CHAPTER 4

1267 Words
ADEL'S POV: Masaya ako nang pumasok kinabukasan, kahit na hindi nagtext si Lando. Nasanay na ako na hindi niya ako pinapansin. Hindi naman ito malaking bagay para sa akin, dahil kailangan ko talagang mag-pokus sa aking pag-aaral, kaya hindi mahalaga kung papansinin niya ako o hindi. Nasa kalagitnaan na ako ng hallway nang makasalubong ko si Lando na may bibit ng isang bulaklak, na tila pinitas sa labas ng gate ng aming Unibersidad. "Hi, Adel! Para sa'yo nga pala. Pasensya ka na kahapon ha, hindi na ako nakapagchat or text man lang. Isinugod kasi naman sa hospital 'yung nanay ko," malungkot niyang sabi, na ipinag-alala ko. Napangiwi ako ng tanggapin iyon, para na kasing lantang gulay iyon na tila ba inihampas ng ilang beses, kahit na fresh pa ang dahon at bulaklak niyon. "Naku, ayos lang. Walang problema sa akin," sabay ngiti ko. "kamusta naman ngayon ang nanay mo?" Nag-aalala kong sabi, sabay hawak sa braso niya bilang suporta. "Kasama mo ba 'yung pinsan mong si Cora? Asan siya?" Luminga pa ako sa paligid para siguraduhin kung nasaan siya. "Wala siya, andun sa tabi ng nanay ko, hindi makalakad." Sambit niya na ikinapagtaka ko. "Huh? Hindi makalakad, bakit?" Tanong ko, sabay ayos ng aking salamin. "Pqgod na pagod siya sa pag-aalaga, kaya halos hindi na makatayo," malungkot niyang sabi. "Nagpunta lang ako dito, nagbabaka sakali na makahiram ng pera sa mga kaibigan ko, kaso wala ni isa ang nagpahiram sa akin. Kawawa naman ang nanay ko, panay ang iyak niya kagabi," halos umiyak na siya nang sabihin iyon. "Gano'n ba?" Dumukot ako sa aking pitaka ng limang libo at inabot iyon kay Lando. "Heto, ipandagdag mo sa gastusin sa nanay mo, maliit lang 'yan pero sana makatulong." Nakangiti kong sabi. "Naku, maraming salamat! Hulog ka talaga ng langit! Kaya mahal na mahal kita, e!" Wika niya sabay yakap sa akin. "Sige, alis na ako ha! Ibibili ko muna ito ng gamot," saad niya, kaya kumaway na lang ako sa kanya nang mabilis siyang naglakad palayo sa akin. "Huy, bruha! Ano na naman 'yang kagagahang ginawa mo? Nagbigay ka ng pera? Ano ka sugar mommy?" Sita sa akin ng kaibigan kong si Zarah. "E, malay mo naman totoo." Sabay nguso ko. "Naku, sa hilatsa ng mukha no'n, mukhang walang magandang gagawin at halatang walang katotohanan lahat ang sinasabi no'n! Gising friendship!" Sermon niya sa akin, habang paakyat kami ng hagdanan. "Grabe ka naman kay Lando. Mukha naman siyang mabait. Hindi naman siyang nagtatangkang makipagtalik sa akin," pagtatanggol ko pa. "Grabe, binigyan mo pa talaga ng pera, e halos hindi naman kayo nagkikita!" Reklamo niya pa sa akin. Nasa dulo na kami ng hagdanan nang mapalingon ako sa likod namin. Muntikan ko pang mabitawan ang dala kong plates sa gulat na naroon si Sir Magnus na nakasunod lamang sa amin. "Damn! Narinig niya ba lahat ng pag-uusap namin ni Zarah? Nakakahiya sa kanya," bulong ko sa sarili ko, habang pilit na pinapakalma ang kabog ng dibdib ko. "Good morning, Sir Magnus!" Bati ko. Nang matapat siya nang tuluyan sa amin, hindi ko maiwasang mapansin ang galit sa kanyang mukha. Hindi siya tumigil, hindi rin siya tumingin sa akin. Dumaan lang siya, diretso, na parang hindi niya ako kilala. I felt the weight of his presence as he walked away, and the pain of his disregard was like a knife piercing my heart. "Galit ba siya sa akin, best?" Halos maluha kong tanong, habang niyayakap na ang aking plates, sabay ayos ng aking salamin. "Kaloka ka, bakit naman siya magagalit sa'yo?" Pinaikot niya ang kanyang mga mata, saka iniwan ako at nag-umpisa nang maglakad. Tss! Masama na ba magtanong ngayon? Pagpasok ko sa subject namin ay ang nakasimangot na Sir Magnus ang sumalubong sa akin. Hala, kahapon lang ay maayos siyang ngumingiti sa akin. Ngayon ay bakit parang may nagawa akong ksalanan? Narinig kaya talaga niya ang pag-uusap namin ni Zarah? Pati ba ang pagbigay ko ng pera kay Lando ay narinig niya? Iyon kaya ang kinagagalit niya? Habang nagle-lecture siya, hindi ko maiwasang mapansin ang malamig niyang tingin. Kahit nang magkaroon ng recitation, hindi niya ako tinawag, kahit ilang beses na akong nagtataas ng kamay, at walang ibang nagtataas ay iba pa rin ang tinawag niya. Kaya nang huling tanong niya ay hindi na ako nagtaas pa ng kamay, hindi niya rn naman ako tatawagin. Hindi na ako aasa pa. Kahit noong mag-lunch ay hindi niya rin ako pinansin kahit na binati ko siya, na ikinalungkot ko. Tss! Bakit kasi umaasa ka pa d'yan, Adelina? Hindi talaga p'wedeng maging magkaibigan ang isang propesor at ang estudyante. H'wag ka na kasing maghabol pa! "Iyong nguso mo, best! Humahaba! Ano ba kasing ikinalulungkot mo d'yan? Si Lando na naman ba?" "Hindi, ah! Mukha na ba akong Lando?" Sabay tawa ko. "Hindi, mukha ka lang sugar mommy!" Pangbubuska pa niya na sinamaan ko nang tingin. "Baka naman kasi may sakit ang nanay niya. At least, nakatulong ako. Konsensya niya na kung hindi totoo ang sinasabi niya." Seryoso kong sabi. "Bahala ka sa buhay mo!" Inis niyang sabi, bago nag-umpisang kumain na lamang. Nang mag-uwian naman ay hindi na ako naghintay pa sa waiting shed, alam ko naman na wala si Lando. Malamang ay naroon siya sa nanay niyang may sakit, kaya busy na naman iyon. Kahit kung si Nanay ang magkasakit, marahil ay hindi ko rin mahahawakan ang aking cellphone. Mas uunahin ko ang pag-aalaga kay Nanay. Kaya naiintindihan ko kung hindi niya na naman ako makakausap sa phone. Pero hindi naman talaga kami nag-uusap sa phone, madalas ay ilang beses lang siya magchat tapos ay wala na. Bigla akong napangiwi nang maalala iyon. Patawid na sana ako nang kalsada nang tumigil ang Bugatti ni Sir Magnus sa aking tapat. Bigla ay nahigit ko ang aking hininga sa aking pagkagulat. Shocks! Bakit kaya siya tumigil? Isasakay niya kaya ako? Ihahatid niya kaya ako ulit sa bahay? Nang ibaba niya ang bintana at tumingin sa akin ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso. "Can you move out of the way; you're blocking Miss Minerva!" He said in a cold tone voice. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi sa gilid. Habang pinagmamasdan ko ang pagdaan ni Miss Minerva. Seeing Miss Minerva stirred a whirlwind of emotions within me. There was no denying the sharp pang of jealousy as I watched her, the epitome of elegance and intellect, effortlessly capturing everyone's admiration, especially Sir Magnus. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya, pakiramdam ko ay natatabunan ako ng kanyang kahanga-hangang kagandahan at nang mala-coke na kurba ng kanyang katawan. Bumagay rin sa kanya ang maiksi niyang uniform na kaakit-akit tingnan, na kahit sino ay mapapalingon, at talagang maglalaway sa mga hita niyang makinis at maputi. It was a moment that brought all my insecurities to the surface, making me question if I could ever stand out in the same way she did. Gaganda rin kaya ako nang katulad niya kung magdadamit ako ng ganoon at aalisin ang aking salamin? Hays! Nang makapasok na si Miss Minerva sa loob ng sasakyan, narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Sir Magnus. "Let's go," sabi niya, at sa isang iglap, umandar na ang kanilang sasakyan. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, na nakatingin lang hanggang sa mawala ang kotse sa aking paningin. Tumawid ako ng kalsada na parang maiiyak. Tss! Bakit parang mas masakit pa ito, kesa sa hindi pagpansin sa akin ni Lando? Bakit parang binibiyak ang puso ko nang makitang kasama niya si Miss Minerva? Mahal ko na ba siya, kaya ako nagkakaganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD