CHAPTER 19

1370 Words
MEREDITH'S POV: Nang ihatid ako ni Papa sa paaralan ay nanginginig kong iniyuko ang aking ulo habang naglalakad papasok sa loob ng gate, habang yakap-yakap ang aking mga libro. I could feel cold sweat on my forehead and my heart pounding rapidly. It felt like all eyes were on me, and each step was heavy with fear and anxiety. Agad kong narinig ang bulong-bulungan nila habang naglalakad ako, at bawat salita ay parang kutsilyong tumatama sa aking puso. "Naku, ang kapal naman ng mukha nyang pumasok pa, kahit na ang pangit ng reputasyon niya dito sa ating Unibersidad." Rinig kong sabi ng isang kapwa ko estudyante. Ang mga salita niya ay puno ng panghuhusga at paghamak, at naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa hiya. Parang gusto kong maglaho na lang sa mga sandaling iyon, pero pinilit kong ituloy ang paglalakad. Habang naglalakad ako, naririnig ko pa ang iba pang mga bulong-bulungan. "Tingnan mo siya, parang walang nangyari," sabi ng isa. "Ang kapal talaga," dagdag pa ng isa. Ang mga salita nila ay parang mga alon ng dagat na walang tigil sa pagbugso, at bawat isa ay nag-iiwan ng sugat sa aking damdamin. "Tulungan na kita." Ang boses ni Ethan ang aking narinig, nanginginig akong nag-angat ng tingin sa kanya. He's my classmate since in grade school and my best friend also. Hindi na ako nahiya na ibigay sa kanya ang aking mga dalang libro, ngunit lalo lamang lumakas ang mga bulung-bulungan, nang maglakad kaming sabay ni Ethan. "Wow, she's really something! First, she flirts with a professor, and now she's after a fellow student. So shameless, no sense of decency," Malakas na pamamahiya sa akin ni Didith, kaklase ko sa isang subject. "Don't listen to her, halika na!" Aya sa akin ni Ethan. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay, at hinila ako patungo sa aming room. Nauna akong pumasok, ngunit pagbukas ko ng pintuan ay saktong nahulog sa akin ang isang timba ng maruming tubig. Nabasa ako mula ulo hanggang paa, at narinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko sa likod. "Grabe, ang malas mo naman!" sigaw ng isa habang pinipigilan ang pagtawa."Bagay sa'yo ang bagong look na 'yan!" sigaw naman ng isa. Nagmamadali akong dinaluhan ni Ethan at agad niya akong pinunasan, gamit ang kanyang panyo. Mabuti na lang at na sa kanya ang aking mga libro, kung 'di pati ang mga iyon ay nabasa. "Halika, iuuwi na lang kita," sambit niya, nang makitang naluluha na ako. I nodded slowly and was about to follow, ngunit marahas akong naitulak ng kung sino. Kaya mabilis akong sumalampak sa sahig. Sa sobrang lakas nang pagkakatulak ay halos hindi ako makatayo. It felt like stars were spinning around my head, and the pain in my back seemed to spread throughout my entire body. Habang pilit kong inaabot ang aking mga kamay sa sahig upang makatayo, ay narinig ko ang mga halakhak ng mga tao sa paligid. Imbes na magalit sila sa tumulak sa akin, tila mas lalo pa silang natuwa sa aking kalagayan. Their eyes were full of mockery, and their laughter felt like knives piercing my heart."Meredith!" Malakas na sambit ni Ethan sa akin, sabay luhod sa aking harapan. "Okay ka lang?" Nag-aalala niyang tanong. "H-hindi ako makatayo," umiiyak kong sabi. "Shhh!" Mabilis niya akong kinarga, kaya napayakap ako nang mahigpit sa kanya. Hindi ko na inintindi ang mga bulung-bulungan, isinubsob ko na lamang ang aking mukha sa dibdib niya saka pumikit. Naramdaman ko na lamang ang paglalakad niya, pati ang mga luha na tumutulo sa aking mga mata. ------------- MAGNUS'S POV: I let her sleep by my side while I waited for the rain to stop. Suddenly, I heard her moan, nang tingnan ko na siya ay nakita kong lumuluha na siya. Kaya mabilis ko siyang ginising. Ngunit, nakakapaso ang init ng kanyang mukha nang mapahawak ako roon. Nang hindi siya magising ay tumayo ako at kinuha ang nakasampay kong damit at binasa iyon sa ulan. Nang matapos ay piniga ko iyon, saka lumapit kay Adelina. Marahan kong ipinunas iyon sa buong mukha niya, noo, leeg at pati na mga braso niya't dibdib. Pinunasan ko lahat para mawala ang init ng katawan niya. "Baby..." mahina kong gising sa kanya. Ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak niya, kaya nilakasan ko na ang pagyugyog sa kanya at nang magising nga ay mabilis siyang yumakap sa akin. "Sshhh... what happened?" Alo ko sa kanya. "Nananginip ako," humihikbi niyang sabi. "Anong panaginip mo?" Nag-aalala kong tanong, habang hinahaplos ang buhok niya, matapos higpitan ang tela sa katawan niya. "Iyong babae sa picture sa loob ng aking closet..." naluluha niyang sabi. "Huh?" Tiningnan ko siya, saka kumunot ang noo. "Sinong babae?" "Napanaginipan ko siya! Si Meredith, 'yung babae sa litrato sa aking secret room." Umiiyak niyang sabi. "She was being bullied! Pakiramdam ko ay ako ang sinasaktan ng mga kapwa niya estudyante. Ramdam na ramdam ko ang sakit, habang kinukutsa nila siya, na para bang ako mismo ang naroon!" Naiiyak niya pa ring sabi. "It's okay, baby! It's only a dream," pag-aalo ko sa kanya. "No, it's not!" Pamimilit niya pa, kaya niyakap ko siya nang mahigpit at tinapik-tapik ang likod niya. "It felt so real. I could feel every insult, every push. It was like I was living her pain.""Okay, sige. Calm down, baby!" Muli kong pag-aalo sa kanya. Unti-unti naman siyang tumigil sa pag-iyak. Siguro ay napagtanto niyang panaginip lamang talaga iyon. "Do you want to talk about it more?" tanong ko sa kanya. "She was so scared," bulong niya. "I could feel her fear, her desperation. It was like she was me."Napatingin ako sa kanya.dahil doon. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tinitigan siya sa mga mata. "Maybe it's just your mind playing tricks on you. Sometimes, our dreams can feel very real, especially when we're stressed or worried." Tumango siya, ngunit alam kong hindi pa rin siya lubos na kumbinsido. "I just... I don't know. It felt like more than just a dream." "Well, whatever it is, kung may sumunod man sa panaginip mong iyan ay narito lang ako, handang makinig sa iyo." Ngumiti siya, at sakto naman na tumigil na ang ulan, kaya saglit akong tumayo upang i-check ang paligid. Kanina ay dumating ang mga tauhan nila habang mahimbing na natutulog si Adelina, ngunit pinabalik ko rin agad sila. Her papa trusted me so much that I told him I'm in love with his daughter and that I'm willing to wait for her, and he agreed. Kaya nang sabihin ko na magpapatila lang kami ng ulan at hahayaan muna na makapagpahinga si Adelina ay sumunod naman agad ang mga tauhan nila. "Kapag lumiwanag ay uuwi na tayo. Sa ngayon ay magpahinga ka muna," sabi ko.Marahan naman siyang tumango, at muling pumikit. Nang magliwanag nga ay agad na kaming tumulak pauwi. Nang makarating kami sa bulwagan ng hacienda ay naroon na ang ama niya, na naghihintay sa amin. "Ayos ka lang ba, Anak?" Tanong sa kanya ng papa niya, nang maibaba ko siya sa kabayo. "Ayos na po ako, Pa. Medyo sumakit lang ang aking binti at paa sa lakas ng bagsak ko. "Oh, siya! Mabuti pa na dalhin mo na siya sa kanyang silid, para makapagpahinga siya nang tuluyan," utos ni Don Alejandro sa akin, na agad ko naman sinang-ayunan. I quickly carried her to her room, deretso sa banyo upang tulungang maligo. Maingat ko siyang inilapag sa bathtub, hinubaran, saka hinayaang tumulo ang maligamgam na tubig. Habang siya ay nakatitig lang at nagpapaubaya sa aking ginagawa. I help her bathed. After she finished, I wrapped her in a soft towel and helped her dry off.With her hair still damp, I led her back to her room and gently laid her down on her bed. I pulled the covers over her and made sure she was snug and warm. "Sleep baby," marahan kong sabi, nang mapansin na namimigat ang mga talukap ng mata niya."Ikaw? Alam kong wala ka pa ring tulog... dahil sa kababantay sa akin," nahihiya niyang sabi, na nginitian ko lamang. "Don't worry, matutulog ako sa kabilang room," sagot ko sa kanya. I stayed by her side for a moment, watching her breathe softly, before quietly leaving the room to let her rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD