. ANO MAS PROPROTEKTAHAN MO PA YANG BABAE KAYSA SA PINSNA MO NA MUNTIKAN NG MAMATAY DAHIL SA FOOD POISONING DAHIL JAN SA GINAWA NI CAILY!"
Ngayon may lakas loob na akong harapin siya dahil ang babaw ng dahilan niya para awaying niya ako.
"CAILY HAVE MAJOR DEPRESSION AND SHE SHOULD NOT RECEIVED THAT TREATMENT OF YOURS KASI TRAUMATIZED SIYA SA PHYSICAL TREATMENT NA GINAGAWA NG TATAY NIYA."
Napatigil ako saglit pero andoon pa rin yung galit ko na bakit hindi niya rin maintindihan yung side ko. Pinsan niya kami, dapat kami yung priority niya.
"Hindi na kita maitindihan kuya kung bakit ka ganyan. I never thought na meron siyang major depression and where in fact na si caily naman talaga ang may kasalanan kahit baliktarin mo yung mundo siya pa rin yung nangfood poison at tangkang patayin si felix. Deserve niya yung pagtrato ko sa kaniya."
Papaalis na sana ako dahil ayoko na mas lalo pa kaming mag away. Bago pa man ako makakaisang hakbang ay bigla niya akong hinila at gustong suntukin sa mukha. Lumaki yung mga mata ko dahil nakikita ko sa mga mata niya yung galit niya.
Yung dalawa agad na pinigilan si kuya elan na suntukin ako kaya inilayo na nila si kuya elan sa akin. Ako? Ayon natulala at hindi alam kung anong gagawin. Hindi ko nagegets yung point niya kung bakit siya galit na galit sa akin.
Nagbihis ako at umalis ng bahay. Pagbaba ko nakita ko sila cast, riggs, kuya elan, and tita eli. Si mama at knoxel siguro yung nasa hospital. Tinignan nila ako especially si kuya elan na hanggang ngayon galit pa rin, hindi ko na sila pinansin at dumeretso na lang ako papuntang labas. Pataasan kami ng pride.
---
Mga 40 Minutes ay nakarating na ako sa hospital... Nasa harapan na ako ng pinto ng room ni felix. Huminga muna ako ng malalim at tsaka binuksan yung pinto ng dahan dahan. Nakita ko si knoxel lang ang andon at wala si mama, si felix naman natutulog.
Tinapik ko si knoxel para sabihin na mag usap kami sa labas at agad niya namang naintindihan yung actions ko at agad niya akong sinundan.
"Sorry kung nasigawan kita..." tinapik ko siya at tinapik niya ako pabalik at ngumiti.
"Okay lang. Ganun naman talaga kung nasa panganib yung pamilya natin" Natahimik muna kasi saglit.
Ang awkward naman..
"By the way"
"By the way"
sabay naming sabi kaya pinauna ko siya baka importante..
"Sorry if i lied to you duon sa library. Actually hindi sila naging mag jowa ni elan at ni cast and wala kaming feelings ni cast for you"
"Ha?"
Napatingin ako sa kaniya at tinignan niya lang ako na walang emosyon kaya feeling ko na nag sasabi na siya ng totoo at this time.
"At least hindi ako nag assume"
Biro ko pang sabi sa kaniya pero hindi man lang siya tumawa
"The truth is..."
"what?"
"Gusto niyang gustuhin siya nila cast, elan, and riggs, even me."
"So nasaan kami ni felix don?"
"Kayo yung rason kung bakit siya nababaliw ngayon"
"Wow. Sa lalake talaga siya nabaliw? HAHAHA" Hanggang ngayon wala pa rin siyang emosyon kaya tumigil na muna ako
"Naging sila ni cast before and that time simp pa sayo si cast. Second, naging sila ni riggs, but riggs reasoned out na may gusto siya kay felix. Yun rin yung dahilan kung bakit may dare na naganap, aside duon sa teacher pati rin dito kay caily. Third, ako, reason ko is may gusto ako sayo para lumayo layo siya sa akin. Fourth si elan, ngayon na away niyo ni elan, dahil kay caily. Ano-ano na yung sinasabi ni caily duon kay elan"
I got speechless for a while pero naalala ko yung sinabi ni kuya elan sa akin kanina
"Does she have a major depression?"
"She doesn't have. Kung hindi lang ako makulit hindi ko malalaman yung totoo"
"Then bakit naganap yung food poisoning?"
"Hmm.. Target niya ngayon si elan and then how many times ka na pinagselosan ni caily and she knows that your weakness is felix. He use felix para masira yung relasyon niyo ng pinsan niyo."
"She's so manipulative. How could she-"
"Shh they're coming"
Tumingin siya sa likod ko at napatingin na rin ako. Nakita ko si riggs, cast, kuya elan, at si caily. Tinitigan ko ng mabuti si caily na parang kanina lang na papalapit sila ay ang tapang tapang ng mata, ngayon parang maamo na pusa.
"Oh anong ginagawa niyo dito?"
Tanong ko at tinignan ko si caily ng matalas na tingin kaya napansin naman ni kuya elan yon at hinila niya papatalikod si caily
"To visit felix. Bakit, hindi ba pwede?" sagot ni kuya elan.
Pinauna niya ng pasok si caily pero hinarangan ko siya ng kamay ko at tinignan ko siya ng masama. Si kuya elan naman nakatingin sa akin na parang gusto niya ako ulit saktan pero nag smirk lang ako at tumingin balik kay caily.
"You wanna play? Then let's play for just the two of us."
Bulong ko sa kaniya at ningitian ko siya pero hindi ko inaasahang mag reresponse siya at duon ko na napagtanto na totoo na nga talaga yung sinasabi ni knoxel sa akin kanina.
"Okay then" Ngumiti siya sa akin at tinignan niya si kuya elan. Sa ngayon ay nagpapaawa siya kay kuya elan. Kaya tinulak ako ni kuya sa side para makadaan sila.
Agad naman akong lumapit kay knoxel para mag tanong
"Alam ba nila cast at riggs yon?"
"Oo"
"Bakit wala silang ginagawa?"
"Hindi ko rin alam"
Tinignan ko lang ng matagal si knoxel at nag decide na ako na umalis. Nag ring yung phone ko at nakita ko na tumatawag si daniel sa akin.
"Hello?"
"Daree, need your sign today."
Tinignan ko yung date ngayon. Nakalimutan kong signing of books pala ako ngayon.
Dali dali akong pumunta sa storage kung saan isisign ko yung mga libro.
---
Mga isang oras rin yung byahe bago ako makapunta sa storage na mukhang office.
Pagkababa ko palang ng sasakyan ang bungad sa akin si daniel na nag mamadali.
"May 70 books ka pang isisign. Nakalimutan mong isign nung book signing mo sa mall."
"Btw, kailan ka mag pupublish ng isang book?"
Wala pa ako nakapagsalita ay may bagong tanong na siya agad sa akin. Kaya tumigil ako sa paglalakad at tinignan niya lang ako na parang kasalanan ko pa ngayon
"Ikaw na mag sign. Ikaw na gumawa. Daming alam."
Tumawa lang siya at pumasok na kami sa loob. 70 na lang naman kaya na ng powers ko.
"May nililigawan ka ba?" Agad akong tumingin kay daniel, baka kasi hindi ako yung kausap niya.
"Ah? ako ba?"
"Ah hinde. Yung pader"
"Of course you! may nakikita ka ba na hindi ko nakikita? dalawa lang tayo dito oh"
"As of now wala naman. Bakit mo natanong?"
"You look good today parang in love." Ngiti niyang sabi habang nilalabas yung mga libro sa box
"I am stress. And walang chix duon sa class namin kaya."
"Wow so you're telling me you are in born handsome huh?"
"Not my words" Patuloy pa rin ako sa pag sign at nasulyapan ko si daniel na nag snob sa akin
"Whatever daree"
---
Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na rin. Namaalam na kami dalawa ni daniel dahil yung jowa niya nireregla at kailangan ng kaaway. Buti na lang ako single at chix lang ang alam, pag wala choice duon tayo sa chupapi.
Umuwi na lang ako sa bahay at dumeretso sa kwarto. Naligo ako agad at nanood, katagalan nagsawa na rin ako kaya pumunta ako sa desk ko at nag sulat sulat ng kung ano ano.
["People used to hate them, but can't resist to love them", "Why does love comes in a wrong time?", "If happy ever after did exist?", "Make the impossible to possible", "It is hard to advice when you can't also apply it to yourself".]
[Sigh]
"Take a deep breathe daree." Pinikit ko yung mga mata ko at huminga ng malalim. Unti unti kong nararamdaman na nahihilo ako, sinubukan kong tumayo pero nawawala yung balance sa katawan ko.
"Ma..." Bigla na lang ako nahulog at..
--
"Daree? Daree?"
Nakita ko si Knoxel na nakatingin sa akin na parang nag aalala kaya agad akong umupo at nakita ko silang lahat na nasa kwarto ko na maliban kay kuya elan at felix
"Nahimatay ka anak. Stress ka daw sabi ng papa mo"
"ahh ganun po ba ma? Ano oras na po?"
"It's already 1am"
Lumaki mata ko at agad kong kinuha yung cellphone ko at 1:30 na pala ng madaling araw bakit gising pa sila.
"Buti na lang si knoxel nakauwi dito yung paguwi mo na rin."
"mhmm." tumango si knoxel
"Ahh.."
"If you need anything anak bumaba ka lang ha"
"opo" Unti unti na silang lumalabas isa isa at ako nakatulala lang at iniisip yung nangyari kanina.
Sa ilang minuto na lutang ko nag decide ako na ayusin yung uniporme ko para bukas sa klase ko. MWF lang klase ko kaya advantage na rin sa akin yon. Pagkatapos ay inayos ko na yung mga kalat ko sa kwarto.
Tumingin ako sa salamin at nakita kong papawala na yung abs ko kaya kinuha ko yung yoga mat na meron ako, kinuha ko rin yung dumbbell sa kwarto ni felix at mag exercise. Isa to sa mga nakaka relief ng mindset ko.
---
/Knock Knock/*
"Come in"
Nilingon ko kung sino yon at si kuya elan lang pala kaya pinagpatuloy ko yung pag exercise ko at hindi ko siya pinansin. Nakita ko siya na umupo sa kama ko. Saglit lang siya natahimik at nag decide na putulin yung katahimikan naming dalawa.
"I'm sorry" Yung deep voice niya at ang cold ng pag kakaconstract niya pero mukhang sincere.
Tumigil ako sa pag dudumbbell at tinignan ko siya na walang emosyon. Titigan lang kaming dalawa. Mag sasalita na sana ako kaso nagsalita siya ulit.
"I'm not actually mad at you. I know everything, knoxel explained it to me everything bago pa man tayo mag away"
"Then?"
"Muntikan na kitang masuntok kanina because i saw caily standing in front of your door to make it sure na totoong nag aaway tayo"
"Huh?"
"I know caily is a manipulative person. I want her to feel how to be betrayed by someone. I know that revenge is bad, but i'm doing this for food poisoning to felix"
Unti unti ko na naiintindihan kung bakit ang babaw ng galit niya sa akin kanina. Medyo nakonsensya ako sa ginawa ko kanina sa kaniya.
"I'm sorry too"
"You don't have to say sorry. Everything is fine bro"
Tumayo siya at lumapit sa akin para tapikin ako. Ngumiti ako at bumalik sa pag exercise.
"We're going have a nice game. Tsk." bulong ko.
---