(sigh) "Mind draining naman to" nakailang tapon na ako ng papel halos mapuno na yung basurahan ko kakatapon lang at hindi ko pa natatapos ang chapter 1 ko.
"Daree!" hindi ba siya marunong kumatok!?
"Ano? parang walang pinto felix ah" tumayo ako para mag strech. ang sakit na ng likod ko eh, buti sana kung nag totop to sa lahat. charot
"sabi ni mama pupunta ka daw sa cana-" agad na tinakpan ni mama yung bunganga ni felix
"lakas ma, ah. nakakatakbo pa pala kayo? 37 years old na yan oh nakakatakbo pa" bigla umiba ang timpla ni mama kaya tumahimik na ako.
"ano? saan tayo punta ma?"
"sa birthday ng kapitbahay kaya mag handa kana jan kasi makikikain tayo sa kanila" tsaka niya hinila si felix at niyayawyawan niya si felix sa baba HAHAHAA.
Magkaiba naman yung 'Cana' sa 'Ka' ng kapitbahay. ish! bakit ko ba iniistress ang utak ko? pagod na nga ako kakasulat. i mean wala pa naman. aish! kayo mag sulat! charot.
Humiga muna ako at tsaka nakatulala lang ako sa ceiling maya't maya kinuha ko yung cellphone ko para mag scroll sa i********:. Nakita ko yung post ni vicente sa feed ko tsaka ko hinart. syempre isang malanding nilalang dapat mag comment rin tayo.
/(☺?)/*
(/Vicente liked your comment*)
Of course hindi na ako nagulat kasi every comment ko sa post niya ay nililike niya tho wag tayo assuming kasi baka may jowa na HAHAHAHA. Vicente is an idol. He is in a group called Moon in music entertainment and i became their fan since 2017 until now 2018 and counting.
Pagkatapos ko lumandi, bumaba ako para kumain dahil nagugutom ako, para naman may energy ako tapusin yung chapter one ko noh.
Pagbaba ko sineswerte talaga ako. Nag order sila mama ng jollibee and J.CO ohemjiiiii! "mukhang masarap yan, ma. Ahh.." kukuha na sana ako nang makita ko na ang sama ng titig sa akin ni mama.
"Anong sabi ko sayo?"
"Ang alin ma? wag ba kunin itong food? wala ka naman sinabi ah" nag pout ako at tsaka may naramdaman akong tubig sa mukha ko
"aray ma!" binuhusan niya ako ng tubig sa mukha
"Ang sabi ko sayo mag handa kana kasi makikikain tayo sa kapitbahay ha!" papalapit na siya sa akin at unti unti rin akong umaatras
"akala ko kasi nag bibiro ka lang" tsaka na ako tumakbo papataas. Akala ko naman kasi nag bibiro lang sila non talaga.
"aish! nakakapagod naman. bakit hindi na lang sila ang lumunta doon, bakit pa kasama pa ako?"
"Bilisan mo na jan daree!" sigaw ni mama sa baba
"opo! patapos na!" tsaka ako nag dabog at niligpit ang mga gamit ko at bumaba.
Habang hinihintay ko sila matapos mga hayop sila pinapamadali ako tapos sila rin naman yung mabagal.
Habang hinihintay ko sila iniisip ko kung paano nag bibirthday yung mga pinanganak ng February 29 kung yung ibang year wala 29 sa Feb. Choss.. iniisip ko kung itutuloy ko pa ba yung feelings ko for Vicente? Vicente doesn't know that i exist and i am only his fan lang naman. And siya ang standard ng lahat kaya bakit pa ako mag aassume na kilala niya ako and in the future magugustuhan niya diba?
ang laki ng age gap namin ni Vicente 10 years mahmah! oh saan ka pa. And besides i like him not as an idol, but as Vicente Kim. "nauulol na naman yan siya kay vicente" sambit ni felix. Tsaka ko siya kinakal
"ikaw nga nauulol jan sa riggs mo eh hindi ka naman gusto" tsaka kinakal niya rin ako. Ahh bawian pala ah.
"di mo sure" tsaka siya tumakbo papasok ng sasakyan.
Habang nasa loob kami ng sasakyan napansin ko na ang tahimik nila. We are not like this before. Ang dami naming chika if magkakasama kami tatlo. Aish! para masira na tong nakakabinging katahimikan.
"what's wrong?" tsaka tumingin sa akin si mama
"hmm?" sambit ni felix
"ang sabi ko talo mo pa ang bingi" tsaka siya nag snob sa akin HAHAHA sarap mang-asar kung may nakakabata kang kapatid
"itigil niyo yan baka itong manubela ko lilipad papunta sainyo" sambit ni mama tsaka ako ngumisi
"sample ng ma HAHAHAA" sa sobrang lakas ng tawa ko may naramdaman akong papel sa bunganga ko. Nilagyan niya na pala ako ng tissue sa bunganga
"ingay mo daree" sambit ni felix
"edi wow" sambit ko
"yung anak ng kapitbahay natin umuwi galing Canada" sabi ni mama
"maka kapitbahay ka naman ma. parang hindi mo bestfriend yon simula nong high school pa kayo." sambit ni felix
"shhh! tumigil ka muna felix" irita kong sabi
"tapos ma? continue." sabi ko na puno ng curiosity
"kilala niyo naman yung anak ng tita eli mo diba?" tanong niya sa akin
"opo, si knoxel HAHAHA dugyot kabayo-"
"gago ka daree HAHAHHAHAHAA"
"hala ma oh nag mumura" tenta ko
"wala na yan matitirhan mamaya" sambit ni mama
"bleehh" tinignan ko si felix at ang sama na ng tingin niya sa akin HAHAHA skeriii
"uuwi si knoxel next month and i decided na isama ka sa pagpunta since doon rin naman nagtratrabaho daddy niyo as a doctor and andon rin naman si elan yung pinsan niyo so why not naman diba?"
bigla tumahimik ang paligid.
"at tsaka pag 18 na si felix siya naman ang sunod ehh" kung kanina ang ingay namin, ngayon naman parang gusto ko na lang matulog. Kasi naman another adjustment yon para sa amin. if they decided to move us edi sana since pre school pa.
"madali kasi makakuha ng trabaho sa ibang bansa mga nak kaya minove namin kayo doon ng daddy niyo"
"bakit ngayon lang ma?" sambit ni felix
"kasi wala tayong enough money before, hinihintay rin namin kayo lumaki to be independent kasi one of the practices is yung wala kami sa tabi niyo araw-araw"
hindi na ako umimik simula nunng pinagusapan na namin yung pagpunta ko ng Canada. it is hard to have a social anxiety. hindi ako marunong makipag halubilo sa mga tao noh.
buong byahe tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami sa venue kung saan yung birthday ng anak ng bestfriend ni mama.
●●●
"wahhh eli!!! its been a while now!" bungad ni mama kay tita eli na akala mo naman hindi nag chachat araw-araw
"its been a while ace! i missed you so much! ito na ba si daree and felix? ang gwagwapo naman nila oh" sambit ni tita
"sus tita ako lang to oh" bulong ko at my little pabebe moves
"huy wag kang assuming jan. lahat ng tita ganyan talaga" bulong ni felix sa akin tsaka ko siya inisnob
"ay thank you for your compliment tita" sambit ko
"thank you po. you looked so pretty too tita" sambit ni felix
"sus nambola pa" bulong ko tska ako tinignan ng masama ni felix
"ay baka nagugutom na kayo. kumain na muna kayo tsaka ko hahanapin si knoxel to greet you"
"gutom na talaga kami"
"HAHAHA i know langga kaya kumuha na kayo ng foods" oh m g? did she hear that?
"ayan bulong pa haha.." i did death stare to felix. tumahimik man lagi
"ay hehe okay po" sambit ko and ngumiti siya sa amin then she hugged again mama they are so sweet like siblings.
after 5 minutes...
ang sarap ng foods nila tapos may ice cream pa sila wahhh! kaso walang mint choc ang bastos.
habang kumakain kami for the second round i saw knoxel and tita eli going to our area.
"oh ohw not now please" bulong ni felix-
"wahhh felix diba crush mo si riggs?" bungad na malakas na asar ni knoxel tapos tinignan ko si felix na nahihiya na HAHAHA ang corny naman nito
"classmate kami ni kuya riggs so bilisan mo na mag 18 para makita mo na siya" asar na asar na si felix oh HAHAHAHAHA
"Mas matanda ako kaya umalis ka na nga" tsaka ko siniko si felix kasi andyan pa si tita eli
"i know pero yung height hindi" gago knoxel. Gustong gusto kong tumawa pero parang sinasabi ng utak ko na wag, kasi gusto na manapak ng blackbelter na si felix oh.. asar yarn?
knoxel looked at me like akala mo nakakita mg multo pero namumula siya version ganon.
"oh?" sambit ko
"ahhh! naalala ko na!" tumingin kami lahat kay felix at hinihintay mag salita. tsaka niya tinignan si knoxel kaya napatingin na rin ako, tapos napalitan ng kaba yung expression niya. Something's fishy
"crush ka pala ni knoxel da-" okay i heard enough as in gusto kong tumawa pero mas ginusto kong takpan yung bunganga ni felix kasi i feel like knoxel is giving up sa asar niya
"its okay HAHAHA knoxel dugyot kabayo-" siniko ako ni mama at tsaka ni felix
"umayos ka andyan pa yung nanay" bulong ni mama
tinignan ko si tita eli. nawala yung ngiti niya nakakatakot bakla.
"dugyot kabayo naalala mo pa ba yon knox?" pag change topic ko and tita eli feel relief
"ah? ahh oo" sambit ni knoxel
"ma, puntahan ko muna yung ibang bisita" then he clears his throat HAHAHA ang cute then si mama tumayo.
"sige mare aalis na kami kasi mag dedecorate pa kami sa bahay eh" sambit ni mama
"sige sige ingat kayo ah" they hugged again then we just waved. wala lang kasi trip namin bakit ba. while walking towards our car may sinabi si felix.
"nakita ko si riggs kasama ni knoxel" sambit ni felix habang naka poker face and i feel sad for him. Kasi naman nanligaw si riggs kay felix tapos kung saan nafall na yung kapatid ko tsaka pa sinabi na dare lang yon. Tapos ngayon ulol na ulol pa rin kapatid ko like, karma na sayo riggs iniistress mo beauty ko.
"i know" cold kong response
"tara na kasi may bisita pa tayo sa bahay" tinignan namin si mama
"sino?"
"sino?"
sabay naming sabi ni felix at ngumiti lang sa amin si mama.
●●●