Chapter 6

2137 Words
"HAHAHAHA picturan mo dito oh sa harap wag puro side lang" "Teka lang! lahat na ng angle kunan natin" "bilisan niyo magigising na yan" Naririnig ko na may mga daga sa harapan ko. Nagising ako sa mga tawa at ingay nila, dahan dahan kong binuksan yung mata ko. At nakita ko si riggs, cast, and knoxel sa harap ko. wait.. si rig- "wahhh!!!!" "hmm! ang ingay mo!" "aray naman knoxel!" Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang lakas ba naman ng pagkakakal. Halos buong kaluluwa ng utak mo, lumabas na. "ang pangit mo pala pag tulog" Tawang tawa naman tong dalawa sa sinabi ni riggs. Umagang umaga palang nang aasar na. Iuwi niyo nga si Jake! siya yung gusto kong makita tuwing umaga! Hindi ko na sila pinansin at nag deretso akong banyo para maligo, baka kasi mabwisit lang ang araw ko ng dahil sa kanila. "ayan nag tampo riggs suyuin mo" "HAHAHAHA si knoxel ang dapat susuyp jan tutal may gu-" "shh! ano ka man bad trip na yung tao iinisin mo pa" sabi ni knoxel narinig ko na isa isa na silang lumabas ng kwarto at itong riggs ayon tawa ng tawa hanggang makalabas ng kwarto ko. Lakas ng tama, tutal papansin kay felix yon. Huminga ako ng malalim para makuha ko yung positivity sa buhay ko at tsaka ako tumingin sa salamin. Iniisip ko kung bakit ganon pa rin si knoxel after mag confess sa akin kagabi. Hindi ba dapat awkward na pag ganon? siguro trip niya lang akong asarin kaso hindi lang ako naasar. "Aish! jebal! please ironman help me!" Nag dadabog na ako papunta sa shower at tsaka naligo, syempre, baka gusto mong sumama? chariz! --- After 30 mins maligo. OO, 30 MINUTES. Nag prepare na ako para bumaba. Simple lang damit ko. naka jogger, oversize white T-shirt and slippers. Bumaba na ako at nakikita ko na silang kumakain kaya binilisan ko na yung pagbaba ko para makasabay sakanila "asan sila papa at mama, felix?" "Nag date ang dalawa" sabi ni felix habang puno pa yung bunganga niya "ahh okay" Umupo ako sa tabi ni felix at kumuha ng pagkain. habang kumain kami ng TAHIMIK. Milagro diba, pero ang awkward naman. Pero hinayaan ko na lang kasi wala naman ako matopic. Tinignan ko si kuya elan na pabalik balik tinitignan yung orasan kaya tinanong ko siya. "What's wrong kuya?" lahat sila tumigil sa pag kain at tinignan ako at si kuya elan. "Don't you have class today?" "huh? class?" kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang schedule and date. "Wahh!!!! kuya bakit ngayon mo lang ako sinabihan!?" "Huh!? may class!?" napatayo si felix at lahat naman sila nagulat at pinagkukuha ang mga cellphone. "Monday pala ngayon and it's already 8:36!!!" sabi ni felix at agad na inubos ang pagkain niya "why? what time pala class niyo?" tanong ni kuya elan at ako inuubos ko na pagkain ko kaya si riggs na ang sumagot para sa akin "You know philippines starts their class at 7:30" "Ohh yeahh.. Nasa ph pa pala tayo akala ko nakauwi na tayo ng canada HAHAHA" "good for u starts ng class niyo 9" sabi ko at ngumisi lang sila "talk tayo later, knoxel" "For what?" "For confirmation" "confirmation of what?" "confirmation ng tae mo" Inisnob ko siya at umakyat na ako papunta sa room ko, because i don't have time to answer his question anymore. First day of class tapos late, my gosh! --- Pagkababa ko ng hagdan nakita ko sila na nakapanglakad maliban kay felix na naka uniform. "oh saan lakad niyo?" tanong ko "hatid daw tayo. mga bida bida kasi, gusto lang papogi sa school" nanlaki yung mata ko sa sinabi ni felix at hindi pa rin nakakapaniwala na sasamahan nila kaming dalawa. Tumango na lang sa akin si felix para sabihin na pumayag na lang kasi wala sila mama at papa para mag hatid. "Pasalamat na lang kayo na may poging mag hahatid sa iniyo" sabi ni Cast "Hay nakoo sasakyan ang mag hahatid sa amin hindi kayo" tsaka ko sila inirapan Nauna na akong pumasok sa sasakyan at sumunod sila na nag tatawanan pa. Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa makarating na kami sa school. Ibang course ni felix sa course ko.. Ako Nursing, siya Psychology. Nangmakarating na kami sa school mga 8:50 na. Bumaba ako pati silang lahat bumaba rin. "Oh hanggang classroom sasamahan niyo kami?" cross arms kong sabi "Advantage oag may kasama kang gwapo, hindi ka papagalitan" sabi ni knoxel tsaka nag rock rock sign Adik ba to sila? kung mukha oo, i highly agree. Inisnob ko lang talaga sila at tsaka ko hinila si felix papasok ng building. Nang nasa loob na kami, wala na halos tao dahil nag sisimula na sila mag klase, si felix umiba ng landas dahil nasa 2nd floor yung course niya. Ako? patuloy pa rin ako sa paglalakad para hanapin yung classroom ko. Hanggang sa may tumawag sa akin. "Mr. Madden?" Tumalikod ako sa narinig kong deep with cold voice. Bago ko makita yung tumawag sa akin, unang nalanghap ng mata ko si cast at knoxel na lang yung natira. Tumatawa sila na walang tunog. Itong knoxel nakahawak pa sa bibig at tiyan. Si cast naman, kasya na yung isang daang bubuyog sa bunganga niya. "Mr. Madden? why are you late?" tinignan ko yung professor ko. Hindi ko magalaw katawan ko at hindi ko mabuka yung bibig ko kaya tinaasan ko na lang ng kilay si sir. "Mr. Madden!" duon palang ako nabuhayan at agad ko siyang sinagot "po? sir?" "why are u late in your first day of school?" "I was lost po. I can't find my classroom po" yumuko ako dahil nahihiya na ako "Why it takes 1 hour to find your room huh?" "po?" yun na lang yung nasagot ko at naririnig ko silang dalawa na tumatawa sa likod ng professor ko. Tinignan ng professor ko yung dalawa at nilapitan kaya napatigil yung dalawa sa pagtawa at tsaka inayos yung damit ni nila to look professional "what's so funny boys? Are you a nursing students too?" ang lalim talaga ng boses ni sir at tsaka cold pa. kung hindi lang ba mukhang 30+ to ay nako jojowain ko to. "Sinamahan lang namin si daree to find his room" sabi ni cast "and so?" tumingin siya kay knoxel at magiging dahilan na kabahan siya. Nilapitan niya si sir at inakbayan tsaka nag papogi "I have children and wife. And in Fact you're not attractive to fall for. And lastly Mr.Madden is old enough para samahan niyo" "Pffft!" agad kong tinakpan yung bunganga ko at nakit ko yung professor ko na nakatingin sa akin. Binaba niya yung kamay ni knoxel at humarap na siya sa akin. Ano to dating sundalo ba to? Walang emosyon pati pag lakad akala mo may sampung bibeng dala. "Your room is just in front of you" "But, you are the one who's in front of him" agad kong tinignan ng masama si cast for being rude to my professor Hindi na sila pinansin ni sir at hindi ko na rin sila pinansin tsaka ko lang sinunod yung professor ko papasok Bago pa man ako makapasok nakita ko si knoxel at cast na nakangiti sa akin at tinaas nila yung kamay nila para mag wave kaya nag wave na rin ako. "Mr. Madden, kindly introduce your name to the class" umupo si sir sa table niya at tsaka nag cross arms. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin at ang tahimik. Tumingin ako sa bakanteng upuan at kung sineswerte nga naman talaga ako, sa window ako banda ack! Tinignan ko kung sino yung katabi ko, at agad nanlaki yung mata ko ng makita ko siya na nakatingin sa akin na nakangiti. Yung ngiting nang-aasar or plastic na ngiti ganon. Humingina ako ng malalim at tsaka nag pakilala. "Goodmorning, everyone. I am Dario Cree Madden. Nice to meet you" "Okay. You can sit beside of Miss Gomez" Nag bow lang ako at dali dali akong pumunta sa upuan ko. Habang inaayos ko gamit ko, tinigtignan lang ako ni Caily. Hindi ko siya pinansin o kahit sinulyapan dahil ayoko lang sakanya, bakit ba. --- Pagkatapos ng boring class, nag alarm na for lunch time and uwian time yey! Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit ko. Bago pa man ako makakaisang hakbang papalayo ng upuan ko may himarang at inabot niya sa akin yung kamay niya na parang gusto niya pang makipag shake hands. Huminga ako ng malalim, I rolled my eyes secretly and inabot ko rin sakanya yung kamay ko. I wanna be rude, but not for now. "I'm Caily Abigail Gomez" Ngumiti siya ng malawak. As of today totoong ngiti ang nakikita ko. "I know you." Sabi ko at lumakad na ako papalabas. Bago pa man ako makalabas ng tuluyan, may sinabi pa siya. "I know you too.. The one that knoxel topic for!" sigaw niya Napatigil ako saglit pero lumakad na ako papuntang library. Medyo natriggered ako kaya gusto ko muna huminga bago ako makauwi ng bahay. "wahh ang laki" Hindi ko mapigilan mamangha sa laki ng library. Parang nasa The Starfield Library ako ng korea sa sobrang ganda! Agad akong pumunta sa librarian para tanungin if may available silang libro ni tyler at meron nga! Binigay sa akin ni ate librarian yung binabasa niyang tyler book na hinahanap ko. Kaysa hanapin ko daw, ipahiram niya na lang sa akin yung libro. "Thank you!!" agad akong tumakbo papunta at nag hanap ng table kaso occupied na. meron naman mga rooms kaya duon ako pumasok. "wah so nice and peaceful" Nilapag ko na mga gamit ko sa table at umupo na rin. Ang binabasa kong libro ay 'My Happiness'. This book is all about his last love na kinasal sa iba. When he started to fall tsaka nawala yung love ng taong gusto niya para sakanya. "Why do we fall once the one we like fall to another?" "It is because you are just in the stage to know him and set your love for him. i mean You already like the person, but you are just scared to commit." Hindi ko mapigilan mapatayo sa kinaupuan ko at matapon yung hawak na libro sakanya. Shock yarn? "araaaayy!" hinawakan niya yung ulo niya at ako. Ako? nag papanic kung anong gagawin. "Pano? kailan? haaa? bakit ka andito?" Tumayo siya para mapantayan ako at ngumiti. "dahil pogi ako" he just laughed. Kinuha niya yung libro at inilapag sa lamesa at tsaka umupo "bakit nga!?" irita kong sabi sakanya "hindi ba dapat ako mag tatanong nyan sayo" cold niyang sagot "akala ko naman kasi walang tao at tsaka paano ka nakapasok and students lang yung nakakagamit nito?" "tanga ka ba mag basa ha? hindi mo nabasa yung pagkakapasok mo dito na occupied ha!? At tsaka si mama yung may ari ng school kaya pake mo ba!?" Hindi niya na ako mapigilan sigawan kaya natahimik ako at nanigas. I never thought na nanay niya pala ang may ari nitong school. "Btw, ano nga pala pag-uusapan natin? ang sabi mo may pag-uusapan tayo FOR CONFIRMATION" ang sarcastic ng for confirmation ah. "Ha?" yan na lang talaga yung masasabi ko sakanya as so far kasi sinisink in ko pa lahat ng sinabi niya. Ngumiti siya at ginulo niya yung buhok ko at tsaka binasa yung libro. Hanggang ngayon tulala pa rin ako at wala kibo. kaya ayon natriggered yong bakla inuyog ako dahilan na magising yung aking soul. "Gumising ka tanga" "hmm! maka tanga ka naman knoxel" Kinakal ko siya at tumawa lang siya. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula, sa sinabi niya or sa confirmation. "aish!" "oh bakit?" "dami kong gustong itanong sayo knoxel!" "pasensya pogi lang" Tumahimik ako at tinitigan lang siya at mukha nahiya kaya binawi niya yung sinabi niya "di ka naman mabiro" patuloy niya pa rin pinalalaruan yung libro. Hinawakan ko yung kamay niya at tinignan niya ako sa mga mata ko, nakikita ko na kinakabahan siya at namumula. "wala pa nga knoxel, excited ka naman" binagsak niya sa lamesa kamay ko na parang nag tatampo pa. "Totoo ba talaga yung sinabi mo kagabi?" Dahan dahan siyang tumingin sa akin at tumigil sa pag lalaro ng libro "oo" with his straight to the point answer. "Since when and why??" "Before elan introduce us.." "I found you cute kaya humanap ako ng paraan para makilala ka. Classmate kami ni elan sa music class, but i never thought na pinsan ka niya. Not until pinakilala niya na ako sayo." mag sasalita na sana ako, hindi pa siya tapos mag salita. "But i stopped my feelings for you when you were in 10th grade. Kasi nalaman ko na gusto ka rin ni-" "Nino?" "Nothing" Pinutol niya yung sa sabihin at hindi ko na siya pinilit na tanungin pa. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD