PROLOGUE
ADELINA GALLEA MONFORT'S POV:
"Wala na talagang seryosong lalaki ngayon, lahat nagloloko na!" Galit kong sabi, habang naglalakad pauwi sa aming bahay.
Naagaw kasi ang boyfriend ko ng ka-block kong inggitera.
At ang masama pa ay sa harapan ko pa talaga sila naghahalikan! Ang mga walang hiya, ang lalakas ng loob, mga baboy!
Nasa b****a pa lang ako ng bahay ng mamataan si Don Alejandro, ang aking ama, na nakaupo sa aming sala. Maliit lang naman ang aming bahay kaya kita agad ang sala no'n kahit nasa malayo ka.
"Magandang hapon po," una kong bati, na agad niya namang ikinatayo.
"Magandang hapon, Iha!" Bati niya rin sa akin.
"Kanina ka pa niya hinihintay, Iha!" Wika ni Lola.
"Si Nanay po?" Tanong ko, nagtataka na nakapasok ang aking ama rito. Palagi kasi siyang tinataboy ng nanay ko.
Noon pa man ay alam ko na, na siya ang aking ama. Dahil palagi siyang nagtutungo rito, nagbabakasakaling patatawarin siya ng aking ina, ngunit sadyang matigas ang monay este ang puso ni nanay.
Ayon sa kwento ni Lola, dati raw, matalik na magkaibigan ang aking ama at ang aking ina. Ngunit, na-inlove daw ang aking ina sa ibang lalaki, na agaran niyang sinagot matapos manligaw. Hindi ito nagustuhan ng aking ama, kaya naman palihim niyang nilagyan ng pampalibog ang inumin ni nanay nang minsan na magpunta ito sa hacienda ng aking ama. At doon daw nangyari ang hindi dapat.
Nang malaman ng kasintahan ni nanay na siya'y buntis sa ibang lalaki, galit na galit raw ito. Bago tuluyang nakipaghiwalay, hinalay muna nito ang aking ina. Kaya naman mula noon, galit na ang aking ina sa lahat ng mga lalaki. Ni minsan ay hindi na siya tumingin sa ibang lalaki. Kaya kahit na lumaki na ako, hindi na siya nag-asawa pa. Kasama lang namin ay ang aking lola.
"Ayun, nagdeliver ng leche flan sa kabilang baryo." sambit niya na ikinatango ko.
"Nasaan na ang mga gamit mo para mailagay ko na sa kotse?" Tanong ng aking ama nang balingan ko.
Tuwing umuuwi kasi ako ng sabado ay sinunsundo niya ako at doon ako sa kanila natutulog hanggang linggo. Inihahatid niya naman ako sa aking Universidad tuwing umaga ng lunes.
"Kukunin ko lang po." Sagot ko, tapos ay patakbo na akong pumunta sa silid namin ni Nanay.
Nang makuha ay mabilis akong humalik sa aking Lola, saka nagpaalam.
Hindi naman kalayuan ang hacienda ng aking ama rito, medyo isang kilometro lamang. Malayo lang talaga ang gate. Pero, katulad ng aming bahay ay nasa harap lang din no'n ang napakagandang dagat.
Nang makarating sa hacienda ay agad akong bumaba, bitbit ang ibang gamit sa Unibersidad.
"Handa na po ang hapunan senyorita," sambit ni Manang salve, nang makita akong papasok ng living room.
"Sige po, salamat! Papasok na rin si Papa," magalang kong sabi.
Imbes na dumeretso sa dining area ay nagderetso ako sa aking room.
Mabilis kong ini-lock ang aking pintuan saka binuksan ang aking closet. Ang aking kwarto ay malaki, may malalaking bintana na nagpapasok ng liwanag, at may built-in closet na halos kasing laki ng isang maliit na silid.
Sa loob ng closet, sa likod ng mga damit at sapatos, ay may isang lihim na pintuan na halos hindi mo mapapansin kung hindi mo alam na naroon ito.
Sa unang tingin, ang pintuan ay parang bahagi lamang ng dingding, ngunit kung titingnan mo nang mabuti, makikita mo ang mga bakas ng isang lumang pinto.
Noong una, takot akong pasukin iyon. Ang mga kwento ng mga multo at misteryo na naririnig ko mula sa mga matatanda ay naglalaro sa aking isipan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang aking takot ay napalitan ng matinding pagkamausisa. Hindi ako mapakali, palaging iniisip kung ano ang nasa likod ng pintuang iyon.
Ngayon, sa wakas, ay nagpasya akong pasukin ito. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, at ang mga bisagra ay umingit na parang matagal nang hindi nagagamit. Sa likod ng pintuan ay isang lumang silid, puno ng alikabok at mga lumang kasangkapan. Ang mga dingding ay may mga lumang larawan at mga libro na tila hindi na nabubuksan sa loob ng maraming taon.
Ang amoy ng lumang kahoy at papel ang sumalubong sa akin, na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na tila naglakbay ako sa nakaraan.
Habang iniikot ko ang aking mga mata sa paligid, napansin ko ang isang lumang litrato ng isang napakagandang babae.
Ang babae ay may mahabang buhok na nakaayos nang maayos. Nakasuot siya ng itim na long sleeve na damit na tila yari sa mamahaling tela, na may mga burda sa gilid na nagbibigay ng karagdagang ganda at elegansya, na tila yari pa noong sinaunang panahon.
She was young. Her face bore a gentle smile, but her eyes seemed like she was mad at something.
Saan kaya siya may galit? Tulad ko rin ba siyang iniwanan ng boyfriend? Pero bakit naman siya iiwanan? Ang ganda-ganda niya kaya. Samantalang ako, hindi na nga maganda, makapal pa ang salamin sa mga mata. Hays!
Kinuha ko ang litrato niya at pinunasan iyon ng aking kamay.
"Kung ganito ako kaganda, aakitin ko ang professor namin na gwapo! Kahit na ang sungit-sungit no'n!" Napalakas kong sabi. "At kung wala itong aking salamin, naku!" Saad ko pa.
Nang parang gumalaw ang sahig ay bigla akong kinabahan, kaya nagmamadali kong inilapag sa mesa ang litrato saka lumabas ng sikretong silid.
Nang mapansin na sobrang dumi ng aking kamay at mukha ay mabilis akong nagtungo sa aking bathroom at naligo na.
Dahil sa pagod na rin ay mabilis akong nakatulog sa kama nang hindi pa kumakain.
Nagising na lang ako na may kumukulbit sa aking braso.
"Miss?"
Inaantok na iminulat ko ang aking mga mata, at sa pagmulat kong iyon ay agad na bumungad sa aking harapan ang aming Professor na si Sir Magnus Blackwell. Ang kanyang presensya ay tila nagpatigil ng oras.
"Miss Monfort, mukhang gising ka na ngayon," sabi ni Sir Magnus, may bahid ng amusement sa kanyang boses. "Siguro ay mas mabuti kung makikinig ka na sa aking lecture."
"Ang gwapo!" Mahina at wala sa sarili kong sabi, ngunit sapat na para marinig ng buong klase. Agad kong narinig ang mga tawa at bulungan ng aking mga kaklase, kaya nanlaki ang aking mga mata sa kahihiyan.
Napalunok ako at mabilis na umupo nang maayos, my face burning with embarrassment. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang aking tingin, habang naririnig ko pa rin ang mga tawa ng aking mga kaklase sa likuran.
"I know that, but it's not right to sleep in my class even if you're beautiful!" he said firmly, bago naglakad sa unahan kung nasaan ang table niya.
Wait, what? Maganda raw? Seryoso siya?
I instinctively reached for my glasses, a habit I couldn't shake, but was surprised when I didn't feel them.
"Oh my God!" I exclaimed, jumping to my feet.
"What is it this time, Miss Monfort?" he asked, his tone a mix of exasperation and curiosity.
"W-wala po, Sir Magnus. Sorry po!"
Anong nangyari sa akin? Bakit wala akong salamin at paanong nakakakita na ako nang maayos. Nagmamadaling kinuha ko ang aking salamin sa loob ng aking bag at nang makita ang aking sarili ay nahagis ko ang aking salamin sa gulat.
"Ano na naman ba?" Pagod na tanong sa akin ni Sir Magnus, halatang nawawalan na ng pasensya.
"Sir, hindi ko po alam kung anong nangyari," sagot ko, nanginginig pa ang boses ko sa kaba. "Bigla na lang akong nakakakita nang malinaw kahit wala akong salamin!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko, pero si Sir Magnus ay tumingin sa akin nang seryoso. "Miss Monfort, you might need to see a doctor. But for now, please pay attention to the lecture."
Wala sa sariling napahawak ako sa aking mukha. I couldn't believe what I saw earlier—my face in the mirror. My glasses were gone, and now I looked beautiful.
Napakagat ako ng aking labi nang muli akong tawagin ni Sir.
"Miss Monfort, let's hope this doesn't happen again."