"Do you have a girlfriend?" agad siyang tumawa sa tanong ko. Ako na tinitignan lang siya habang tumatawa.
"Oh anong nakakatawa sa tinanong ko?"
Kinuha niya yung phone at pinakita niya sa akin yung babaeng kasama niya at yung recent phone call niya.
"Ah you mean earlier? It was my mom. Tawagan lang namin yung love. Love can be called to anyone so why not diba?" tawang sabi niya
Nag crossarms ako at tinitigan siya.
"Did knoxel tell u that i have a girlfriend. Didn't he?" pinupunas niya yung luhang tumutulo sa mata niya sa kakatawa.
Naalala ko yung sinabi ni knoxel sa akin kanina sa library kaya napatigil ako at tumahimik kami ng saglit. Baka kasi bigla kong masabi lahat sa kaniya. Magiging kasalanan ko pa yung FRIENDS OVER nilang dalawa.
"N-no.. Curious lang ako kanina kasi yun yung dahilan kung bakit ako nagising kanina."
"Aigoo~ Alam mo magkakaroon ka rin ng girlfriend soon. Lucky yung babaeng katabi mo sa classroom kanina." Tumawa siya at tinapik niya balikat ko
"Seriously cast? si caily talaga? ang daming chix duon si caily talaga?"
"So you're telling me. You're interested to someone in your class?" Okay i gave up.
"Sakit mo sa ulo cast" Kinuha ko si snowball para bumaba. Bago ko pa man mabuksan yung pinto.
"Which one?" tukso niya
"Hmm! bastos mo gago" tinapon ko sa kaniya yung stuff toy na nakapatong sa lamesa.
Agad akong tumakbo papalabas at nakita ko si tita eli at mama na nag chichikahan kaya bumaba ako agad para igreet sila.
"Good Afternoon ladies! Nasaan po sila?" Nag bless ako at bineso sila
"Sila elan ba anak?"
"ay hindi, ma. Sila daree siguro" biglang nag seryoso si mama kaya tumingin na lang ako kay tita.
Ang laki ng ngiti ni tita na parang akala mo mag sisingil ng utang sa akin ah..
"How's your school, langga?"
Nakoo tita kung alam mo lang. Ang daming ganap, gulong gulo ako kung trip lang ba ni knoxel yung pag amin niya. Yung caily na bwisit na yon or si cast GRRR ROR.
"Okay naman po medyo nakakapagod lang" laki ngiti kong sagot
"Intindihin mga anak mo" bulong ko at nag papasalamat na ako na hindi nila narinig yon
"Ayus ayusin ng mga trabahante mo yung mga paglagay ng grado ha! Mamaya they just look at their visuals not their skills"
"Tanga mo alam mo kakakpop mo yan" sagot ni tita kay mama.
Nag aaway sila na parang mga highschool students. Wala na ako matopic at tsaka usapang MATATANDA naman yon kaya pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Water is a must! dapat a Must!
Binaba ko si snowball and accidentally ko nahulog yung baso at agad na tumakbo sila mama papapunta sa akin na nag aalala.
"Anong nangyari? okay lang ba yung baso?"
"Ah talaga ba ma?"
Nasa kalagitnaan kami ng seryosong moments. Ay hindi ko na talaga alam baka lalayas na ako bukas, ako na mag adjust baka nahiya lang siya.
Hinila ako papalayo sa baso na nabasag at niyakap niya ako at chineck niya kung may sugat ba sa katawan ko.
"Nasugatan ka ba anak?"
Ngayon wala ng biro yung pag aalala niya sa akin kaya hinarap ko yung mukha niya sa mukha ko.
"Okay lang ako, ma. Don't worry"
"Thank you"
Agad niya akong niyakap at nililigpit na nila manang yung baso. Tinignan ko si tita at tsaka si cast na parang na cringe pa. Kaya tinapik ko si mama para kumalas na siya sa pagkakayakap.
Bumalik na silang lahat sa ginagawa nila ng biglang may tumawag sa akin.
*Felix calling*
"Hello? Ano man felix?"
"Hi? Is this Dario Cree Madden?"
Ibang boses yung narinig ko at may mga ambulance akong narinig sa kabilang linya. Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Yes? This is his brother? what happened? nasaan po si felix? is he okay?"
"Yes, everything is okay. You're brother is under the test pa po because na food poison po siya. I'll text to you the hospital para po mapuntahan niyo. Thank you."
"Ah.. okay po salamat" Binaba ko na yung call at tsaka ko sinabihan sila mama.
Agad agad kaming sumakay ng sasakyan. Si tita eli at cast nasa ibang sasakyan tapos kami ni mama yung magkasama
After 40 minutes nakarating na kami sa hospital. Hinanap ko yung room ni felix at nakita ko si Knoxel na nasa lobby na nakaupo.
"Nasaan si Felix?" nagulat siya ng makita niya ako. Napalitan ng pag alala yung mga mata niya at nanginginig.
"Nasaan!?" Hindi ko na napigilan na masigawan si felix. Mas lalo siyang natakot at hindi makasagot.
"Nasa room 212" Narinig ko yung boses ni kuya elan na papalapit sa amin
"You better go there. Knoxel is in shock. You should not treat him like that"
"Shut up" Sa sobrang inis ko yan na lang ang nasabi ko at bilis bilis kong mag punta sa room na sinabi ni kuya elan.
Nang nasa harap na ako ng pinto, huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pinto.. Nakita ko si riggs na naka upo, si felix naman natutulog. Nilapitan ko si riggs at tinapik siya.
Tumingin siya sa akin na pulang pulang yung mata at puno ng pag aalala yung mata niya. Kaya ngumiti ako at hinaplos yung likod niya para sabihin na gagaling si felix agad.
Tumayo siya at hinila niya ako papalabas ng room.. Kakapasok ko palang, lalabas na naman.
"What happened?" ang tagal niya nag isip bago siya makasagot
"Nafood poison siya"
"saan?"
"Nag invite si caily na kakain kami sa yellow cab and then everything is good naman tapos nakakapagtaka kung bakit si felix lang yung na food poison"
Hindi ko alam kung ano yung irereact ko. Natulala lang ako. Sinisink in ko kung bakit si caily pa yung gumawa. Mag fofood poison na lang obvious pa. Caily, ayus ayusin mo naman.
"I'm sorry.. Kung hindi ko lang ginamit si felix para mag break kami edi sana hindi siya ganyan"
Lumaki yung mata ko sa sinabi niya. Kilalang kilala ko kung anong ganap sa kapatid ko pero i didn't expect that scenario na naganap sa kanila. Yung dugo ko kumukulo.
Habang tahimik si riggs nakita ko yung hinayupak na babae na paparating sa amin na parang mag mamakaawa pa. Lumapit ako sa kaniya at tsaka ko siya sinampal. Kahit lalake ako, kaya kong manapal ng babae. Sayang nga hindi siya lalake para deretsahang suntok.
Tinignan niya ako at napahawak siya sa pisnge niya habang tumutulo na yung luha sa mata niya. As of now wala akong nararamdaman kundi galit. Sila cast pinipigilan na ako at sila kuya elan nilalayo na sa akin si caily pero nag patigil siya.
"I didn't meant to do that" nanginginig niyang sabi
"Sa susunod galingan mo yung pag food poison. Yung nakakamatay para yung ginawa mo babalik sayo-"
"DAREE ENOUGH!"
"HOW COULD YOU TO STOP YOUR COUSIN LIKE THAT? PINAGTATANGGOL NIYO YUNG MALANDING BABAE KAYSA SA PINSAN MONG NA FOOD POISON HA!?"
"YOU DON'T KNOW EVERYTHING DAREE. SO KIND U PLEASE SHUT YOUR MOUTH!? YOU ARE OFF THE LIMITATIONS!"
"I DON'T KNOW EVERYTHING BECAUSE YOU LIKE TO LIE TO ME AS IF WE'RE NOT FAMILY!"
"Sorry daree"
"Sorry your as$"
Hindi ko na napigilang umiyak at pumasok na ako sa loob ng room ni felix. Umiyak lang ako ng umiyak kasi hindi ko napigilan yung emosyon ko.
Nang Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.
"Ay baklang kabayo" napatayo ako sa kinauupuan ko at nakita ko si felix na minumulat na yung mga mata niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung tatawagin ko ba sila or yung nurse or wag na.
Ngumiti lang sa akin si felix at naramdaman ko na tumulo ulit yung mga luha sa mga mata ko. Agad ko namsn siyang niyakap at umiyak ulit.
"I'm o-okay..." Ang hina ng boses niya. Mararamdaman kong may dinadamdam pa siyang sakit
Hindi na ako nag salita, niyakap ko lang siya at tinatapik tapik niya lang yung likod ko.
Narinig ko na bumukas yung pinto kaya kumalas na ako sa pagkakayakap. Nakita ko si mama na pumasok at umiiyak kaya nilapitan ko siya para yakapin pero dumeretso siya kay felix kaya wl na ako magawa.
Sumunod yung iba na pumasok. Hiniram ko kay mama yung susi ng sasakyan at na decide ako na umalis na muna. Okay na sa akin na gising na si felix. Kaya wala na ako proproblemahin.
Hindi ko alam kung saan ako papapunta basta nag decide yung paa ko na istop yung sasakyan sa makita yung cities at fresh air
"Hmm wahh Thank you" bulong ko at sinara ko yung mga mata ko para mafeel ko yung hangin...
---
Mga isang oras na ako nag tambay kaya nag decide ako na pumunta ng starbucks at mag order ng food para sa aming lahat. Dumeretso na ako ng bahay kasi alam ko na sa bahay sila dederetso pagkatapos dahil dalawa lang yung pwedeng mag bantay sa hospital.
Agad akong pumasok sa room ko at nag lock. Chineck ko yung social medias ko at walang update kahit kanino kaya ng decide na ako matulog ng maaga since 10:54 na.
Hindi ko kayang humarap sa kanila baka kasi iiyak ulit ako tapos maawa sila sa akin.
---