MAGNUS'S POV: Simula nang makita ni Adelina ang litratong iyon ay tila nagbago ang pakikitungo niya sa akin. She's sweet, but sometimes I feel like she wants to distance herself from me. Palagi rin mainit ang ulo niya, at kung minsan ay sinusungitan ako. Ang pag-aayos ng kasal namin ay napurnada. Nagiging marami na rin ang dahilan niya para makaiwas sa akin. Madalas siyang nagmamadali sa pag-uwi. Lagi siyang nauna, kahit na pakiusapan ko siyang maghintay. Tuwing ako naman ang dumadalaw, siya ay laging pagod, na aking iniintindi na lamang. Kinakabahan ako na ganito ang ipinapakita niya sa akin. Natatakot ako na baka iwanan niya ako. My love for her is so deep that if she needs space, I will grant it. However, I am not going anywhere; I will remain by her side until she feels better, ha

