Felix POV
Sinasamahan ako nila riggs and kuya elan para hanapin yung room ko. Sina cast and knoxel naman andon kay daree. Nasa second floor ako ng building namin, balita ko kasi na iisang building lang ang Nursing, Psychology, medicine, and medtech. Habang nag lalakad kami, nakita ko na yung psychology room. dali dali ako pumunta duon, yung dalawa naman sinundan lang ako at himala hindi maingay.
Andito na kami sa harap ng classroom ko. Wala pang prof at konti palang yung mga students sa room. Bago pa man ako makapasok, nilingon ko yung dalawa at tsaka sumilip sa classroom namin.
"There's a lot of chix, riggs" [giggles]
"yeah you're right"
"haynako" tinignan nila akong dalawa at tsaka ko silang inisnob
"Kung chix man lang habol niyo dito, umalis na lang kayo" nag crossarms ako at tsaka ko sila tinarayan.
Ng mga ilang segundo ay nakita ko yung professor namin sa likod nila riggs na papunta sa classroom kung saan kami naka tayo.
"oh umalis na kayo, andyan na prof namin" tsaka ko sila tinutulak papalayo na wala silang kamalay malay
"goodmorning, sir." I 90 degree bow at him. Ngumisi lang siya at tinignan niya yung dalawang gurang na hanggang nayon ay hindi pa umaalis.
"You must be the son of the owner of this building, right?"
Tama ba yung narinig ko? may ari? ng b-building??
Tumingin ako sa dalawa. Tinignan nila ako pero bigla silang umiwas ng tingin sa akin. Imposible yung pinsan ko eh buong buhay nito alam namin.
"Do you know this two? Mr.madden?"
tumingin ako kay prof at nakatingin na pala siya sa akin habang tinuturo niya yung dalawa. Wala na akong masabi kaya tumango na lang ako. Tinignan ko yung dalawa na nakatingin sa sahig pati sa labas ng building.
"Regards to your family Mr.Montefalco. Mr. Madden come inside" Ngumisi lang siya at pumasok na ng room.
Tinignan ko yung dalawa ng masama at nilapitan ko si riggs para warningan.
"Don't you ever misbehave that will affect my acads like u did it before"
Tsaka na ako pumasok sa room. Hindi na ako pinakilala ng prof kaya pinaupo niya na ako agad, since late naman ako pumasok. wala na siyang time to discuss kung mag papakilala pa ako.
Nilapag ko na mga gamit ko at nag simula na akong makinig. Topic agad namin Major Depression. Talagang madedepress ka...
---
(Flashback)
12th grade of senior high
"Oh felix bakit ka umiiyak?" nilapitan ako ni daree at kinuha niya yung mga kalat sa sahig at niligpit
"Anong nangyari sa project mo?" puno ng alala yung mga mata niya
"Sinira ko." Pinunasan ko yung mga luha sa mata ko at tsaka humiga sa kama ko
"ha? bakit!?" Patuloy niya parin pinagliligpit yung mga kalat. Advantage pala pag umiyak ka, nagiging mabait kapatid mo sayo.
"Because of riggs.."
Bigla niyang binitawan yung hawak niya na stick at box at tsaka akong tinignan na walang emosyon. I started to panic, kasi once na ganyan looks niya, mag wawaras talaga yan.
"Forget about it" [Sigh]
Lumapit siya at umupo sa kama ko
"I won't confront him. Tell me what happened"
Hindi na ako nag dalawang isip na sabihin sa kaniya kasi alam ko mag susumbong siya kay mama pag hindi ako nag salita
[Sigh] "Okay. My teacher lower my grades because of riggs. Pinagkalat ni riggs sa buong school na nililigawan niya ako."
Nakatingin lang siya sa mga mata ko at nakikinig kaya pinagpatuloy ko
"And That teacher has a crush on riggs and aware si riggs. Kaya niligawan ako ni riggs para makaiwas duon sa teacher."
Sa 12th grade namin ay nag separate na kami ng school ni daree, hanggang sa mag 2nd year of college kmi. Parents rin nila riggs yung may ari ng school na pinag-aaralan ko.
"Aware ako na alam ko yung dahilan pero hindi siya aware na alam ko lahat ng reasons niya"
"huh?" Nag roll ako ng eyes sa hindi niya maintindihan yung sinabi ko.
"Hindi niya alam na alam ko kung bakit niya ako niligawan."
"ahh"
"Kaya yung teacher nainggit kaya binabaan yung grades ko and ang worst duon 2 weeks na ako pinapahiya ng teacher ko without the help of that hinayupak na riggs" Hindi ko na maiwasang umiyak sa harap niya.
Tinitignan pa rin niya ako na nag aalala kaya pinilit kong itigil yung iyak ko at pinunasan ko ulit. Niyakap niya ako para icontinue ko yung pag iyak ko. at yon na nga bumuhos na lahat.
"He don't deserve u. Dare dare pa nalalaman"
"After ng 2 weeks na yon tsaka pa niya kinausap yung teacher and because of the pity pinapataas niya sa teacher yung grades ko"
Kumalas siya sa pagkakahug sa akin at tsaka lumaki yung mata niya. sasabog na to sa 1 second lang
"What!?"
I told yah
"Ayaw mo non!? tinaasan na grado mo"
Kinakal ko siya at tinignan ng masama
"Akala ko pa naman ikinakagalit mo yon ha! Hindi ka ba nahihiya or what? Siya na may kasalanan siya pa may ganang maawa sa akin ng ganon?"
"have point"
umupo siya ng dahan dahan sa kama pero hindi ko na siya pinayagan. Kaya nag pulot na lang siya ulit ng kalat sa baba.
"You know how acads is important to me. I want to work hard on it, just to make you all proud of me"
Humiga ako at huminga ng malalim. Nakakapagod palang umiyak at mag isip. Sa selos masisira lahat.
"You always making me proud. Mama and Papa are always proud of you, you can't see it because you feel that u don't have their attentions because of ur stress"
Natouch ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. Natahimik saglit yung paligid at nakikita ko si daree na binubuksan yung pinto ng dahan dahan. Akala niya siguro tulog ako.
"Thank you for everything daree. Love u"
"Love u too"
tuluyan na siya lumabas ng kwarto... This November aalis na yung apat papuntang Canada. They decided to move there. Wala, kasi trip nila yun lang.
Dahan dahan na sumasara yung mata ko at nag go with the flow na ako kasi i'm so tired of everything...
"hay goodluck self"
(end of flashback)
"Felix? Felix? Wake up" Naririnig ko yung boses ni riggs na parang ginigising ako.
Dahan dahan ko ni mulat yung mga mata ko at nakita ko silang tatlo na naka upo. Tinignan ko yung paligid at wala na tao maliban sa aming apa-
"Ha? anong nangyari?"
Tinignan ko silang tatlo at itong si kuya elan naman nag pipigil ng tawa.
"Nakatulog ka. Kanina ka pa ginigising pero hindi ka daw magising" sabi ni cast
tinignan ko si riggs at gusto na ring tumawa kaya kinuha ko yunv salamin sa bag para tignan kung haggard ba ako or hindi. Baka kasi may picture na ako sa mga cellphone nila.
"Isang oras kang tulog since dismissal na kayo" sabi ni riggs
"hang over yan felix?" tinignan ko ng masama si cast at tsaka ko na niligpit yung mga gamit ko at lumabas.
Tinignan ko yung oras at 1pm na pala. Habang nag lalakad kami sa hallway, may naramdaman akong may kulang.
"Btw" lahat sila napatigil sa paglalakad, even me.
"Asan si knoxel?" Tinignan namin si cast kasi sila naman yung magkasama kanina
"Nasa library" sagot ni kuya elan.
kaya napatingin kami sakanya at tinignan niya kaming tatlo na nag tataka
"ahh kasi he just texted me earlier that he will go to library" yun naman pala eh..
"At talagang si knoxel yung unang hinanap mo ah. Yieee ikaw haaa" tukso sa akin cast.
Napatingin ako kay kuya elan na nakatingin kay riggs, at si riggs nakatingin sa amin dalawa ni cast.
"Btw, si daree nga pala?" tanong ni kuya elan
"Hmm! yun ang dapat na tinanong mo kanina, felix" tinignan ko ng masama si cast kaya tumahimik
"Available yung book na hinahanap niya sa library. For sure nasa library din yon" sabi ko
"Hmm! nasa library. Yung dalawa nasa library ahh" sabi ni riggs na nakatingin kay cast.
Kaming dalawa ni kuya elan ay nakafeel na ng awkwardness kaya pinutol niya na yung katahimikan naming apat
"Let's go. I'm hungry. Let them two spend their times, baka naman hindi yon magkasabay" sabi ni kuya elan at tsaka inakbayan si cast.
Wala na ako magawa kundi sundan sila. Gutom na rin kasi ako eh.. ang suspicious ng mga to. Aish!
---