UNANG SIRIT (SSPG‼️)Updated at Nov 15, 2024, 12:01
"Miss?"
Inaantok na iminulat ko ang aking mga mata, at sa pagmulat kong iyon ay agad na bumungad sa aking harapan ang aming Professor na si Sir Magnus Blackwell. Ang kanyang presensya ay tila nagpatigil ng oras.
"Miss Monfort, mukhang gising ka na ngayon," sabi ni Sir Magnus, may bahid ng amusement sa kanyang boses. "Siguro ay mas mabuti kung makikinig ka na sa aking lecture."
"Ang gwapo!" Mahina at wala sa sarili kong sabi, ngunit sapat na para marinig ng buong klase. Agad kong narinig ang mga tawa at bulungan ng aking mga kaklase, kaya nanlaki ang aking mga mata sa kahihiyan.
Napalunok ako at mabilis na umupo nang maayos, my face burning with embarrassment. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang aking tingin, habang naririnig ko pa rin ang mga tawa ng aking mga kaklase sa likuran.
"I know that, but it's not right to sleep in my class even if you're beautiful!" he said firmly, bago naglakad sa unahan kung nasaan ang table niya.
Wait, what? Maganda raw? Seryoso siya?
I instinctively reached for my glasses, a habit I couldn't shake, but was surprised when I didn't feel them.
"Oh my God!" I exclaimed, jumping to my feet.
"What is it this time, Miss Monfort?" he asked, his tone a mix of exasperation and curiosity.
"W-wala po, Sir Magnus. Sorry po!"
Anong nangyari sa akin? Bakit wala akong salamin at paanong nakakakita na ako nang maayos. Nagmamadaling kinuha ko ang aking salamin sa loob ng aking bag at nang makita ang aking sarili ay nahagis ko ang aking salamin sa gulat.
"Ano na naman ba?" Pagod na tanong sa akin ni Sir Magnus, halatang nawawalan na ng pasensya.
"Sir, hindi ko po alam kung anong nangyari," sagot ko, nanginginig pa ang boses ko sa kaba. "Bigla na lang akong nakakakita nang malinaw kahit wala akong salamin!"
Nagtawanan ang mga kaklase ko, pero si Sir Magnus ay tumingin sa akin nang seryoso. "Miss Monfort, you might need to see a doctor. But for now, please pay attention to the lecture."
Wala sa sariling napahawak ako sa aking mukha. I couldn't believe what I saw earlier—my face in the mirror. My glasses were gone, and now I looked beautiful.
Napakagat ako ng aking labi nang muli akong tawagin ni Sir.
"Miss Monfort, let's hope this doesn't happen again."