CHAPTER 1

1434 Words
ADELINA GALLEA MONFORT'S POV: Hello, I am Adelina Gallea Monfort, and I am 18. I am an architecture student at Solaria Provincial University. I live in a charming seaside house in Marisport, Solaria, located in Cotabato. Sabi ng nanay ko, maganda raw ako. Ang mukha ko raw ay namana sa Papa ko na may lahing kastila. My long, wavy dark hair frames my face, often tied back in a loose ponytail during projects. My deep brown eyes reflect my intelligence and curiosity. I have fair skin with a healthy glow and a few freckles on my nose and cheeks. I am 5'7 in height, namana ko 'yun kay Papa. Mas gusto ko ang komportableng damit, karaniwang well-fitted na jeans, casual na tops, at syempre, hindi mawawala ang aking salamin. Na-accelerate ako ng dalawang taon noong ako ay nasa elementarya, kaya maaga akong nakatungtong sa kolehiyo. Ako ay isang iskolar, at ang ilan sa aking mga gastusin ay tinutustusan ni Papa. Kahit hindi sila magkasundo ni Nanay, pumayag pa rin siyang gamitin ko ang apelyido ng aking ama mula nang ako'y ipanganak. Parehas silang hindi na nag-asawa. Parehas naman silang may hitsura, pero ni minsan ay hindi ko sila nakitang tumingin man lang sa iba. My father would always say that he only loves Nanay, and if she can't accept it, then he won't get married at all. Isang bagay na ikinakilig ko, baka kasi sila talaga kaya ayaw nila parehas tumingin sa iba. You might wonder why I call my mother 'Nanay'; it's simply because that's what she prefers. Ang nanay ko ay isang simpleng babae, walang kumplikasyon sa buhay, at kadalasan ay nakatuon lamang siya sa kanyang pagluluto. Ito ang aming pinagkakakitaan, ang pagtitinda ng ulam at paminsan-minsan ay nag-aalok din si Nanay ng catering services. Kapag may catering, kahit oras na ng aking pagbisita sa hacienda ni Papa, ito'y aking ipinagpapaliban muna. "Aalis ka na, anak?" Tanong sa akin ni Nanay nang makita niyang lumabas na ako ng aming silid. "Heto ang baon mong pera, at itong isang request mo," wika niya nang makalapit ako. Agad kong dinampot ang paperbag na naglalaman ng bento lunch na aking maayos na inihanda kanina. "Salamat po, Inay! Ikaw talaga ang pinaka da best!" sabi ko habang inaayos ang salamin sa aking mata. Malabo na kasi ang paningin ko mula noong ako'y limang taong gulang pa lamang. Hinalikan ko si Nanay sa pisngi bago lumapit kay Lola na nakaupo sa kanyang tumba-tumba. "Paalam, Lola!" masayang bati ko, sabay halik sa kanyang pisngi. Ngumiti siya nang malapad, at ramdam ko ang init ng kanyang pagmamahal. "Mag-ingat ka, apo," sabi ni Lola, habang hinahaplos ang aking buhok. "At huwag kalimutang mag-aral nang mabuti." "Opo, Lola!" sagot ko, sabay kaway habang papalayo. "Naku, talagang napakalambing ng anak mo, Flora!" Narinig ko pang sabi ni Lola habang papalabas ako ng aming pintuan. Hindi ko na narinig ang sagot ni Nanay dahil mabilis akong lumabas ng bahay. Sa b****a pa lang ay naroon na ang driver ni Papa, ngunit huminga lang ako nang malalim saka muling naglakad. "Senyorita, sumakay na po kayo, magagalit na naman po ang Don niyan sa akin!" pakiusap ng driver, halatang kinakabahan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako sasakay? Ayaw kong makita ako ng mga kapwa estudyante ko na nakasakay diyan. Ayokong isipin nila na mayaman ako!" sagot ko, pilit na pinipigilan ang inis. "Pero senyorita!" Kakamot-kamot ito ng ulo habang tinalikuran ko siya, nagmamadali akong lumayo. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang pila ng tricycle na maghahatid sa akin sa bayan kung saan matatagpuan ang Unibersidad na aking pinapasukan. Pagkarating ko sa Unibersidad, agad kong hinanap ang aking kasintahang si Lando. Natagpuan ko siya sa kanyang tambayan, kasama ang isang babae na tila masayang nagkukuwentuhan. Agad akong lumapit, pilit na pinipigilan ang kaba sa aking dibdib. Umupo ako sa tabi niya at iniabot ang bento lunch na maingat kong inihanda para sa kanya. "Hi, Lando! Dala ko 'yung paborito mong lunch," sabi ko, pilit na ngumiti habang tinitingnan ang babae sa kanyang tabi. Napatingin si Lando sa akin, bahagyang nagulat, ngunit agad na ngumiti. "Salamat, Adelina. Ang sweet mo talaga," sagot niya, sabay kuha sa bento. Ramdam ko ang tingin ng babae sa amin, kaya't pilit kong pinanatili ang aking ngiti. "Walang anuman. Gusto ko lang siguraduhin na nakakakain ka ng maayos," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang tingin ng babae kay Lando. Sino kaya siya? At bakit parang ang lapit nila sa isa't isa? "Wow, salamat dito, Adel! Napakaswerte ko talaga sa'yo," sabi niya na lalo kong ikinangiti, saka muling inayos ang salamin na aking suot, napatingin ako ulit sa babae n mukhang napansin ni Lando, kaya napatingin na rin siya sa babae. "Ito nga pala ang pinsan ko, si Cora!" pagpapakilala niya. "Hindi ka pa ba aalis? Baka ma-late ka na sa klase mo," sabi niya habang sumusulyap sa kanyang relo. Nang hahalikan niya ako sa aking labi ay mabilis akong umiwas, saka tumayo nang mabilis. "A-ah, oo, aalis na nga ako." Kumaway pa ako, bago tuluyang tumalikod at naglakad. Mabilis akong umakyat sa hagdan at hindi sinasadyang mabangga si Sir Magnus na pababa pala ng hagdan. "S-sorry po, Sir M-magnus!" nauutal kong sabi, habang pilit na pinipigilan ang pamumula ng aking mukha. Damn! Ang bango niya talaga at napakatigas ng dibdib niya. Napalunok ako nang mapagtanto kong nakakapit pala ako sa dibdib niya. Agad kong binitiwan, pero hindi ko napigilan ang panlalaki ng aking mga mata. "Okay ka lang ba, Adelina?" tanong niya, may halong pag-aalala at amusement sa kanyang boses. "Ah, opo, Sir! Pasensya na po talaga," sagot ko, sabay kamot sa ulo. "Hindi ko po sinasadya, promise!" Ngumiti siya, at sa isang iglap, parang nawala lahat ng kaba ko. "Walang problema. Next time, ingat ka lang sa pag-akyat ng hagdan, baka mas malala pa ang mabangga mo," biro niya, sabay kindat. Natawa na lang ako, sabay sabing, "Opo, Sir! Next time, iiwasan ko na pong mabangga ang mga matitigas na dibdib." Napailing siya, pero may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Nang bumaba siya ng isang baitang papalayo sa akin ay narinig ko pa siyang tumawa nang mahina. "Adelina, talagang kakaiba ka," mahinang sabi niya, na tama lang upang marinig ko, na ikinangiti ko pa lalo. Hindi ako malandi, pero inaamin ko na unang kita ko pa lang kay Sir Magnus Blackwell ay naging crush ko na siya. He is 25 years old and teaches architectural design. Bukod sa kanyang kaalaman at husay sa pagtuturo, hindi rin maikakaila ang kanyang karisma at kagwapuhan. Ang kanyang presensya sa klase ay laging inaabangan ng mga estudyante, at hindi ko maiwasang mapahanga sa tuwing siya'y nagsasalita. Sir Magnus has a chiseled jawline and high cheekbones, giving his face a striking, sculpted look. His piercing blue eyes and dark, wavy hair are always perfectly styled. Standing at about 6 feet tall, he has an athletic physique, with broad shoulders and strong arms often highlighted by his tailored shirts, making him look both professional and approachable. Kaya naman hindi nakakapagtaka na halos lahat ng estudyante dito ay may paghanga sa kanya. Maging ang aming mga babaeng propesor ay humahanga rin sa kanyang katangian. Bago pa man ako makapaglakad nang malayo, narinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan. "Adelina, wait!" I turned around just in time to see him sprinting up the stairs towards me, his eyes locked on mine. My heart pounded in my chest, each beat echoing louder as he closed the distance between us. His movements seemed to slow down, almost as if time itself was giving me a moment to take in every detail. "Adelina," he said, slightly out of breath but with a warm smile that made my knees weak. "I need a favor." "S-sige po, Sir! Ano po iyon?" I asked, trying to keep my voice steady. Iniabot niya sa akin ang isang stack ng mga papel, at ang mga daliri niya ay bahagyang sumagi sa akin, na ikinainit ng pisngi ko. "Could you take these to my office? I have another class to get to, and I trust you to handle these carefully." Hinihingal niya pa ring sabi. Tumango ako, nararamdaman ang halo ng excitement at kaba. "Sige po, Sir. Ako na ang bahala." "Salamat, Adelina," sabi niya, habang lumalapad ang kanyang ngiti. "I appreciate it." Habang papalayo siya, hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig. Yay! Masaya na akong mapansin niya, alam ko naman na hindi ako papatulan no'n kaya hanggang delulu lang talaga ako. Si Lando talaga ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD