ADELINA'S POV: Pa'no naman kaya napunta sa aking kamay? O kinuha ko habang natutulog ako? Baka naman may sa demonyo na ang kwintas na ito? Nakita ko sa panaginip na hawak-hawak ito ni Meredith, habang sinusuma niya ang kanyang propesor. Ano naman kaya ang ginawa ng propesor niya sa kanya? Minolestya ba siya? Napatakip ako sa aking bibig nang maisip na baka iyon nga ang nangyari. Hindi naman siya ganoong magagalit kung hindi siya nilapastanganan. Nalungkot ako nang mapatingin ako sa aking closet, gustuhin ko mang magpunta roon ay hindi ko magawa. "Hayaan mo, tutulungan kita." Bulong ko, habang nakatitig sa aking closet. Ilang araw din akong hindi nakalakad, pero kahit gano'n ay palagi akong dinadalaw ni Sir Magnus. Na may dalang kung ano-ano para sa akin. Kung minsan ay libro, mga p

