Nasa sasakyan na kami tapos si mama hindi maalis alis yung ngiti sa labi niya, naktataka na ako kung bakit kaya tinanong ko na siya.
"ma, sino yung bisita?"
"Espesyal sa iniyo yung tao na yon" sa sinabi ni mama na yon mas lalo akong nacurious
tumahimik na lang ako buong byahe at si felix natulog na sa sobrang busog and pagod makipag-asaran kay knoxel.
A short story muna kung paano kami naging magkaibigan nila knoxel, riggs, and cast.
(flashback)
11th Senior high school kami ni felix sa Ateneo. Habang nag lalakad kami ni felix sa hallway kasi lunch time na namin, nakita namin si kuya Elan na may kasamang lalake, barkada niya siguro yon. Nakita kami ni kuya Elan kaya pinuntahan niya kami habang nakangiti.
"gwapo naman non" tinignan ko yung nagsalita.
"Gwapo na yan para sayo, felix?" nagtinginan kaming dalawa. Ang sama ng tingin niya sa akin, wala pa akong ginagawa.
"hey" tumigil kami sa harap ng room 11. May balak si kuya elan i introduce sa amin tong lalake na to.
"this is riggs transferee namin sa room"
"oh tapos? anong gagawin namin sa kaniya?" tinignan ng masama ni kuya elan si felix tapos ako syempre malandi.
"hi, i am Dario Cree, but you can call me daree-"
"kala ko ba ayaw mo magpatawag ng daree unless close kayo?" tumingin kami sa nagsalita
"pag sayo knoxel, oo, talagang hindi. we're not close kaya wag mo akong tinatawag tawag na daree"
.
Knoxel and I we're friends? I guess? ay para sa akin hindi. Si kuya elan rin yung nag introduce sa amin nung 3rd year HighSchool kmi and we're still bargaduhan. I mean siya lang duh.
"okay, love?" tumingin siya sa akin na nakakaasar na mukha.
"ba't ka ba andito?" taas kilay kong tanong at nag cross arms
"kasi nasa harap kayo ng room ko at nakita ko pagmumukha mo kaya lumabas na rin ako lunch time na eh"
"pake ko?" iniba ko yung direction ng tingin ko na maramdaman ko yung kamay niya sa leeg ko
"ano ba! hindi ako makahinga!" pinapalo palo ko siya at ang lakas niya. anong gamot ba iniinom nito bat ang sobrang tigas.
hinihila ko si felix para tulungan ako at yon si felix nakipag titigan kay riggs, si kuya elan namn tinitigan lang kmi
"that's enough knoxel kawawa si felix pag nawala yan"
wah parang ngayon lang ako nakahagip ng hangin. sobrang habol ko sa hangin kasi literal na hindi ako makahinga non. at wala man lang nagawa yung mga hinayupak na to. Inayos ko yung damit ko at nag pasalamat kay riggs
"SALAMAT HA! mas inalala mo pa kapatid ko kesa sa dignidad ko." sarcastic kong sagot
naramdaman kong may bumatok sa akin. si kuya elan "Sincerely thank him" wow ha. ako na yung nasakal tapos ako pa tong babatukan. Yung totoo may sama ba kayo ng loob sa akin? kung wala, ako, oo, meron.
"THANK YOU." sarcastic pa rin and nag snob. ito namang si knoxel nag pipigil ng tawa.
"tumawa ka na. wag kanang mahiya." sabi ko at sinunod niya naman. iritang irita na ako.
Kaya hindi ko siya pinansin at nag proceed na ako sa pag introduce ng name ko kay riggs
"We're the cousins of kuya elan"
I smiled then inabot ko sa kaniya yung kamay ko para makipag shake hands kaso parang wag na lang.
May naririnig akong daga na nagpipigil ng tawa niya. So i gave him a death stare tsaka nag snob.
Riggs just staring at me then ito naman si kuya elan parang nararamdaman niya nang awkward yung paligid dahil sa ginawa ni riggs.
"okay, this is felix young-"
"Younger brother ni daree and pinsan ni kuya elan. kung hindi mo narinig yung sinabi ni daree na pinsan kmi, problema mo na yon" Felix smiled at him then tinignan ko si riggs. Feeling ko talaga mag chemistry na mangyayari dito eh.
"Kuya, baka matutunaw na si felix sa titig mo" sabay sabay namin tinignan ni felix si knoxel
"He should be" with his cold tone. Nag sasalita pala to? akala ko kasi pipi
"Teka teka! Kuya? Magkapatid kayo!?" tanong ko
"Hindi ba halata? Sa gwapo namin 'to" Luh ang hangin namn nito
"kung papapiliin man ako kung sinong gwapo AT mas gwapo sa iniyo, si riggs na lang overall"
tsaka ko siya inisnob at tinignan si riggs na nakatingin kay felix then si felix nakatingin kay knoxel.
"Kung wala na kayong sasabihin. Pwede na ba kaming umalis?" sambit ni felix
"oh? of course" tumabi si kuya elan para makadaan kami
"Thank you. Let's go daree" ay bossy
"you've missed the chance felix" tumingin kami kay riggs even kuya elan and nag smirk lang si riggs
"lakas mo bro" nakipag abutan pa ng kamay si knoxel kay riggs
tinignan ko si felix and parang nawala na sa mood. Gusto kong tumawa baka kasi hindi na ako pansinin nito. Hirap pa naman tong suyuin.
Tahimik kami papuntang cafeteria. Nung papalapit na kami tsaka ko tinanong si felix para masira yung katahimikan namin dalawa, dahil nafefeel ko na ang awkward na namin.
"hoy, bakit ang sungit mo doon kay riggs? parang kanina lang nagwagwapuhan ka don" tinignan niya ako then he just smirked at me
"Gwapo naman talaga siya, ang sama lang ng ugali. If nafeel mo yung aura niya, he gives negative vibes. How come na magkapatid sila ni knoxel, ang opposite naman ng personalities nilang dalawa."
i got speechless kasi hindi ko naman nafeel yon or sadyang malandi lang ako nong time na yon kaya hindi ko napansin.
"may point" yan na lang ang tanging masasabi ko tsaka nag hanap na kami ng table para kumain.
"Hi, pwede makiupo sa iniyo?" tumingin kami sa nagsalita at tumango na lang kami.
"oh yes, may two seats pa naman so you can eat with us naman po" tignan mo ang bilis mag change ng mood.
"oh thank you." ngumiti siya at tsaka tumabi sa akin
Habang kumakain kami bigla siyang nag salita
"anong grade level na po ba kayo?"
"Grade 11 po" sabi ni felix at tsaka tumingin sa akin si kuya sa tabi ko
"hmm?" yon lang nasabi ko sa mga oras na yon.
"we're in the same level with kuya daree"
"ohh really? i'm in grade 12" ngiti niyang sabi.
Ang ganda ng ngiti niya, wala i find it pretty tho.
"ahh senior ka pala sa amin? Are you transferee or what? parang kasi now ka lang namin nakita" sabi ni felix. Itong felix na to. Interviewer yarn? tapos ito rin naman tamang sagot lang.
"No. I'm not a transferee. I always stay in library. Andon kasi yung favorite book ko na pinublish ni Tyler"
Biglang lumaki yung tenga at mata ko na marinig ko yung pangalang Tyler
"Anong title ng story?" tanong ko sa kaniya at tska niya na ako tinignan sa mata
"A little me" OMG!! gusto kong sumigaw dahil yun yung hinihintay ko na libro.
"Published na siya sa library natin. Are you leries rin?" sabi niya na sobrang excited na malaman ang response ko.
"No-"
"Yes. He is supper really fan of Tyler. He is Leries too." sabi ni felix at tsaka ko siya tinignan ng masama
Mukhang napapansin na ni kuya na gusto ko na awayin si felix kaya tumayo na siya at nag paalam.
"Thank you sa iniyo. I'll go now, because we're preparing for the activity. Thank you so much for your time, especially sa upuan" He smiled and wave at us
"Gwapo cree! amoy cotton candy pa gago" kilig na sabi ni felix
"oh ba't sobrang tahimik mo naman? At tsaka ba't ayaw mo aminin na leries ka?" tanong niya habang inuubos niya yung pagkain nniya
"ish! ayaw ko maagawan ng libro noh! and gusto ko mag basa na ako lang mag isa, baka mamaya nangmalan niya yon sama samahan niya na ako" pout kong sabi
"ano ka ba parang hindi naman siya interested sayo noh! sa sobrang gwapo non sasamahan ka pa non?" tinignan ko ng masama si felix
"tama ka nga gwapo yon. Kaya ako tahimik kasi gwapo yon"
"where's the point?" raising eyebrows pa
"Some of pogi mahilig sa tahimik at mukhang try to get HAHAHA" tumawa ako ng malakas at tumayo na si felix kaya sinundan ko na
"di ka naman mabiro"
"kasing pangit mo naman kasi yung joke mo"
bigla akong nawala sa mood nang masabi niya yon kaya inakbayan ko siya sa dahilan na para mahiya siya.
Habang nag kukulitan kami, nakita namin ulit si kuya elan na may kasamang tatlong lalake. Si riggs, knoxel, and.. Wait.
"Felix! Daree!" sigaw ni kuya elan
papunta na sila kung saan kami nakatayo ni felix. ssyempre yung mga tao sa paligid pinatitilian yung mga lalake. kala mo naman F4 noh.
"Oh? kuya sa cafeteria" turo ni felix kay kuyang matangkad
"ay? Do you know each other?" tanong ni kuya elan
kaya napatingin kami lahat kay kuya cafe.
"No. They actually give me chair kasi puno na yung mga table sa cafe kaya nakiupo na lang ako sa kanila"
"ohh.. ikaw bro chancing" Tawang sabi ni knoxel kaya nacurious na kami
"what do you mean?" pigil na tawa ni kuya elan tsaka tinapik si kuya cafe
"by the way, this is cameron" turo ni kuya elan. Nice name huh...
"Hi again! i'm cameron castillo, but you can call me cast" inabot niya sa amin yung kamay niya para makipag shake hands
"ganyan dapat pag nag iintroduce, hindi tulad ng iba jan feeling malinis mukha germs naman" isnob na sabi ni felix
pinaparinggan niya talaga si riggs. actually may point naman si felix kaya ako nag pipigil ng tawa at si kuya elan tinapik na malakas si felix dahil sa sinabi niya.
"Hi, i'm dario cree, just call me daree" tsaka inabot ko rin yung kamay ko
"I'm Felix Storm, younger brother of daree and the cousins of kuya elan" tsaka inabot ni felix yung kamay niya
"I know you two. Kwento kayo sa amin ni elan ehh.. And ever since i know that you're a leries. I just asked you kanina to make sure na totoo sinasabi ni elan" Tumawa siya and he looked at me. Ang ganda talaga ng ngiti niya dzai.
"classmates kaming tatlo aside kay knoxel pero magkakasama kami sa music club" sabi ni kuya elan
After a year naging close na kaming lahat maliban kay riggs at felix pero nauwi pa rin naman sa ligawan yung dalawa. After nila mag graduate grade 12 Senior High they decided to move to Canada silang apat then kami na lang natira ni Felix dahil wala kaming enough money at the same time binubuo namin ulit yung company na iniwan sa amin ni daddy and para na rin samahan si mommy.
sa tatlong taon nila na nasa canada ay medyo bumabalik sa una yung friendship namin dahil kay riggs at felix. awkward na pagkakaibigan namin dahil sa ginawa ni Riggs hayop yon.
(End of flashback)
Nakauwi na kami ng bahay ang daming kalat parang akala mo dinaanan ng bagyo. Pinaakyat muna kami ni mama sa mga kwarto namin. then we agreed kasi pagod na ako and si felix gusto na icontinue yung tulog niya.
Nang makarating ako sa kwarto ko, agad kong binuksan yung aircon at humiga na walang kapalit palit ng damit. Nag decide ako na magpatugtug ng Jazz Music cuz that is my favorite genre in music. Then tinignan ko lang yung ceiling hangang sa unting unti sumasara yung mata ko...
"anak? wake up" may narinig akong boses tsaka niya hinaplos buhok ko patalikod
"anak? daree?" ang soft ng voice
kaya dahan dahan ko na binuksan yung mga mata ko. nang makita ko yung mukha, talo pa ng reaction ko yung owl. Nanlaki ang mata ko, hindi ko alam if matutuwa ba ako or hindi.
"oh akala ko ba ma kay knoxel ako sasabay? Pabalik nyang Canada?" tinignan ko silang dalawa na parang hindi pa makapaniwala na andito siya
"aren't you happy anak?" tanong niya
"masaya naman, pa"
"masaya ka? Ako, hindi. mag mumog ka muna doon. Nangangamoy na bunganga mo" tinignan ko ng masama si mama
"joke lang naman anak" tsaka niya hinila si papa
"i miss you love" sabi ni mama kay papa.
"i miss you more, love" sinalikan ni papa si mama sa noo tapos sa pisnge rin.
"sabihin niyo lang kung nakakaabala ako sa iniyo. papaubaya ko tong kwarto ko, nakakahiya naman rin kasi sa may ari"
"I LOVE YOU LOVE"
"I LOVE YOU MORE LOVE"
Sarcastic nilang sabi at sabay nila akong tinignan at ningitian... Yung totoo, pamilya ko pa ba to sila?
"nakooo mag landian kayo paglabas niyo ng kwarto ko. harap harapan niyo pang ginagawa yan"
"Ang sabihin mo wala ka pang jowa HAHAHA" sagot ni mama
"may hawak akong unan, ma" tsaka ko tinapon sa kanila at dali dali silang tumakbo pababa.
Okay lang kay mama and papa na ganon yung trato namin sa kanila as long as we know our limitations as their children. Nandon dapat yung manners and yung respect. Pero if joke lang yon, you should also take it as a joke if hindi naman ganon ka big deal yung joke, okay lang.
May kumatok sa pinto ko. Don't tell me sila mama and papa na naman.
"May i come in?"
"yeah of course"
pagbukas ng pinto nakita ko na agad yung pamilyar na kamay.
"oh felix?"
"sabi ni mama bumaba ka na daw at mag mumog ka muna bago ka bumaba mabaho daw kasi hininga mo. Yucks" sabi niya habang nag pipigil ng tawa
"gusto mo bang makakita ng lumilipad na unan?"
"ayoko baka kasi may laway pa yan" tsaka siya tumakbo at sinara ang pinto na pabagsak
"gago ka felix! pinto mo!?"
ganon ba kabaho hininga ko? ang kinain ko lang naman sa even kanina is pancit and beef curry ah...
tinapat ko sa bunganga ko yung kamay ko at tsaka ko inamoy
"hmm. ang baho nga gago"
tumakbo ako ng mabilis papunta sa kubeta para mag toothbrush. pagkahawak ng pagkahawak ko ng toothbrush ay tuyong tuyo
"so ibig sabihin non wala pa ako nakatoothbrush simula kaninang umaga!?"
tumingin ako sa salamin at inaalala ko na baka naamoy nila knoxel at tita eli yung hininga ko.
"daree! hurry up!" sigaw ni papa sa baba kaya binilisan ko na at lahat lahat para wala na silang reklamo sa hygiene ko
after 3 mins bumaba na ako para makakain na ako ulit. pagkababa na pagkababa ko nakita ko silang lahat nakangiti sa akin at may lumabas na lalake galing kusina. Hindi ko ineexpect na uuwi sila.
"halaa seryoso ba to?" tumakbo ako papunta sa kaniya at tsaka niyakap
"I miss you kuya" tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
Close talaga kami ni kuya, I mean kaming tatlo ni felix, siya at ako. Yung parents niya is nag tratrabaho sa korea. Yung daddy niya CEO and yung mommy niya is Obstetrician kaya sa amin muna siya nag iistay pero unang pinupuntahan niya is yung parents niya before us. Never siya nagkaroon ng anger issues sa parents niya sa pagiging busy nila and kaya yun rin yunng dahilan kung bakit kami close masyado.
--